2nd Option :11

21 2 0
                                        

"HA?!"

"dug.dug.dug.dug.dug.dug.d—"

"Tumigil ka nga sa kaka'dug-dug' mo! Idudukdok ko yang ulo mo kapag di ka pa tumigil eh!"

"Aray!To naman di mabiro..Nagbabakasakali lang naman na ganyan pala tumibok 'yan' ngayon kasi kasama mo ako."

   Sabi nya habang turo-turo itong bahagi ng katawan ko sa may bandang puso.Napairap naman ako sa kawalan dahil sa pagka feelingero nya.Tae!Mas nilalamig pa ako sa hangin nya ngayon kesa sa hangin ng malakas na ulan.

"Ang feeling mo naman boy!May nalalaman ka pang ganyan!Eh kung tadyakan kaya kita!Feeling close ka ha!"

   Sabi ko sa kanya with matching cross arms pero ang walang hiya bigla nalang ngumiti tsaka ito mabilis na lumapit sa akin at walang pasabi  na niyakap ako.

"T-teka?!..A-ano ba tong ginagawa mo?!N-nasisiraan kana ba?!Umalis ka nga!"

   Mataray kong angal sa kanya sabay tulak.Pero mas lalo syang yumakap ng mahigpit sa akin kaya hindi tuloy ako makaalis sa kanyang mga yakap.Naiilang tuloy ako.

"H-huy!U-umalis ka nga?!Kung makayakap ka sakin huh?!Feeling close ka talaga!"

    Atungal ko pa pero sya nakayakap pa rin sakin at this time ay nakabaon na ang ulo nya sa mga balikat ko.Mas lalo ko tuloy naramdaman yung ilang at paginit ng mga pisngi ko pero parang mas lumala pa to ng bigla syang nagsalita.

"Sshh...Wag kang malikot!...Ayan!Siguro naman hindi na ako feeling close kasi ngayon...close na close na tayo.."

   Bigla namang nagsitaasan ang mga balahibo ko.Marahan nya lang kasi itong sinabi na para bang wala ng sounds at tanging hininga nya na lamang ang tumatama sa leeg ko.Pero sapat na para marinig  ko iyon.Ang kaso...ispeechless ang lola nyo..Hindi ko alam ang isasagot ko...Natameme tuloy ako.

      Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan na lang namin ang aming sarili sa ganong pusisyon.Mga ilang minuto din ang nakalipas ng tanggalin nya ang mga kamay nyang nakapulupot sa bewang ko.Akala ko aalis na sya pero nagkamali ako.Hinawakan ng kanyang mga kamay ang mukha ko at tsaka nya ito tinitigan.

   Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang ulit at naramdaman ko nanaman yung pagiinit ng mga pisngi ko.'Jusko!Parang awa nyo na po!...Sana hindi nya mapansin yung pamumula ko....Nako!Nakakahiya!

   Speaking of napansin...Habang tumititig sya sa akin napapansin ko na kanina nya pa kinakagat yung ibabang labi nya na sobrang pula.Nakita ko nanaman tuloy kung gaano ito kalambot.Mukhang napansin nya atang nakatingin ako dun sa labi nya kaya napa kunot ang noo nito...Hala!Baka isipin nya...Pinagpapantasyahan ko yung labi nyang super pula at lambot!

     "B-bakit?"

Tanong ko..Umiling naman ito tsaka nagsalita..Mukhang nahihirapan..

"Uugghh!Fuck!.Hindi ko na mapigilan!"

"Anong hindi mo na ma—"

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko bigla ko na lang naramdaman ang labi nyang unti unting gumagalaw.....habang nakalapat sa mga labi ko...hanggang sa unti unti ng pumipikit ang mga mata ko.

.

.

.

"dug.dug.dug.dug.dug."

"Peste ka!"

pak!

"Arrraayy!!"

Biglang napadilat ang mga mata ko at dali dali syang sinapak ng bigla akong matauhan sa kalokohan na ginawa nya.

"Bakit mo ginawa yun?!"

Medyo may pagmamaktol nyang sabi habang nakahawak pa rin sa isa nitong pisngi kung saan ko sya sinapak.

"At nagtatanong  ka pa talaga ha!Kulang pa yan!Nakakadalawa kana!"

"Asus!Nasarapan ka naman eh!Aminin!.."

"Kapal!Tigilan mo ko!"

"Kunwari pa ang future wifey ko!Okay lang yan... Baka nga sa future oras oras  natin yan gagawin eh...Baka nga hindi na tayo tumigil eh...Tingin mo...Mukhang masaya yon..haha!"

   Sabay akbay naman nito sakin ngunit bago ko pa mapilipit ang braso nit dalidali nyang inilapit ang mukha nya sa akin dahilan para mahalikan nanaman ako ngayon sa

.

.

......noo.

    Bigla tuloy akong nanigas sa kinatatayuan ko ngayon kaya hindi ako makakilos.Ang gentle ng pagkakahalik nya sa noo ko...naramdamam ko naman ang pag alis ng kanyang mga labi sa noo ko samantalang ako ay wala pa rin sa ulirat.Feeling ko parang gusto kong mahimatay!Feeling ko parang bigla akong nalumpo..Ano ba Rina?!Anong nangyayari sayo??

Saglit ko lang syang tinignan habang sya naman ay nakangiting nakatitig sa akin papalayo..hanggang sa tuluyan nya na lang akong tinalikuran...

  Sisigawan ko sana ito na bumalik sya rito dahil mababasa sya ng ulan at kokotongan ko pa sana pero narinig ko syang sumigaw...

"Sana next time pag nagkita ulit tayo Rina...kilala mo na ako..Kasi...gustong gusto ko ng pumasok jan sa buhay mo at...jan...sa puso mo.."

   At pagkatapos non ay tuluyan na syang naglaho sa mga paningin ko.Huli na ng marealize ko na ginawa nya lang yun para makatakas sa ginawa nya saking kalokohan nanaman.

"AAAAHHH!!NAKAKATATLO KA NG KISSNAPPER KA!KAINISSSSS!!"








©flyingBUZZ

#2ND OPTION:X LAZARO

(A.N.:Ayan!Nagupdate na po ulit ako!Tinupad ko na yung request mo ha!Alam mo na kung sino ka...Haha..And thanks nga po pala sa bumabasa ng story ko...Thank you po talaga...and PLEASE...READ,VOTE AND COMMENT NA RIN PO^_^)

#Kissnapper




    

  

2nd Option:X LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon