[Kayla's POV]
"We're here!" sigaw ng ibang kasama namin.
Kinuha ko na yung mga gamit namin at inilipat ito sa stroller na provided ng resort. Kami ni Carson ang nag-aayos ng mga gamit samantalang sila ay sumasama sa vlog.
"So, Carson.. okay ka lang ba?" tanong ng Ate ko sa kanya.
"Don't worry, Ate. Kakain lang ako saglit then I'll sleep."
"Sige sige. Salamat sa pagdadrive at pagsama sa'min! Guys, let's enjoy this moment!"
Naghiyawan na sila at saka nagsimula nang tumakbo papasok sa loob ng resort. Naiwan kami nila Ate Jillian, Ate Pau, Ate Allison, at Carson dito para ipacheck ang mga dala naming gamit.
"Okay na po, ma'am. Pasok na po." Sabi ng isang crew sa'min at inassist kami papunta sa accommodation.
"Kay, ichat mo sila sa gc na sumunod sa atin." Utos ni Ate sa'kin.
Sumunod naman ako at nang masend ko 'yun ay agad-agad naman na nandito sila sa likod namin.
"Ma'am 8 room villa po ang kinuha niyo, dito na po tayo. Pwede niyo pong isara yung gate lalo na kung matutulog kayo. Mahirap na po."
"Okay, Kuya. Salamat po."
"Ito po yung mga susi, ma'am. Have a nice vacation ahead po."
Iniwan na kami ni Kuya dito at nagkumpulan naman kaming lahat dito sa gitna at nag-assign na si Ate ng mga magkakasama sa bawat kwarto. Kulang pa kami ng isa, pero sabi ni Ate Jillian dadating pa daw si Ate Gail.
"Alam ko naman na iba sa inyo eh magjojowa kaya sige na magsama-sama na kayo sa iisang room." Sabi ni Ate at inabot na sa kanila ang mga susi at food pack para sa almusal nila.
Ang mga naiwan dito sa gitna ay ako, si Carson, Ate Ysa, Ate Mika, Ate Julie, at si Angeli. Isa lang ang sagot, kami yung mga walang jowa dito.
"Bakit napagplanuhan agad ni Macy at Claire na magkasama sila hays." Sabi ni Ate Ysa.
"Syempre close pa sa close din yung dalawa." Sagot naman ni Carson sa kanya.
"Okay, pick your partners na lang." Nagsi-pili na silang lahat at hindi man lang kumikilos si Carson. Eh 'di okay sa kanya kung sino makatabi niya?
BINABASA MO ANG
Until I Found You [WinRina ff]
FanficA WinRina Tagalog fan fiction where Ianne Kayla Garcia - an ABM student of UST - meets Carson - an IT student of Mapua University - at the party of their friends. Kayla doesn't know that Carson had a crush on her sister back then.