2nd Option:7

17 1 0
                                    

     Hindi ko mapigilan ang malakas na pintig ng puso ko habang papasok sa rest resto na kikitain namin ng nagtext sakin kanina.Ramdam ko ang bawat pagtulo ng malamig na pawis sa katawan ko...kinakabahan ako...

      Wala naman kasi akong ideya kung sino ba yung nagtext sa akin o kung lalaki ba sya o babae...Ang dami ko tuloy tanong sa sarili ko...Hindi ko tuloy alam kung papasok na ba ako sa rest resto' o hwag na lang at umuwi na lang ako sa bahay....

    Baka kasi mamaya wala naman pala akong mapala rito.Baka mamaya pinagti-tripan lang pala ako...Pero kasi feeling ko talaga kailangan ko syang makausap at malaman kung ano nga ba yung importante nyang sasabihin...

             Hay nako!Rina!pumasok ka na lang kaya para malaman mo!Puro kasi 'feeling' ko ang pinaiiral eh!Kahit kailan talaga!Feelingera ka!....

Huminga muna ako ng malalim.Inhale.Exhale.At tsaka nagdesisyon na pumasok na sa 'rest resto'...Pagpasok ko pa lang agad ng pintuan agad ko ng hinanap ang table 81 kung san napagusapan na dun sya nakapwesto.

     Hindi naman ako nagkamali.Naroon nga sya nakatalikod.Nakasuot ng red cap at blue shirt with matching black pants at naka rubber shoes...Base sa ayos ng upo nya mukhang kanina pa sya rito...

      Sa wakas.Nasagot ko na rin ang kanina kong tanong kung lalake ba sya o babae...At confirm!LALAKI sya mga dre!At ngayon ang kailangan ko na lang ay malaman kung sino sya at ano yung sasabihin nya!Yes!...

    Dali dali akong lumapit sa kanya at kinulbit ito.Mukha namang nagulat sya at bigla na lang itong napatayo pero pagharap nya sa akin....

SHOCK.

     Aaaah...Ang PANGET nya!!!!

....Hehee...syempre joke lang...Pero...Eto talaga yung totoo...

"R-rina.."

"J-Jake???"

O —to the—M—to the —G!!!Like OMG!!

    Hindi ko alam kung ano irereact ko.Sobrang nagpapanik ang mga kalamnan ko.Feeling ko hindi nagffunction ang utak ko.Halo halo ang emosyong nadarama ko

    Yung dibdib ko mas lalong bumilis ang pagtibok.Feeling ko hindi ako makahinga.Parang nanlalambot ang mga tuhod ko at gusto kong mapaupo na lang...At sa mga oras ng sandaling ito..Parang gusto ko na lang umiyak.

        Miss na miss ko na sya.Kahit pala anong masasamang ibato kong salita sa kanya.Mahal ko pa rin pala ang mokong....God knows kung gaano ko kamahal ng sobra ang gagong to.Kung bibigyan lang ako ng chance...Gusto ko syang halikan,yakapin at sabihin kung gaano ko sya kamahal...Miss na miss ko na talaga sya.At kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay...Sana nung una palang matagal ko ng pinaslang at winala sa landas namin ang makating Amy na yan...Pero...Tama na....Parang di na ako to eh!..Masyado ng madrama...Mamaya ako na ang pumalit dun kay ate charo!chos!

   "Rina...uhm...Ano..kasi..."

Sabay kamot nya sa batok nya.Mukhang naiilang sya sa akin dahil sa nangyari sa amin dati...Kaya ako na ang nagsimula.

"Ano ba yung sasabihin mong importante?"

  "H-ha?"

"Sabi ko ano ba yung sasabihin mo saking importante?"Medyo bitter lang ako jan..char..

"Rina...gusto lang sana kitang k-kamustahin...A-ang l-laki ng p-pinayat mo ah...K-kamus—"

    "Ayoko ng magpaligoy ligoy pa...Diretsuhin mo na ako...Ano ba yung importanteng sasabihin mo?"

     Sabi ko sabay halukipkip.

"Ha?Anong imp—"

Sabi nya.Pero pinutol ko ka agad.

         "SINASABI KO NA NGA BA EH!! PINAGTITRIPAN MO LANG AKO!WALA KA NAMAN PALANG SASABIHING IMPORTANTE!MANLOLOKO KA TALAGA!!"

Singhal ko sa kanya.Kaya tuloy lahat ng tao ngayon dito sa rest resto ay nagsisitinginan na.Mga chismoso.Pero itong si Jake mukhang nagulat kaya bigla nyang hinawakan ang mga braso ko at sinubukang ikalma.sya pa may ganang magulat.

"Hey...Rina..Calm down..Oke—"

Pero di pa din ako nagpatinag.Pabalang kong inalis ang mga kamay nito sa aking mga braso at tsaka sya muling sinigawan.

"OKEY?!...TINATANONG MO KUNG OKAY LANG AKO?!...PWES!HINDE!..HINDI AKO OKAY JAKE!!SIMULA NG INIWAN MO AKONG HAYOP KA!AT NILOKO MO KO NUNG MISMONG ANNIVERSARY NATIN!!AT PINAGPALIT SA LINTIK NA LINTANG AMY NA YAN!!!NGAYON???....SIGE NGA!OKAY PA BA AKO SA LAGAY KO???!!!!HAH??"

      Sabi ko habang tumutulo ang luha.At hindi na mapigilan pa.Ngunit mas lalong kumirot ang puso ko ng tumingin ako sa mga mata nya at  ng nagiwas ito ng tingin.

      Shet...Ang sakit mainlove...








©flyingBUZZ
2ND OPTION:X LAZARO

#ANG DRAMA NI RINA!

     


  

  

2nd Option:X LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon