2nd Option:9

14 2 0
                                    

     "Bakit ba sa twing magkikita tayo lagi na lang kitang nakikitang umiiyak?"

"IKAW?!"

Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nilalang na nakita ko ngayon sa harap ko.

"Oo ako nga.Kamusta kana Rina?Ang tagal nating di nagkita ah."

   Masaya nitong sabi habang papalapit sakin.Medyo nakaramdam naman ako ng kilabot sa katawan ko ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Panu mo nalaman ang—"

"Pangalan mo?.."

Pagputol nya agad sa sinabi ko.Napatango naman ako bilang tugon.

"..Ahm...Sabihin na lang natin na interesado ako sayo kaya inalam ko.."

  "Wala namang kainteres-interes sakin ah!..Tsk!Bakit kaba nandito?!"

Pag iiba ko ng topic.Sa totoo lang medyo kinilabutan ako ng sabihin nya yun.Para kasing nakakatakot ang tono ng pananalita nya.Feeling ko sa twing tumitingin sya sakin katulad ngayon ay sinusuri ang kaloob-looban ng pagkatao ko.Parang—!Ah basta ewan!Nakakatakot!

   "Bakit sayo ba tong lugar?"

Pamimilosopo nya pero ng tinignan ko sya ay nakatingin lang sya sakin habang nakangiti gamit ang inosente at maamo nyang itsura.Kaya sinagot ko naman sya.

"Hindi."

"Hindi naman pala eh.Kaya wala kang karapatan na paalisin ako dito."

   Sagot nito sakin.Kaya wala akong nagawa kundi manahimik na lang.Sabagay may point sya.Hindi naman sakin yun eh.Kaya wala akong karapatan.

   Pinili ko na lang manahimik.Ayoko naman kasi makipag usap sa kanya.Hello?Hindi kaya kami close tsaka isa pa hindi ko naman sya kilala.At wala akong balak na makipagclose sa kanya.

   Mga ilang minuto na ang lumilipas at wala ni isa man sa amin ang nagsasalita.Tanging ang mga kuliglig at buhos ng ulan lang ang naririnig ko.

   Mukha atang walang balak huminto ang ulan medyo nababasa na rin kasi ako at giniginaw pa.Kaya hindi ko maiwasan na mapayakap sa sarili ko.

   Naramdaman ko nanaman ulit ang pagtama ng malamig na hangin sa mga pisngi ko kaya napapikit na lang ako ng mariin.

     Ayoko na sana na dumilat pa dahil mas feel ko ang ganitong pakiramdam pero pinilit ko pa ring dumilat.Naramdaman ko kasi na may nakatingin sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.

    Nahuli ko naman syang nakatingin sa akin na ikinairita ko pero mas lalo lang akong nairita ng mapansin kong nakangiti nanaman sya sakin na parang ewan.

   "Anong ngini-ngiti-ngiti mo jan?"

Mataray kong tanong.

"Eh anong iniiyak mo jan?"

  

     Balik na tanong nya.Saglit naman akong napahinto at agad na pinunasan ang luhang kanina pa gustong tumakas sa mga mata ko dahil pinipigilan ko lang.Dumating kasi sya.Remember?

"Pake mo ba?!..Tsk!Wag mo nga akong sinasagot ng tanong!Sagutin mo na lang ang tanong ko!"

"Ayoko nga.Sabihin mo muna sakin kung bakit ka umiiyak?"

   Pangungulit nya.

"Ayoko nga!Tsk!"

"Arte!Sige kapag sinabi mo sakin ang dahilan ng pagiyak mo.Promise!Sasabihin ko din yung sakin"

Nakangiti nitong sabi.Pero ayoko.Nakakahiya.Baka pagtawanan nya ako.

   "C'mon!Dont be shy!..Makikinig ako promise!"

   Sabi nya with matching taas pa ng right hand.Sigh.Sige na nga.Mukha naman kasing seryoso sya eh.Isa pa kailangan ko din ng mapagbubuntungan ng sama ng loob ko.

"Fine!Pero its a long story."

"Its okay!..Makikinig talaga ako"

    And then..sinimulan ko ng magkwento sa isang istranghero na nagnakaw ng halik sakin na hindi ko naman kilala.Mukhang mahaba haba ang usapang to ah.





©flyingBUZZ2015

#2ND OPTION:X LAZARO




   

   

 

2nd Option:X LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon