[Kayla's POV]
"Ianne, ano ba? Ang tagal!"
"Teka, ito na!"
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko ang umuusok na ilong ni Ate. Sinama niya ako sa date nila ni Ate Paula dahil ako daw ang photographer nila for today dahil may pasok on site si Ate Macy. Naaalala niya lang talaga ako kapag wala si Ate Macy.
Hays.
"Wala ka ba naiwan?" tanong ni Ate Jillian habang sinasara ang pinto ng driver's seat.
"Ate akala mo naman ang layo ng pupuntahan natin, eh sa Pawfee Bean lang naman tayo."
"Baka kasi matagalan tayo dun ano ka ba? Baka may iba pa kasi kaming trip na puntahan ni Paula."
"Wow, e 'di sana 'di na ko sumama ano?"
"Kailangan nga namin ng photographer, manahimik ka!"
Nanahimik na ako at nakita ko na si Ate Paula na bitbit si Luna na alaga nilang aso. Gusto muna daw nila maexperience ang mag-alaga ng dog bago daw ang baby. Ang aso daw napaparami agad, ang bata hindi daw nila kaya. Ewan ko ba, minsan si Ate na lang talaga nang iimpluwensiya sa'kin sa ganitong mga bagay.
"Question, anong gagamitin kong cam? Phone ba or..."
"DSLR!" sabay na sabi ng magjowang nasa harap.
Narinig ko naman eh, bakit kailangan pang sumigaw ano? Pumindot naman si Ate Paula ng music galing sa cellphone niya at hindi naman ako magrereklamo dahil vibes kaming tatlo sa music. Pinapatugtog pa niya yung 'Way to go' ng SNSD huhu shocks.
Hindi ko namalayang nandito na kami sa Pawfee Bean dahil sa nakapikit ako at dinadama ko yung mga kanta sa loob ng kotse ni Ate. Pumasok na kami at nakita kong ang daming mga aso at pusa sa loob. Grabe, ang cute!!!
"Ianne baka maliwaliw ka masyado sa mga aso, need namin ng cooperation mo for a while dahil for work 'to!"
"Ano ba, Ate. Mamaya na! Ienjoy muna natin dito, ang cute nila. Pwede ba ko mag-uwi ng aso?"
"Tanungin mo yung may ari baka pagbigyan ka." Sabi ng Ate kong ewan.
"Sige na umorder na kayo ni Ate Paula, ano sa'kin.. latte, fluffy pancakes, saka mushroom and egg sandwich."
"Wala na pahabol ah. KKB 'to."
"Kahit kailan, ang damot na sakit mo umiiral." Sabi ko at saka ko siya inirapan nang pabiro.
BINABASA MO ANG
Until I Found You [WinRina ff]
FanfictionA WinRina Tagalog fan fiction where Ianne Kayla Garcia - an ABM student of UST - meets Carson - an IT student of Mapua University - at the party of their friends. Kayla doesn't know that Carson had a crush on her sister back then.
![Until I Found You [WinRina ff]](https://img.wattpad.com/cover/312087776-64-k894543.jpg)