[Kayla's POV]
Sinusuot na naming lahat yung life vests na binigay sa amin bago kami magtuloy sa inflatable island. Itong mga kasama ko naman bago pag tumuntong, nagselfie pa.
Parang by pair talaga ang pagpunta dito sa resort na 'to nakakaloka.
Itong si Ate naman ewan ko ba, parang after nung proposal niya kay Ate Pau nalayo na loob niya. Like hindi sila ganun ka-sweet ulit sa picture taking, unlike noon.
O baka warla na naman sila? Pero bahala na sila sa buhay nila, malaki na sila.
"Syempre, team building ang ganap natin dito sa inflatable island. Hiwa-hiwalay muna sa mga jowa ah." sabi ni Ate habang inaayos ang buhok niya.
"Syempre, leader ka na, Carson!" sabi ni Ate Patrisha na siyang sinang-ayunan naman nilang lahat.
"May choice pa ba ako? Sige go!" sabi ni Carson na ngayon ay patingin-tingin sa'min.
"Okay, nakapili na ako agad. Ready ka na ba matalo, Ate Ian?"
Naghiyawan naman sila sa pakikipaglaban ni Carson at saka na niya pinili ang mga kasama niya.
Team Carson – Ate Allison, Ate Paula, Ate Maxine, Ate Lauren, Angeli, Ate Mika, Ate Julie
Team Jillian – Ate Macy, Ate Claire, Ate Patrisha, Ate Margaret, Ate Gail, Ate Ysabelle, Ako
Bakit parang tingin ko nga talo kami? Huhuhu Lord.
"Mag-assign ka na kung saan sila pupwesto, Carson." Sabi ni Ate at kami naman ay nag-usap usap.
"Huwag niyo bilisan, medyo madulas sa inflatable eh." Sabi ni Ate Margaret.
"Eh may oras eh, siguro tamang bilis lang." ani Ate Patrisha.
"Ikaw na starter, Pat." Suhestiyon ni Ate na tinanguhan lang ni Ate Patrisha.
Binigyan na kami ni Ate ng mga pwesto at saka naman kami nagready.
Sana hindi matalo.
---
"Gusto ko sana ng rematch kaso baka abutin tayo ng gabi." Sabi ng Ate kong hindi matanggap na talo kami.
"Hindi, wala. Magrematch na kung gusto mo." Pang-aasar ni Ate Paula.
"Sa ibang kwarto ka matulog mamaya ha, Paula."
BINABASA MO ANG
Until I Found You [WinRina ff]
FanfictionA WinRina Tagalog fan fiction where Ianne Kayla Garcia - an ABM student of UST - meets Carson - an IT student of Mapua University - at the party of their friends. Kayla doesn't know that Carson had a crush on her sister back then.