Chapter 2

18 1 0
                                    

[Kayla's POV]

Ito na naman tayo sa hell week. Grabe sumasakit talaga ulo ko sa mga definition of terms ng strand ko? Alam ko kasi hindi ito yung passion ko, pero mahilig naman ako sa math. Ewan ko lang kung sa ganitong situations.


"Kayla, tara starbs?" aya ng kaklase ko.


"Pass muna ako. Magrereview ako sa Finance eh."


"Okay, girl. After exams na lang tayo mag-starbs."


Inayos ko na mga gamit ko at saka ako lumabas ng classroom. Nakakapagsisi ding lumabas ako dahil ang init sa labas. Grabe, ang sakit sa ulo ha. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas muna ako at pumunta sa Mcdo.


Umorder na ako ng big mac, fries, at sundae na pinatake out ko dahil sa trip kong pumunta ng Luneta ngayon. I find peaceful to study at Luneta due to the help of environment. Ang stress-free lang kasi.


Nagcommute na ako papuntang Luneta at saka sinalpak sa tenga ko yung earphones ko. Shuffle play lang. Napansin kong tinatahak namin ang loob ng Intramuros.


It's been two weeks na nakilala ko si Ate Carson. Oo, tinatawag ko na siyang Ate dahil sabi ng Ate ko. Tinanong ko rin sa kanya kung totoo ba na nagkagusto sa kanya si Carson.


She just answered it by saying 'yes,' with no further explanation. Kinulit ko pa siya kung bakit hindi na lang si Ate Carson ang jinowa niya. Ayun, nakatanggap ako ng batok galing sa kanya at pinangungunahan ko pa daw siya.


"It's just that I see her as you. Kapatid ganon. She's nice and she shows how she likes me that time. Todo comfort siya sa'kin nung iniwan ako ng ex ko no'n."


"Ganda mo naman dyan."


"Seryosong sagot 'yan, Ianne. Paano mo pala nalaman?"


"Sinabi ni Ate Macy sa'kin nung party, ay narinig ko lang pala sa kanila."


"Hmm okay. Alam mo kung magkakajowa nga ako, baka siya na lang ulit eh."


"Bakit naman?"


"Matalino siyang tao, masipag, saka inuuna niya mga kapatid at magulang niya bago sarili niya."


"Wow green flag pala sa family. Eh as jowa?"


"Malay ko na dyan, pero alam ko siya lagi ang iniiwan eh. Ikaw baka gusto mo itry?"


"Ate kung kukutusan man kita, bakit hindi pa ngayon noh?"



Ayun lang usapan namin ni Ate. Masyado na siyang busy sa mga bagay-bagay dahil sa site na ulit siya nagtatrabaho. Nakwento na rin niya sa'kin na baka umalis na siya dito sa bahay, Ate Paula wants to settle with her. Grabe, kasal kaya kailan? Buti nga hindi against si Mama at Papa sa relationship nila.

Until I Found You [WinRina ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon