Chapter 7

19 1 2
                                        

[Kayla's POV]


Ang sakit ng ulo ko. Naparami ata ang inom ko ng mule.


Napatingin naman ako sa katabi kong matulog, ayun mahimbing pa rin naman tulog niya.


Nakailang bote ba ako kagabi?


Bumangon na ako at nakita ko naman ang kwarto naming maraming kalat. Bakit ba ang kalat dito? Maglilinis na sana ako ng kalat nang biglang magplay sa utak ko yung mga nangyari kagabi.


Shit.



"I'll kiss you all?" tanong ni Carson at saka inubos ang mule niya.


"Ay baka bukas pa matapos kung lahat, bale pili ka na lang ng lima." Sabi ni Ate Allison.


"Really? This is the dare? No thrill."



Tumayo na si Carson at ang una niyang nilapitan ay si Ate Mika. They all screams when Carson kissed her cheeks. Nang matapos na ay sinunod niya naman si Angeli na hinalikan niya sa ulo.


Cheek kiss is for friendship.


Top of the head kiss is for safety and comfort.


Pinuntahan niyang sunod ay si Ate Allison at si Ate na hinalikan niya sa kamay.


And now, she's going to me.


Ha?! Lasing lang ako. 



"Uhm, this is a dare. Okay lang ba?" paalam nito sa akin.


"Carson, sige iuwi mo na rin kung gusto niyo ng tagahugas ng pinggan." Sabi ni Ate at saka ininom ang mule niya.


"Kiss mo na, Carson!" pangloloko ng iba.



Huminga nang malalim si Carson at saka na niya inilapit ang ulo niya sa akin.


Teka – ako yung nahihirapang huminga!!!


She gently kissed my forehead ang go back to her place.


Dug dug. Dug dug. Dug dug.


Ano ibig sabihin nun?



"Napaparami na inom mo, Kay. Balik ka na sa room niyo ni Carson." Bulong ng Ate ko.


"S-sige, Ate. Una n-na ako." Utal utal kong sagot.

Until I Found You [WinRina ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon