Chapter 12

1 0 0
                                    

[Ianne's POV]


Sa kadahilanang nauuhaw ako, kumuha ako ng tubig at nakita ko si Mama at Papa na nag-uusap sa may garden namin. Nagdidilig ito ng mga halaman niya samantalang si Papa ay umiinom ng kape niya. Uupo na sana ako sa tabi ni Papa nang narinig kong nagsalita si Papa.



"Hon, baka bumalik ako ng Japan after ng birthday ng bunso natin." sabi nito habang humihigop ng kape.


"Bakit? May mga seminars ka ba sa Japan?"


"Oo, saka pupuntahan ko yung nabili natin na bahay doon. We can stay there kung gusto natin mag Japan."


"That's nice, hon! Kailan kaya tayo makakabalik ng Japan?"


"Malapit na. Pa-graduation gift natin kay Kay."



Yieeee kinilig naman ako! Maready nga yung passport ko. Umalis na ako at saka pumunta ulit sa kwarto ko. Thursday pala ngayon at ito ako ngayon online class muna dahil sa sobrang init ng panahon. Ano kaya magandang gawin ngayon? Nagvibrate naman yung phone ko at nakita ko ang message sa'kin ni Carson.



I miss you, baby. Kakatapos lang ng class.

May training kami ngayon. Next week will be the game.

If you have time, go here and watch my game.


Mamaya pa ulit class ko babe.

I'll watch you play, pwede ba outsider? I'll bring Janus with me.

I miss you too. Tagal naman mag Sabado ulit! ☹


I'll pick you up with Janus para makalusot ka hahaha.

I love you, can't wait for Saturday for your hugs and kisses.

Dito na ko sa gym, I'll update you again. Mwa.



Dama ko yung 'mwa' niya sa chat hahaha. Okay, wala akong magulo. Panahon na para guluhin ko si Ate na ngayong nasa kwarto niya dahil wala raw si Ate Pau sa condo nila at may work daw. Kumatok ako sa kwarto niya at saka ako pumasok.



"Oh ano na naman ginagawa mo dito?" masungit na pagtatanong nito sa'kin.


"Tatambay lang naman. Wala ka bang lakad ngayon, Ate?"


"Mamaya pa kasama ko sila Carson."


"Nasabi nga niya sa'kin kaninang umaga. Nangungulila na ako kay Carson."


"Clingy mo naman, hindi ka naman ganyan dati!"


"Heh! Iba na ngayon."


"OMG! Don't tell me...?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Found You [WinRina ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon