2nd Option: 5

29 2 0
                                        

       Ugh!Hindi talaga ako makatulog!         Anong oras na?!1:00 na ng madaling araw!!!Gusto ko na talagang matulog!!Please!Makisama ka naman oh!!!Kailangan ko na talagang matulog!!May exam pa ako mamaya!!

    Kasalanan to ng manyak na lalaking yun eh!Kainis!Ikaw ba naman ang nakawan ng halik ng lalakeng yun tapos aalis na lang basta basta?!Grabe lungs ha!

     Hambog talaga sya!Kunwari lang palang mabait!Pero nasa loob naman pala yung kamanyakan!...

   Hay nako!..Magkita lang ulit kami ng hambog na yun tatadtarin ko talaga sya ng halik ay este! sipa sa bunganga..Hayup sya!...

     Saglit akong napabalikwas sa kama ko.Tutal naman hindi pa rin ako makatulog kaya wag na lang akong matulog!Para masaya!Bahala na si Batman mamaya...

    Naalala ko nanaman yung nangyari sa akin kahapon!Aahh!Nakakinis!..Naisahan talaga ako!Grr...Nakakaasar sya!..Si Jake nga na boyfriend ko ng dalawang taon halos hindi ako mahalikan!Tapos sya!Kakikilala ko pa lang sa kanya nakahalik na agad!...Nakakangalit lang talaga!!

     Pero..Wow ha?....Ang lambot ng labi nya!Grabe!...Parang nakakaadik!..

Saglit akong napahawak sa labi ko at naalala ko nanaman kung panu nya ako hinalikan kahapon...Mabilis lang yun...mga five seconds lang ata pero ramdam ko talaga ang malalambot nyang labi..Nahiya naman ako sa labi ko!Dry pa naman!Hindi pa naman ako nakapag lip balm man lang!Kainis!...

    Note:Dapat lagi ka ng maglalagay ng lip balm man lang jan sa labi mo Rina!Incase na magkita man kayo at nakawan ka ulit nya ng halik eh Ready-ng ready kana!..Wahaha!Chos!

     Tae!Mukha akong sira sa mga iniisip ko!Napapangiti na lang ako sa mga naaala—T-teka! Bakit ba ako natutuwa ha?!Eh ako nga tong ninakawan ng halik eh!Asar!Nagmumukha tuloy akong may pagnanasa sa kanya...

     Kaya tuloy dali dali kong sinampal ang sarili ko.Aray.Ng magising naman sa katotohanan..Saglit ding pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon matapos ang pangyayaring iyon...

         Hindi ko na namalayan na nakalayo na pala sya sa akin.Pero nagulat ako ng may naramdaman akong piraso ng papel sa aking mga palad..Teka nga...Feeling ko lagi na lang ako nagugulat?=_____=...

   Pero back to my story...Binuklat ko na lang to at binasa ang mga nakasulat don..

    Bayad kana sa utang mo sakin Rina Olivares..By the way...kung gusto mong malaman kung sino talaga ako sundan mo lang ang ibibigay ko sayong mga clue every day sa locker mo..

                                                       your     X.L...

  Like OMG!Nakakawindang naman tong lalaking to!...May pa ek ek churva pang nalalaman!Pinapahirapan pa ako!..Pero kiber ko ba!Wala akong paki sa kanya no!...

     Tsaka ano ba yung ibig sabihin ng X.L?...Xtra Large??Size ba yun ng shirt nya??Tss..Dami nyang arte sa buhay!Asar!..At...Tsaka panu nya nalaman ang name ko???

~*~

      "Talaga girl??My gosh!!Ang swerte mo naman!!Kung ako yun susunggaban ko na talaga!"

       "Girl!Ano ka ba?!!Syempre mga dalagang pilipina tayo!Konting pakipot naman girl!"

    "Ay...Oo nga no?..Pero girl...Diba sabi mo super gwapo nung humalik sayo??...Ano bang name nya??"

   Interesadong tanong ni Eva.Bestfriend ko.Kinuwento ko kasi sa kanya yung tungkol dun sa lalaking naencounter ko kahapon.At itong sira kong bestfriend...Narinig lang na gwapo yung nagnakaw ng halik sa akin eh todo kilig at naghihi-hiyaw pa sa loob ng room!

   Napagalitan tuloy kami ng Math teacher namin na si Mrs.Katandaan kaya ngayon nandito kami sa labas ng room nagka-klase!..Pero ayus lang...Tuloy pa rin ang chika...Hahaha..

     "Di ko nga alam girl eh!Basta ang nakita ko lang after nyang umalis eh may nakalagay na kapirasong papel na may laman na sulat sa kamay ko...Then binasa ko...tapos sa huli may nakalagay na letter X.L..."

      "Baka girl!Yun yung letters ng name nya!"

    Pagsusuhestyon nya...Pero...

       "Gaga girl!Baka size ng T-Shirt nya!Sa tingin mo?"

    "Ay oo nga no?Ang shonga ko talaga!..Pero girl!Diba sabi mo may nakalagay sa sulat nya na magiiwan sya palagi ng clue everyday sa locker mo??"

     Tanong nito.Saglit kaming natigilan ni Eva at sabay nagkatinginan atsaka tumakbo ng mabilis papuntang locker's room..

     Gosh!Ang bilis ng tibok ng puso ko!Bakit feeling ko na-eexcite ako ngayon??..Ugh!Bahala na!

        Ang importante...kailangan ko itong makita agad!....










©flyingBUZZ2015

(A.N:Pakipot pa ang ating dyosang si Rina....Hmmm...Ano kaya ang clue na makikita nya sa locker?...At ano nga ba ang ibig sabihin ng X.L??...PLEASE VOTE AND COMMENT!!)

   

   

2nd Option:X LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon