[Kayla's POV]
Napasampal na naman ako sa pisngi ko sa kadahilanang nakatulugan ko na naman ang ginagawa ko. Nakakainis. Gusto kong saktan ang sarili ko talaga. Pero thankful naman ako na konti na lang naman yung idadagdag ko sa activity na ipapasa ko.
Narinig ko naman mula sa labas ang sigaw ng ate ko. Siguro nakaramdam din siya na nakatulog ako. Kaya binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at saka ako sinilip. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at saka niya ko kinausap.
"Ianne, akala ko ba sasama ka sa party ni Macy at bakit nakatulog ka na naman?"
"Hala? Ngayon ba 'yun?" pampagising ng diwa kong tanong.
"Ay opo, ngayon po 'yun. Gumayak ka na at hinahanap na rin nila ako."
"Sige na, labas na, Ate Jillian. Magbibihis na ako."
"Dapat lang." sabi nito at lumabas na ng kwarto ko.
Nagpunta na ako sa closet ko at naghanap ng pwede kong isuot sa party. May party kasi si Ate Macy dahil pasado siya sa CE board exams. Grabe, nakakamotivate. Parang gusto ko rin tuloy na makatapos na, pero malapit na rin naman na ako doon. Sabi nga ni Doc Jillian ng The Broken Marriage Vow, 'papunta pa lang tayo sa exciting part.'
----
"Congrats, Macy!" sigaw ng ate ko kay Ate Macy na may dalang regalo sa kanya.
"Akala ko hindi na kayo makakapunta ni Kayla pero salamat Ate Jillian!" sabi nito at saka niyakap si Ate.
"Congrats, Ate Macy." sabi ko at saka siya niyakap habang hawak ang regalo ko para sa kanya.
"Grabe naman, may regalo pa. Okay na yung pumunta kayong dalawa. Anyway, may food and drinks d'yan, kuha lang kayo. Tapos Kayla, kung gusto mo tumambay sa kwarto ko go lang."
"Ayun naman pala eh. Thanks, Ate Macy!"
Kinausap pa ni Ate Macy yung ibang dumating na bisita, samantalang ako, kasama ko si Ate na panay ang chat kay Ate Paula which is girlfriend niya.
Oo, tama girlfriend niya. Lesbian si Ate Jillian at bisexual naman si Ate Paula. Ako, hindi ko alam basta alam ko attracted ako girl groups pero may mga type din sa boy groups ng K-POP. Hindi ko rin naman naisip na magjowa dahil una sa lahat at hindi sa huli, busy ako.
"Ate, akyat muna ako sa kwarto ni Ate Macy."
"Okay sige, dito lang kami sa baba. At hindi ako iinom."
"Scam ka, Ate Jillian." Sabi ko at umakyat na. Naririnig ko pang sinasabihan niya ako.
BINABASA MO ANG
Until I Found You [WinRina ff]
FanfictionA WinRina Tagalog fan fiction where Ianne Kayla Garcia - an ABM student of UST - meets Carson - an IT student of Mapua University - at the party of their friends. Kayla doesn't know that Carson had a crush on her sister back then.