Break muna sa pagrereview.Ewan ko ba kung bakit tinatamad akong magreview eh.Basta,ayaw ko munang mag-aral,kahit ngayon lang para naman marefresh ang utak ko at hindi maging mainit palagi.Palagi nalang kasi na-ooverheat.
Andito daw si Mia sa bahay.San na kaya yung mga yun?Sabi nila nasa sala daw pero wala naman.Kaloka talaga.Hinanap ko din sa kusina pero wala naman.Ay tanga,bat naman yun pupunta pa sa kusina eh hindi naman yun mga patay gutom?
Hinanap ko naman sila sa mga kwarto pero wala naman.Pati nga sa mini parlor wala eh.Baka naman nasa rooftop?Okay, makaakyat na nga.
Nagsimula na akong umakyat at pakshet lang,ang sakit sa tuhod kaya huminga muna ako ng malalim at tumakbo paakyat and phew!Nakaakyat na din!
May nakita akong bench kaya dun ako umupo at kitang kita ang view.Nakakarefresh talaga sa utak.
"Phew!Nakapagpahinga na din!"
"Anong ginagawa mo dito?"Napalingon naman ako at nakita ko si Nick.Tinaasan ko naman siya ng kilay.Marunong na pala ako magtaas ng isang kilay,tinuruan ako ni Freya eh.^.^
"Malamang magpapahangin.Alangan namang magsusuicide?"
"Pwede na din"tapos tumabi siya sa akin.
"Excuse me?Mahal ang buhay ko atsaka hindi dapat tinatapon ang isang napakahalagang regalo"
"Bakit ba napaka-expressionless mo?"
"May damdamin ako pero hindi mo yun makikita sa mukha ko"-___-Tinatanong pa ba yan?
Bigla namang umulan kaya agad kaming pumasok at umupo nalang sa stair.Lechugas naman oh,nagpapahangin na nga, inulanan pa.Hinayupak talaga.
"Kaya pala ang init sa loob"Pati na din yung ulo ko,umiinit dahil sa paghahanap kina Chels,Mia at Freya.
"Yeah,because I'm hot"Eto namang katabi ko,ang yabang yabang.Mmmmhh...barahin ko kaya?
"Natural lang na mainit ka kasi hindi ka pa bangkay"
"Eto naman,ang sungit atsaka hindi na kita palagi nakikita sa bahay,asan ka ba?"
"Nasa kwarto lang"
"Ano namang ginagawa mo dun?"
"Nag-aaral"
"Summer palang tapos yang utak mo,parang lagpas pa sa first day of school.Bakit ka naman nag-aaral?"
"Advance naman kasi ako mag-isip atsaka nag-aaral ako para sa SSFTB"tumawa naman siya ng kalakas lakas.
"MAHAHAHAHAHAHA...!!!"
"Sige,tumawa ka pa at papainumin talaga kita ng tubig ulan"May nakakatawa ba sa sinabi ko?Sabagay,hindi naman kapaniwaniwala.
Tumigil naman siya sa pagtawa.
"Okay,sigurado ka ba?Sa itsura mong yan?Baka nga malamangan ka pa nina Jackie eh!"
"Walang masama dun kapag mag-aaral atsaka wala naman yan sa itsura eh,nasa kakayahan yan.Ikaw talaga"
"Genius ka ba?"
"Almost"
"Weh?"
"Oo nga kasi yung genius kasi,parang si mr.Google na...eh ako?Mga artista nga sa Disney eh hindi ko pa saulo"
"Sabagay,may point ka naman pero alam mo naman yung love diba?"
"Oo naman.Bukod sa marami rami na ang nalalaman ko tungkol dyan,meron din ako niyan"
"Alam mo kasi Shawnee,minsan naiisip ko kung mahal ba ako ni dad o hindi kasi palagi siyang walang oras para sa akin"
"Mahal ka nun.Palagi lang ata busy sa pagtatrabaho kasi ayaw niyang madown kayo at para naman maibigay niya kung anong gusto mo"
"Pero sa tuwing babatiin ko siya sa opisina niya,magagalit siya eh wala naman akong ginawang kasalanan sakanya"
"Haha!Pagod lang yan!Sige na,dun ka na"tapos umalis na siya.Don't worry Nick,hindi lang ikaw ang nakakaranas ng kulang sa atensyon kundi ako din.
May iba pa kasing rason kaya dito nalang ako lumipat.
Kasi may plano ang mama ko na ibenta ang katawan ko sa mga foriegners.Ayoko kaya nun!At dahil wala akong choice ay pumayag nalang ako sa offer na magspy.Atleast,hindi ako mapapahamak dito sa trabahong 'to.
Bumaba nalang ako at shet again!Masakit pa din sa tuhod kahit pababa na.Nakakainis lang!
Pumasok ako sa kusina tapos nakasalubong ko yung isa sa mga maid dito.
"Ate,may chocolate cake po ba?"
"Oo naman hija.Sandali lang ikukuha kita"
"Salamat po"tapos pumwesto na ako dun.Buti pa tong maid na 'to,ang bait bait tapos yung iba naman,sinusungitan ako kasi daw ang expressionless ko daw.Ooooopppppsssss...sa chismisan ko yan narinig.
"Eto na hija.Mukhang malalim ang iniisip mo ah"tapos nagsimula na akong kumain.
"Oo nga po eh.Teka lang po,naranasan niyo na po ba na pagchismisan ka habang nakatalikod ka?"
"Oo naman.Teka,tungkol ba yan sa pamimintas ng mga katulong dito?"
"Naisip ko lang po kasi bigla"
"Alam mo hija,lahat ng taong lumalabas sa kanilang lungga ay pinagchichismisan.Kung ano kasi ang nakita nila, pagsasabihan na agad nila sa isip kaya kung masama man o maganda ang nasabi sayo,dapat hindi ka nagpapaapekto"
"Salamat po sa advice"tapos ngumiti ako.
"Ayan.Marunong ka naman palang ngumiti eh"
$#$#$#$#$
Pinapunta ako nina Chels,Mia at Freya sa garden.Mga gagang yun!Dun ko lang pala sila nakikita!
Agad naman akong tumabi sa kanila.
"Okay,isang tanong,isang sagot tayo"-Chels
"Sino naman ang magtatanong?"
"Si Mia"-Freya
"Huh?Ako?Bakit?"-Mia
"Ikaw nalang!Andami pang tanong!"
"Hmph!Sige na nga!"-Mia
"Oh,anong itatanong mo?"-Chels
"Ummmhh...what is love?"-Mia
"Naks!In love ata 'to eh!"-Freya
"Si Chels muna ang sasagot!"
"Yung love ay yung feeling na para kang lumulundag sa tuwa tapos yung magaan ang feeling"nakangiting wika ni Chels.Magaan ang feeling...hindi ba pwedeng goodmood ang sagot dyan?
"Next ay si Freya!"-Mia
"Love is blind"-Freya^___^.Sinamaan naman namin siya ng tingin.
"Okay okay,ang love ay yung emotion na dinidibdib at dapat pinapahalagahan para hindi ito tuluyang mawala"-Freya
"And last!Si Shawnee!"-Mia
"Anong klaseng love?Family love?Friendly love?Ano?"
"Romantic love"-Chels
"Love is nothing but an infatuation"
BINABASA MO ANG
Keep my eye on him
Teen FictionYou're spying someone How about spying someone whose popular?
