[Ianne's POV]
Iniwan na muna ako ni Carson dito sa kwarto niya at pinuntahan niya ang kapatid niya para daw tulungan siya na tignan ang buong bahay nila kung nakasara ba, lalo na yung gate. Mahirap na rin daw kasi sa panahon na 'to.
I looked at her room which looks clean and it has many collections. May 3 shelves siya and it composes 3 different items. First shelf, books. Second shelf, K-POP albums. Lastly, mga one-piece collection and also different sharks and crocodiles. Napadpad naman ang mga mata ko sa computer table niya na malinis at maganda din ang setup ng PC niya.
When I sat on the gaming chair, bumukas naman ang pinto na siyang ikinaikot ko paharap dito. Nakita kong basang basa pa sa ulan ang may-ari ng kwartong ito at saka ito tumakbo para kumuha ng pampalit niya ng damit.
"I have extra shirts in the closet, just get them for yourself. I think, kasya naman sa'yo."
"Sige, maligo ka na. Ako na bahala sa sarili ko."
"Hindi ka naman nabasa?"
"Halos ibigay mo na sa'kin yung payong kanina, kaya hindi ako nabasa. Sige na, maligo ka na."
"Okay, free to use my PC kung nabobored ka. Mabilis lang naman akong maligo."
"Kahit bagalan mo pa, okay lang." and I heard her little chuckles.
"Okay, babe. As you say so."
Lumabas naman na siya ng kwarto at ako naman ay nakaupo pa rin at kinakalkal ang PC niya. May larong PUBG, makapaglaro nga.
Binuksan ko naman ang PUBG at pumunta muna ako sa closet niya dahil gusto ko na rin magpalit ng damit. Bakit ba pinadala ko na lahat sa sasakyan nila Ate mga gamit ko? Ayan tuloy biglaan yung sleep over dito sa bahay ng crush ko.
Kinuha ko na lang yung isang plain white shirt at pati na rin ang pajama na nasa ilalim. Mukha tuloy akong gangster sa suot ko, pero okay lang. Ang bango, pwede bang hindi na labhan 'to tapos idisplay ko na lang sa kwarto ko?
Nag-one game lang ako sa PUBG at ayun, muntikan na sa chicken dinner. Kung hindi lang maingay footsteps ko, panalo na sana ako hays.
"Magaling ka pala d'yan." she said while drying her long hair.
"Sakto lang naman. Bakit, 'di mo kaya?"
"K-kaya! Sadyang magagaling lang sila."
"Sus, narinig ko na 'yan. Tara, one game." pagyayabang ko.
"Anong oras na, hindi ba may lakad ka bukas?" pag-iiba niya ng topic.
"Tanghali pa 'yun, ano game?"
BINABASA MO ANG
Until I Found You [WinRina ff]
FanfictionA WinRina Tagalog fan fiction where Ianne Kayla Garcia - an ABM student of UST - meets Carson - an IT student of Mapua University - at the party of their friends. Kayla doesn't know that Carson had a crush on her sister back then.