2nd Option:1

82 3 1
                                    

Masaya akong naglalakad ngayon papasok ng classroom daladala ang regalo ko sa pinakamamahal kong boyfie!...

      Two years na kasi kami.At ngayon kami magcecelebrate para sa second anniversary namin.

     Excited na ako!Gusto ko ng makita ang reaksyon ni Jake sa regalong ibibigay ko sa kanya ngayon!..For sure matutuwa sya pag nalaman nya kung ano ang regalo ko sa kanya!Siguradong magugustuhan nya to!....

    Pagpasok ko sa classroom halos wala pang tao non.Maaga kasi akong pumasok ngayon kasi nagusap kami ni Jake na gantong oras kami magkikita dito sa classroom..Pero wala pa sya...

      Kaya umupo muna ako sa bakanteng silya para hintayin sya.Hindi rin naman nagtagal ay nakatanggap naman ako ng text kaya napatingin naman ako sa cellphone ko...

Happy Second Anniversary Mahal! Kita tayo sa rooftop...May surpresa ako sayo!

Love Jake~

Saglit akong napangiti ng mabasa ko ang text ni Jake.Kaya bigla na lang akong nagmadali at dali-daling tumakbo paakyat papuntang rooftop.

Hingal na hingal ako non ng makarating ako sa harap ng pintuan.Saglit kong inayos ang sarili ko.Huminga ng malalim atsaka dahan dahang pinihit ang doorknob para mabuksan ang pintuan...

   Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa amin ni Jake ng mga nakaraang taon....Akala ko non hanggang pagstalk na lang sa fb account nya hahantong ang lola nyo....Pero nagkamali ako...

    Hindi ko akalain na nung minsan na magkasalubong kami sa corridor eh bigla nyang sinigaw na 'mahal kita Miss Olivares'...Ang corny diba?..Pero ang lakas maka-korean nobela!Taray!...

Kaya tuloy  di ko maiwasang mapangiti ngayon kahit mukha na akong baliw sa twing naaalala ang mga pang yayaring iyon...Hay!Ang bilis talaga ng takbo ng oras!Biruin mo...dalawang taon na kami ngayon!At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko sa kanya!....Haay...

       Mahal ko talaga si Jake.....

Derederetcho ang pagpasok ko non sa pintuan habang nagbabalik tanaw sa masayang nakaraan namin ni Jake ng biglang akong mapahinto dahil sa mga nakikita ko ngayon...

  Para akong napako.Halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.Parang feeling ko sinaksak ako ng isang libong patalim ng makita kong magkayakap si Jake at si Amy..

Ang daming gumugulo sa utak ko.Ang dami kong tanong pero ayoko naman agad na manghusga dahil alam ko na mali iyon.Dahil diba dapat sa isang relasyon kailangan may tiwala?...At may tiwala ako kay Jake dahil mahal ko sya...

Pero yung pagtitiwala kong yun ay bigla na lang nasira dahil sa di inaasahan na pagkakataon...

Hinalikan ni Jake sa labi si Amy.Na halos ikaluwa na ng mata ko sa gulat ng pagkakakita.

Ang sakit.Sobrang sakit.Pero wala ng mas sasakit pa sa mga nakita ko ngayon ng biglang nagsalita si Jake....

"Happy Second Anniversary Amy!I love you "

Masayang bigkas nito.

Tell me.....Nananaginip lang ako diba??

2nd Option:X LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon