Ito ang mga napagtanto ko ngayon
... sa oras na magmahal ka..
Una..Masaya ka kapag kasama at palagi mo syang nakikita...feeling mo heaven na..Pangalawa...saglit lang na magkahiwalay kayo miss na miss mo na sya na para bang ilang taon na kayong hindi nagkita..Pangatlo...kapag nakikita mo sya buo na ang araw mo at ang pang apat...Feeling mo sa kanya lang umiikot ang mundo mo kaya masasabi mong ang sarap magmahal...
Pero mali...sa una lang pala yun...sa una lang ang sarap...sa una lang ang ginhawa at sa una lang ang...saya
Dahil ang totoo kapag natikman mo na ang pait ng katotohanan ang inakala mong masaya ay masakit pala sa realidad.
Masakit tanggapin.mahirap.
Lalo na kung titignan mo palang sya sa mga mata nya ay alam mo na ang kasagutan na hindi ka na nya mahal at may iba na...
shet...ang sakit mainlove..
Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili simula ng lumabas ako ng rest resto.Hindi ko na kasi kinaya pa ang mga natuklasan ko kanina.Masyado ng masakit ang mga narinig ko.Feeling ko para akong binugbog.
Pero napapaisip ako na sana nga binugbog na lang ako sa pisikal kesa sa emosyonal.Kahit papano kasi alam kong gagaling pa ang mga sugat at pasa na natamo ko mula sa pagkakabugbog.Pero itong sa puso ko?....Mukhang hindi ko alam.
Hindi ko alam dahil kahit anong gawin ko...Kahit kalimutan ko ang mga nangyari kanina.Malinaw na malinaw pa rin sakin ang mga nadinig at nakita ko...
***flashback***
Akala ko wala ng mas sasakit sa mga nakita ko sa mga mata nya.Pero mali pala ako may mas sasakit pa pala don sa mga nakita ko...
"S-sorry...sa lahat ng nagawa ko. Pero hindi na talaga kita mahal..."
"Hindi na talaga kita mahal..."
"Hindi na talaga kita mahal..."
"Hindi na talaga kita mahal..."
Halos nageecho ang boses nya sa isipan ko ang mga sinabi nya.Parang sinampal ako ng masakit na katotohanan.Katotohanan na hindi nya talaga ako mahal...Na hindi nya na ako mamahalin at ang katotohanang ang tanga tanga ko at sa kanya pa ako nagkagusto.
***Endofflashback***
Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.Great!Perfect timing!Ang galing!Pagka nga naman minamalas ka nakalimutan ko pang magdala ng payong!Tapos nawala ko pa yung wallet ko!Tsk!Galing talaga!
Napakamalas ko talaga...
Dali dali akong tumakbo para maghanap ng masisilungan.Good thing at may nakita akong malaking puno kaya dun ako sumilong.Atleast kahit papano hindi na ako masyadong mababasa.
-----
AGAD akong napayakap sa sarili ko at napapikit ng maramdaman ko ang malamig na hangin at ilang patak ng tubig ulan na tumama sa aking pisngi.
Saglit akong napangiti ng mapait.Naalala ko nanaman kasi.Hindi ko tuloy maiwasang maluha.Nakakainis naman kasi!Pesteng pagibig yan!Pinapahirapan ako!..
Sana magka amnesia na lang ako para makalimutan ko na tong sakit na nararamdaman ko.
OA na kung OA.Wala na akong pake.Mas uunahin ko pa ba yung mga nakikielam sakin?..Tsk!
Sana isang pitik ko lang okay na ang lahat.
Hay.Kailan ko kaya sya makakalimutan?Kailan kaya ako hindi masasaktan?..Kailan kaya ulit ako sasaya?
Sana ngayon na...Sana ngayon na ako sasaya...
"Bakit ba sa twing magkikita tayo lagi na lang kitang nakikitang umiiyak?"
"IKAW?!"
...
©flyingBUZZ2015
#2ND OPTION:X LAZARO

BINABASA MO ANG
2nd Option:X Lazaro
Genç Kurgu"Kung wala ka ng ibang option.Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?...Tutal....Ako lang naman ang Second Option mo." ~X Lazaro