Chapter 16:Princess in shining armour

4 0 0
                                    


Patago ko silang sinundan.Syempre,hindi muna ako makikipagsuntukan dahil wala pa akong nahahanap na info.

Kailangan mahanap ko ang dahilan kung bakit nila kinidnap si Alexius.Pinasok nila si Alexius sa van pero hindi pa ito umandar.

"Pare,magkape muna tayo"

"Pano tong si Alexius?"

"Huwag muna natin yang pansinin,nakagapos yan"

"Pero pano kung malintikan tayo ni boss?"

"Tsk!Hindi yan!"then nakita ko silang umalis na sa van at ng nakalayo na sila ay agad ko namang tiningnan ang plate number atsaka binuksan yung likod ng van tapos pumasok dun.Agad ko naman yung sinirado.Buti nalang talaga at hindi ako nakadress kundi matagal na akong nahuli.

Pinindot ko ang silent mode ang cellphone ko tapos tinurn on ang recorder.I know this will help kung sakaling maghanap sila ng ebidensya.

Maya maya ay pumasok na yung mga kidnappers at pinaandar ang kotse.Kumanta kanta pa talaga sila ng music sa radyo na nagpaparelate sa akin.Nakakairita talaga.

Ilang minuto ay huminto na yung kotse kaya binulsa ko yung cellphone ko at palihim silang sinundan.Nasa isang abandonadong building kami napunta.Marami siyang mga barrels kaya marami ring mga materials na pwede kong iarmas.Mmmhh...mamili na kaya ako ng shield sa baril?

Agad akong nagtago at pinagmasdan sila na naghihintay sa kanilang boss.Mmmhh...sino kaya ang boss nila?

"Pre,bakit naman hindi pwedeng magdala ng baril?"

"Kasi naman pre,gusto ni sir na makipagbugbugan tayo at hindi umaasa sa baril"

"Unfair naman"

Maya maya ay dumating na yung boss and the heck!Siya yung pumatay kay Tammie ah!Ano na namang kailangan niya kay Alexius?Letse talaga.

"So ikaw si Alexius Alfonzo Aldrich"

"Ako nga,why?What do you want from me?"

"Well,kailangan ko kasing patayin ang kaisa isahang anak ni Alfonso Aldrich sa isang kadahilanang hindi ko matanggap tanggap"

Pagkasabi niya nun ay agad akong napatayo at tinapon sa kanya yung doorknob at natamaan siya sa ulo kaya agad ito nawalan ng malay.Agad naman akong nagpakita sa kanila.May dala akong mga armas na para sa construction.Alambre,lubid, tubo na may bakal sa ilalim,pako,martilyo at iba pa.

Okay,hindi ako magaling sa bugbugan pero magaling akong gumamit ng isang bagay at gawin itong armas.That's the real me.Kung kinakailangan ay gawin kong armas tong katawan ko ay ginagawa ko din.

"Miss huwag kang mangialam dito.Papatayin na namin tong lalaking 'to"

"Anong huwag pakialaman?Kayo nga tong nangialam sa buhay niya eh!"

"Aba miss!Gusto niyo ata ng gulo!"

"Hindi gusto ko ng away!"

"Pareho lang yun!"

"Hindi yun pareho!Spelling nga hindi pareho eh!Tsk!How come na hinire ka ng hinayupak mong boss eh napakabobo mo naman?"

"Hindi ako bobo!"tapos napaatras ako hanggang sa nasa likod ko na si Alexius.Palihim kong tinanggal ang gapos sa kamay niya habang nagsasalita pa kami ng stupid na kidnapper na 'to.

"Weh?Kung hindi ka bobo sige nga?Anong square root ng 11?"Madali lang yan,kung sakaling hindi niya makayanan,may mas mahirap pa dyan.Pasagutin ko pa siya ng trigo eh.

Keep my eye on himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon