2nd Option:2

65 3 0
                                        

Sana panaginip na lang lahat ng mga nakita ko kanina.

Sana namamalikmata na lang ako.

Sana isa na lang tong malaking joke.

Tapos sa huli babawi sa akin si Jake at sasabihin na wala lang yon.

    Pero hindi eh!Kasi kahit na ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na nagkamali lang ako...Kahit na ilang beses kong batukan ang sarili ko at sabihing imagination ko lang yon!

Hindi ko pa rin maialis sa isipan ko na ang TANGA-TANGA ko!At nagpaloko ako sa l*nt*k na lalakeng yon!...

Anong magagawa ko?!....Nagmahal lang naman ako...nasaktan at niloko...

May ginawa ba akong masama?!...Bakit nangyayari sa akin to???...Bakit kailangan lokohin pa ako???...

   Gusto kong tumakbo ng tumakbo.Gusto kong magpakalayo...kung saan walang Amy at Jake akong makikita...Gusto kong mapagisa...Gusto ko na sana....Sana makalimutan ko na lang na nangyari ito ngayon....

Pero ang hirap!Ang hirap hirap!Bakit ba napakakomplikado ng buhay?!....Bakit ba kailangan pang dumanas ka ng pagdurusa para lang magawa mo yung 'sana' na yun?!...

Hindi ba pwedeng....isang pitik mo lang okey na?...Para dumali naman ang takbo ng buhay???....

Ayoko na!Ayo—

"Fvck!Miss!Tumingin ka naman sa dinadaanan mo?!"

Natigil ako sa kaiiyak ng may biglang sumigaw sa akin.Isang babaeng Galit na galit na halos kaedaran ko lang.

"Miss..Sorry hindi ko sinasadya"

Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.Wala akong panahon na makipagaway ngayon...Dahil masyado na akong nasaktan.Tama na...baka di ko na kayanin ang sakit.

"Sorry?!Anong magagawa ng sorry mo?! huh??!!...Tignan mo yung ginawa mo!!Nadumihan mo na yung damit ko!!Tsk!..Late na nga ako sa lakad ko..Lalo pa akong male-late dahil sa KATANGAHANG ginawa mo!"

Ouch!Oo na alam ko ng tanga ako...Hindi na kailangan ulit ulitin pa...Masakit na eh..

"Sorry miss!Sorry talaga...Papalitan ko na lang"

"psh!Akala mo ba kaya mong palitan tong dress ko?!...Eh sa mukha mo palang eh mukha ka ng CHEAP!..Baka nga ni ulitimo tsinelas lang na 30 pesos hindi ka pa makabili!"

"Sorry..."

"Tsk!Tumigil ka na nga sa kaka sorry!Nakakairita!...Kahit kailan hindi  mababayaran ng sorry mo ang dress ko!...Tanga na nga ...nagtatanga-tangaha—"

"Hoy miss!Magkano ba yang dress mo?At babayaran ko na.."

Bigla akong napa angat ng tingin at laking gulat ko na lang ng makita ko ang isang lalake na dumudukot ngayon sa bulsa nya ng pera.

"T-teka...Sir..wag nyo na pong bayaran ako na lang po ang bahala dito!"

Pigil ko sa kanya.Nakakahiya naman kasi.Mas lalo akong nagmumukhang cheap dahil babayaran nya yung nadamage ko tsaka isa pa hindi ko naman sya kaano-ano.

"Nope!Ako na ang bahala dito...Tutal ako naman ang boyfriend mo...Kaya dapat ako palagi ang bahala sayo.."

Sabay ngiti sa akin nito ng pagkatamis-tamis...

.

       Pero teka?Boyfriend???!..Anong pinagsasa-sabi nito.???

Hindi na lang ako nakapalag pa dahil huli na ako para pigilan sya na bigyan si ateng sungit ng pera.

"Keep the change...Siguro naman sobra sobra na yan para mabayaran yung dress mo....By the way....Next time pag pinagsalitaan mo pa ng hindi maganda ang girlfriend ko...kahit babae ka....papatulan kita...."

         Pagkasabi nya non ay bigla nya na lang akong inakbayan at lumakad na palayo kay Ateng sungit....











2nd Option:X LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon