[Ianne's POV]
"Ate ko..." tawag ko kay Ate na nakahiga ngayon sa sofa namin.
"Yes, kapatid kong malandi kay Carson?"
"Help me." sabi ko at saka inabot sa kanya yung binili kong yoghurt sa Grab.
"Pass sa assignment, gusto ko sa landian ka magpapatulong."
"Ayun nga yung reason.."
Napabangon naman sa pagkakahiga si Ate at saka ako hinarap. Nag-end call pa nga kay Ate Paula, kaya ayaw ko siyang maistorbo sa bebe time nila eh.
"So anong plano mo?"
"Ano... plano ko siyang ayain sa paskuhan."
"Then go. Ano problema doon?"
"Ate parang 'di ka naman nag-aral sa UST n'yan. Hindi siya makakapasok doon kasi bawal outsiders."
"Oh? Ayun ba problema mo? May sagot d'yan sister."
"Ano 'yun?"
"Ayain mo. As I remember, alumni siya ng UST nung senior high siya."
"Parang hindi naman?"
"Try mo kaya magtanong? Wala naman nakakatakot sa pagtatanong 'di ba?"
"Eh! Ayaw ko!"
"Ako magtatanong gusto mo ba?"
"No! Sige ako na lang magtatanong."
"Ayan, then ano nga plano mo? Aayain mo lang siya sa paskuhan? No other intentions?"
"Ano pa ba pwedeng gawin?"
Napaisip naman si Ate sa tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya kung ano ang magiging suggestion niya sa gagawin ko na 'yun.
"Hmm sino ba ang performer niyo?"
"Lola Amour, BINI, Adie, Cup of Joe ang nakita kong line up."
"Sakto! Favorite niya 'yan! She will enjoy the night with you and those artists."
"Tapos?"
"Hold her hand while they perform. Sana maganda set list nila, tapos ayain mong kumain sa 24 chicken."
BINABASA MO ANG
Until I Found You [WinRina ff]
FanfictionA WinRina Tagalog fan fiction where Ianne Kayla Garcia - an ABM student of UST - meets Carson - an IT student of Mapua University - at the party of their friends. Kayla doesn't know that Carson had a crush on her sister back then.
![Until I Found You [WinRina ff]](https://img.wattpad.com/cover/312087776-64-k894543.jpg)