Chapter 4

15 2 0
                                    

[Kayla's POV]


"Thank you for being with you, future accountants and business professionals!" sabi ng prof ko at saka na naglakad papalabas ng room.



Grabe, nakaraos na ako sa first semester. Nakakaiyak dahil isang sem na lang, magcocollege na ako huhu. MYMP malala. Lagi kasi akong sinasabihan ni Mama na makatapos lang ako, kahit 'wag na mag with honors pero oks lang din daw kung may with honors.


Oh 'di ba ang gulo ni Mama parang si Ate Jillian lang minsan.


Speaking of Ate Jillian, ayun medyo okay na siya. Sinuyo din naman siya agad ni Ate Paula after niya ireject yung engagement proposal ni Ate sa kanya.


Pinagsabihan naman ni Mama at Papa si Ate Paula tungkol sa ganung bagay. Ayoko naman na mainvolve don, pero ayaw ko lang din ng ginawa ni Ate Paula sa Ate ko.


What if iwan niya na lang noh?


Pero ayun, nagdesisyon pa rin sila na tumira sa isang bahay. Ayaw lang daw muna ni Ate Paula na maglevel up, live in muna daw ganon. Baka after this week, lumipat na sila.


Mamimiss ko ang bardagulan namin ni Ate. Niloloko pa ako na uuwi naman daw si Kuya Khristian galing Dubai kaya 'wag na daw akong malungkot.


Ibang iba naman si Kuya sa kanya.



"Kayla, tara starbs!" aya ng mga kaklase ko.


"Game ako dyan, wait lang kunin ko muna mga gamit ko sa locker."


"Sabay na tayo, Kay." Sabi ni Janus.


"Sige tara na!"



Si Janus isa sa mga kaibigan kong lalaki dito sa UST. Lagi niya akong sinasabayan kada uwian dahil sa same way kami ng uuwian at babae pa rin naman daw ako kahit papaano.



"U-uhm Kay, do you have any plans this sembreak?"


"Yes, meron na. Tutulungan ko si Ate na maglipat sa new house nila and may lakad kasama tropa niya."


"A-ahhh I see, pwede ka ba maaya minsan? Like kain lang?"


"Oo naman, parang di kaibigan naman Janus. Just chat me kung kailan, okay?"


"Sure! Basta keep in touch."



Kinuha naman ni Janus yung mga gamit niya sa locker at sinara ito. Ganun na din ginawa ko at saka kami pumunta na sa Starbucks na kung saan kami tatambay.

Until I Found You [WinRina ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon