"Ano bang naisip mong kagagahan at nagpaulan ka?!"
Bungad agad sakin ni Eva pagkagising ko.Bigla tuloy mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa bunganga nya.Tss.
"Wala!Trip ko lang...Ah!Ang sakit ng ulo ko!"
"Ikaw kasi eh!Tignan mo nangyari sayo!Ang taas taas ng lagnat mo!...Wala tuloy akong kasabay na pumasok dahil may sakit ka!hmp!"
Tsaka sya biglang nagpout.Napangiti tuloy ako.Ang babaeng to talaga kahit napaka ingay at isipbata hindi ako iniiwan...Ang swerte ko talaga at nakilala ko sya...
"Anong nginingiti-ngiti mo jan girl?Naabno kana ba dahil sa lagnat mo?"
"Hindi no...Ngayon ko lang narealize ang panget mo pala talaga...Haha"
Sabay tawa ko.Bigla naman itong napasimangot pero ngumiti din agad.
"Hay nako pasalamat ka!Kung hindi lang kita m—"
"Oo na!Oo na!Sige na pumasok kana malelate kapa eh!"Pagtataboy ko sa kanya.
"Ay!Oo nga no?...Sige alis na ko!...Kumain ka jan ah!Wag mong kalimutan yung gamot mo!Pupuntahan kita mamaya ulit dito...Tsaka nga pala—"
"Sige na pumasok kana!Alam ko na yung gagawin ko diko kakalimutan."
"Good!"
Sabay takbo nya papalabas ng apartment.Habang ako naman ay pinilit kong bumangon sa kama kahit sobrang sakit na ng ulo ko.Kailangan kong pumasok ngayon sa part time job ko.Tutal kahit ano namang pilit kong pumasok sa school hindi naman ako papayagan ni Eva.Tsaka kailangan ko ng dobleng pera ngayon dahil yung nawala kahapon na pera ko ay pambayad ko sana ng tuition fee sa school para makapag exam.Hays.
Ang malas naman...
~******~
"RINA!....Ang aga mo naman ngayon.Wala ka bang pasok?"
Tanong sakin ni kuya Jun.May ari ng Cake shop na pinapasukan ko.
Okay naman dito.Puntahan ng mga tao lalo na kapag walang pasok at bakasyon kaya hindi naman ako nahahassle sa oras.
"Hindi ako pumasok kuya eh...Alam mo na..kailangan magdoble kayod ako ngayon."Sabay ngiti ko habang inaayos ang mga gamit ko sa locker.Napatango naman sya at tumuloy na sa ginagawa nya.
"Sige start kana sa trabaho mo."
"Okay kuya."
"Nga pala nakalimutan ko.Meron nga pala tayong isang costumer kanina pa dun sa counter ayaw umalis.Pwede bang ikaw na ang umasikaso?Baka kasi magkaproblema tayo mamaya kapag dumagsa nanaman ang mga tao."
Mahabang paliwanag ni Kuya Jun.Napatango na lamang ako at dumiretso na sa counter.
Ng makarating naman ako sa counter ay sinalubong agad ako ni ate Carla asawa ni kuya jun.Mukhang problemadong problemado sya ngayon hindi tulad ng dati na laging nakangiti kapag nakikita ako.Kaya nilapitan ko ito.
"Good morning ate Carla.Mukhang problemado ka ngayon ah?"
"Oo nga eh.Kaloka kasi yung costumer natin dun oh.Kanina pa ako tanong ng tanong kung ano kailangan nya hindi naman ako sinasagot.Ikaw na nga umasikaso dun!"Inis na sabi nya tsaka tumalikod.Samantala ako naman ay pinuntahan na yung costumer na sinasabi nila.
Sino naman kaya yun?
"Good morning Sir.Ano pong order nyo?"
Magalang na tanong ko.Bigla naman itong napatingin sakin.Mukhang ang sungit naman ng batang to.Sayang ang gwapo pa naman.Hehe.Mukhang sa school namin sya pumapasok ah.Nakauniform kasi sya katulad ng uniform na panlalake samin kaso pang junior high.Meaning nasa h.S department na sya.Magkahiwalay kasi yung building naming mga college sa h.s dept.
Habang nakatingin lang sya sakin o ewan ko lang kung nakatitig na ata dahil kanina pa nakatingin napansin ko na biglang namula ang pisngi nito at ang tenga nya.Hala!Anyare sa kanya?
"Uhm....M-may c-caramel c-cake b-ba?"
Tanong nya.Bigla ko naman syang nginitian at tsaka tumango.
"Pakihintay na lang po sa table nyo sir yung order nyong cake."Sabi ko.Pero napansin ko hanggang ngayon hindi pa rin sya umaalis sa kanyang kinatatayuan.Nagtaka tuloy ako.
"Anything sir?...May gusto pa po ba kayo?"
"You."
"Ha?"
Ano daw?Tama ba yung narinig ko?Naka drugs ata to eh.
"Sabi ko ikaw!Ikaw ang gusto ko!F*ck!"
Sigaw nya habang pulang pula na ang buo nyang mukha.Habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.Na speechless ata ako ah!Tae!Feeling ko mas lalo akong magkakasakit...
"uhm s-sir...Naka drugs ho ba kayo?Hindi nga po tayo magkakilala eh."
Sagot ko naman sa kanya.Mukhang marami ata tong nasinghot na drugs.Kaimbyerna!
"Hindi mo ko kilala pero ako kilala kita.Gusto kita okey?Gusto kita noon pa RINA OLIVARES!!"
Malakas na sabi nya.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.Nakakabigla.Mahihimatay na ata ako.....waaaaah..
2nd Option:XLazaro
©2015
A./N.:Hi!Sorry sa super duper late update.Dont worry babawi ako:)Wahaha...Thanks nga po pala sa mga nagbabasa nito:)
Hmm?Sino kaya yung stranger na nagconfess ng feelings nya para kay Rina?...ABANGAN.....

BINABASA MO ANG
2nd Option:X Lazaro
Teen Fiction"Kung wala ka ng ibang option.Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?...Tutal....Ako lang naman ang Second Option mo." ~X Lazaro