"...Hindi mo na kailangan magsalita..Alam ko ang tanga ko talaga.."
Nakayuko kong sabi.Ayaw ko kasing makita yung magiging reaksyon nya kasi feeling ko mas lalo akong mapapahiya.Sa totoo nga lang kanina pa ako kwento ng kwento about dun sa ex ko.Kaya medyo gumaan na din yung pakiramdam ko.
Actaually.Hindi naman pala masamang makasama itong si Mr.Stranger.Nung nagkkwento kasi ako kanina sa kanya ni hindi man lang sya nagsalita na ikasasama ng kalooban ko.Sa totoo nga lang nagbibigay sya ng opinyon eh....Kahit na hindi ko sya tinitignan.
"Hahaha...Sinong nagsabi na tanga ka?Hindi ka tanga!...Ang tanga ay yung ex mo kasi pinakawalan nya yung babaeng katulad mo...Alam mo?Sa totoo lang..bihira na ang mga katulad mong babae.Kaya nga ang swerte ng lalaking mamahalin mo sa huli kasi sa totoo lang..kakaiba ka Rina sa lahat...."
Sa sobrang pagka touch ko ay napaharap na lang ako sa kanya at napangiti.Akala ko wala ng ganitong lalake na nabubuhay ngayon kasi kadalasan puro manloloko lang gaya na lang ng ex ko...Pero nagkamali ako.Iba sya.Marunong syang magpahalaga sa mga katulad ko...
"Salamat..."
"Tsk!Wala yon.Hahaha!"
Sabay tawa nya pa ng pagkalakas lakas.
"Nga pala nakalimutan ko..Ano nga palang ngini-ngiti-ngiti mo kanina?"
Tanong ko ng maalala ko ang promise nya sakin na sasabihin nya daw ang dahilan after kong sabihin yung sa akin.
"Ah yun ba?...Wag mo ng alamin yon!"
"Yah!Ang daya!Nag promise ka eh!"
"Hahaha..Di mo ba alam na promises are meant to be broken"
"Tsk!Hindi rin..Nasa sayo naman yun kung pipiliin mong hwag tumupad sa promise eh!Kaya bilis na!Sabihin mo na!"
"Okay.Okay.Sasabihin ko na..Pero may tanong muna ako sayo."
"Sige ano yun?"
"Pag ba sinabi ko ang dahilan nung sakin ikikiss mo ako?"
Bigla namang naginit ang mga pisngi ko.Buti na lang madilim ang paligid kundi makikita nyang namumula na ako.Nakakahiya.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit pumayag pa ako sa kundisyon nya ng hindi man lang nagiisip at sige lang ng sige.Hay!Rina!Hindi ka nanaman nagiisip!Use your brain naman!Grr.
"Hahaha!Joke lang!Binibiro lang kita!"
Bigla ko naman syang sinamaan ng tingin at saka hinampas sa braso.
"BASTOS!!"
"Aray!Joke nga lang eh!..Siguro gusto mo talaga ng kiss ko no? Kaya ka nagagalit?"
Mapanuksong sabi nito sabay ngiti at kindat pa sakin.
Tss...May pakindat kindat pang nalalaman!Dukutin ko mata nya eh!
"Hindi ah!Tumigil ka na nga jan!Sabihin mo na kasi sakin!Iniiba mo lang ang topic eh!"
Bigla naman syang nagtaas ng kamay na parang sumusuko na habang natatawa tawa pa.
"Okay!Fine!..Sasabihin ko na..Pero seryoso..Ito na talaga yung tanong ko sayo"
"Ano ba kasi yung tanong mo??Dont tell me puro kalokohan nanaman yan ha?"
Medyo natatawa kong sabi pero tumigil na rin ako dahil mukha syang seryoso.
"Ano ba yung itatanong mo?"
"Kapag ba sinabi ko sayo ang dahilan ng pagngiti ko magkakagusto ka ba sakin?"
.
.
.
"HA?!"
©flyingBUZZ2015
#2ND OPTION:X LAZARO
BINABASA MO ANG
2nd Option:X Lazaro
Novela Juvenil"Kung wala ka ng ibang option.Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?...Tutal....Ako lang naman ang Second Option mo." ~X Lazaro