23

21 1 0
                                    

CHAPTER 23twentythree

MITOS’ POV

Kinabukasan..

(Naalimpungatan)“Hmm.. Ang lambot naman ng kama ko ngayon ang bango pa.. Parang ang Pompi ko napakabango..  Miss ko na yung Pompi ko e.. Pompi.. Pompi.. Pompi..”

(Nahimasmasan.. Biglang nandilat ng malaki ang mata niya sa pagkagulat)”HAA?!! Nasan ako!? Hala... Ba’t nakapantulog ako? May.. naghu-bb.. Sino!?Asan ako!! Yung dress at sandals ko?! Kaninong kama to!?”

Pagbangon ko, nakita ko yung isang emplyedong babae..

“Miss. Asan ako? Teka.. YUNG PROPOSAL KO!!”

“Ma’am. Mahinahon lang po kayo. Ito na po ang Dress at sandals niyo. Ni-laundry na po yan. At ito naman po ang another dress na susuotin niyo for today.”

“Paano yung panty at bra ko? Uulitin babaliktarin ko nalang ganon ba? Teka nga.. Asan ba ako? Yung proposal ko!!”

Tumawa yung babae..

“Ma’am  may nakahandang underwear at brassier na po dyan. Handa na din po ang bathroom at almusal niyo. At sa Proposal niyo, tinapos na po ng General manager ang nakatulugan niyong proposal..”

“GENERAL MANAGER?!! Teka!! Paanong??”

Biglang tumabi sa akin ang super pormal na babaeng yan at nagtransform sa isang kiligmuch na babae! Ngiting tagumapy ang ngiti niya samantalang ako.. GULONG! GULOOO!!

“Naku Ma’am!! Ang swerte swerte niyo po! Nakita po kasi kayo ni GM (Gen manager) na tulog sa office kaya binuhat niya kayo at nilagay dito sa kama niya..”

“Huh? Kama niya to?? May kama siya sa Bldg??”

“Opo naman Ma’am! Mala-bahay nga po ang office niya e. Halos dito na po siya nakatira..”

“Huh? E di san siya natulog?”

“Ma’am!! Ito ang nakakakilig..  HINDI SIYA NATULOG!”

“Teka.. Anong nakakakilig don?”

“Ma’am patapusin niyo muna ako.. Hindi siya natulog dahil tinapos niya yung proposal na nakatulugan mo!”

“REALLY?!! Oh myyyyyy!!”

“Nako. Sige Ma’am una na ako. Wag nalang kayo maingay na sinabi ko sa inyo to ha?”

“Thank you ha! Teka sino ka ba?”

“Secretary niya po. Ako si Sec. Yu. Lala nalang tawag mo sa akin.”

“Lala Yu? Wow ha? Haha. Franzine nalang tawag mo din sa akin..”

“Sige, Franzine, una na ako.”

MITOS’ POV

Binuhat niya ako at pinatulog sa kama niya at hindi siya natulog para tapusin yung Proposal ko? Nakatulala na lang ako sa sa may banyo at iniisip ang mga nangyari.. Totoo ba talaga to?! Pagkatapos kong magbihis at kumain,  lumabas ako sa kayang eleganteng kwarto, at bumungad sa akin ang kanyang office. Nakita ko si Poy sa kanyang table, nagkakape..

“Sir..”

“Palagi mo ba akong napapanaginipan?”

OO NAMAAAN! EVERYDAY! EVERY HOUR! EVERY MINUTE! EVERY SECOND!! BASTA LAHAT NG EVERY! EVERREADY! Pero magmaangmangan ka lang Mitos..

“Huh?”

“Nevermind. Ito na ang Proposal mo. Madami akong binago diyan. May binawas ako, at may dinagdag.”

The Beautiful Story of Ugly MitosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon