CHAPTER 18eighteen
FRANZINE’S POV
Sa totoo lang natatakot ako. Hindi ko alam, basta kinakabahan ako. Pero pinanganak akong POSITIVE THINKER! Kaya alam kong happy moments ang mangyayari sa Singapore. I am so excited! Pompi!! I’m on my way to Singapore!!
(Lahat ng statements na hindi quoted ay ang mga statements in mind ng character in the present POV. Inexplain ko lang po mga bebe. Hihi.)
“Woooow! Hello Singapore! Ang ganda ganda dito! Airport pa lang, PAK NA PAK NAA!”
Hala! Napalakas ata yung boses ko. Hehe. Yaan na di naman nila ako naiintindihan. Krung krung man sa inyong paningin si Poy lamang ang mamahalin! Sige konek niyo yan. Pff. Wala makausap dito. Dahil wala akong enough money maghahanap muna ako ng murang apartment malapit sa building nina Poy. Teka saan ba yung Canlas Street? Aba, sa kanila talaga nakapangalan yung street huh? Makapagtanong-tanong na nga.
“Hi. I am new here. Can you tell me how can I go to Canlas Street?”
“Ride on a bus Ms.”
“Okay. Okay. Thank you Sir. Thank you!”
Isang oras ang binyahe ko, mula Airport hanggang Canlas Street, Singapore. Ang linis naman dito at sariwa ang hangin. Napagdesisyunan ko muna maghanap ng murang apartment malapit sa bldg nila. Hirap naman kung mag-aapply ako ng may dalang malaking mabigat na bagahe. Nakapaghanap ako. 2,000 dollars a month. Nag-down agad ako. Mahigpit e, pero mabait yung land lady ko ang name niya ay Shin. Pagkatapos non, nagbihis agad ako at dala ang aking mga papers ay agad akong pumunta sa Bldg nila.
“Whoa! Ito na ba ‘yon? Makapagtanong nga.. Excuse me guard! Excuse me!”
“Is this the Canlas Corp. Main Bldg.?”
Balita ko madaming sites ang mga Canlas at sa Main daw si Poy nagtatrabaho.. Kaya ko yun natanong sa guard.. Ay hindi ko pala nasabi na napakasikat ang Canlas sa fashion industry.. Damit, bags, eye wears, shoes.. Lahat na under ng fashion. Balita ko number one sila dito sa Singapore kaya ramdam ko, pressured talaga si Poy.
“Yes. What brought you here Ma’am?”
SI POY LANG NAMAN! ANG BOSS MO!
“Uhm. I am an applicant.”
Chinek niya yung bag ko. Higpit talaga! Kikidnappin ko yung boss mo Manong guard! Bwahaha.
“You can go.”
Pwede na raw ako makapasok sabi ng guard. Bigla akong napahinto. Nakaramdam ako ng manhid sa paa. Di ako makalakad! Sobrang lapit ko na kay Poy. Ilang kembot na lang.. Makikita ko na siya after a LONG TIME!! Kaya Franzine.. Lakad ka na.. LAKAAAD NA! Lumakad na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta,bahala na lang yung mga paa ko kung saan niya ako dalhin. Sa may 3rd floor may nakita akong Marketing Dept. pumasok ako dun..
“Good Afternoon Sir.”
“Hi. What can I do for you?”
“I am Franzine Miranda from the Philippines. I am a big fan of Canlas Fashion. And I will be honored if I can work here.”
“O? Filipino ka pala? Ako din. Franzine right?”
“Really? San po kayo sa Pinas?”
“Sa Cebu. Miss ko na nga pamilya ko e. By the way, what are you applying for?”
“Kahit ano po sir. Kahit ano pong bakante niyo jan..”
“Okay. We know that this is not a formal job hiring process, nagkasalubong lang tayo at ganito na. Well, dahil Filipino ka at may bakante kami, Tanggap ka na! Sa isang kondisyon?”
“Oh my momay!!! Really Sir! Ano pong kondisyon sir?”
“Your day one is today.”
“Opo Sir!!!! Super thank you po!!”
“You’re welcome. I am Mr. Ren Lamigo the department head.”
Napayakap na lang ako kay sir sa sobrang tuwa. Assistant ako ng lahat ng ka-opisina ko dito sa MD(Marketing Department). Pinakilala na din ako sa mga officemates ko.. Yung iba di ko feel yung dalawang natatangi ay winelkam ako ng lubusan, alam niyo ba kung bakit? DAHIL FILIPINO SILA. Kalahi natin sila mga Bebe!
“Hi! Sabi ni head Fil. ka daw! Ako nga pala si Jovi.”
“San ka sa Pinas? Christian nga pala. Pero Ishan na lang.”
Sa kanila ako nakiupo dahil sila lang ang friendly. Sa office, isang medyo malaking room siya. Kaming 3 ay nandon sa isang mahabang table na puro papel!
“Ako nga pala si Franzine. Taga Cavite ako. Nako ang swerte ko at may kaibigan na agad ako dito!”
“Keri lang yon. Sige kayo muna magkwentuhan ni Jovi magpapasa lang ako ng mga papel.”
Jovi is a girl, boyfriend niya si Ishan. Oo tama nga iniisip niyo dito nabuo ang lovestory nila. Dahil day one ko ngayon at hapon na medyo light na lang ang mga trabaho ni Jovi. Hindi muna ako nagtrabaho, sabi kasi ni Jovi maglibot muna ako at maging pamilyar sa buong Canlas Fashion at syempre sa mga magiging trabaho ko.
“Jovi, sino ang boss natin dito?”
“Yung head natin.”
“Hindi.. Yung super boss natin tsaka libutin mo na ako sa Bldg. tapos ka na namn diyan e.”
“Haynako. Sige na nga. Tara na!”
Nilibot ako ni Jovi sa lahat ng departments, sa canteen, sa CR. At sinamahan niya na din akong kumuha ng ID. Sunod sa mall..
“Huh?!!! Ano Jovi!? May mall ang Canlas Fashion?!”
”Oo. May sarili silang mall. Bulag ka ba? Katabi lang kaya ng Bldg. na to.”
Pumasok kami sa CF Mall. Sobrang daming tao. Sikat nga sila. Hinila ko si Jovi sa may CF Shoes, kasi may nag-iisang pares ng sandals that caught my eyes sobrang ganda kasi!
“Wow!! Jovi! Sobrang gandaaaaaa! Magkano ba to?”
“Nako Franzine, isang buwan na sweldo natin ang halaga niyan kaya mabuti pa wag mo na tignan ang presyo!”
“Huh? Tekaaa! Ilalagay ko lang sa may likod para hindi makita at mabili.”
Kaya pala maganda. DAHIL MAMAHALIN. Sus. Gusto ko talaga siya! Pero imposible kong mabili at masuot. Kaya no one dapat will own this sandals! Malagay nga sa pinkalikod ng cabinet.. Halaaa! Hala!!! Nahulog yung mga sapatos!! Oh my momay! Nakatingin na sakin lahat! Ayoko ma-fired sa first day ko! Help me Papa Lord!!
“Nako. Franzine!!!! Anong ginawa mo! Dalian mo pulutin na natin.”
Tinulungan ako ni Jovi sa pagpulot ng mga sapatos, kaya nakabend yung legs namin at pinupulot ang mga sapatos sa floor. Habang nakayuko ako ay may nakita akong black shoes, panglalaki at may nagsalita..
![](https://img.wattpad.com/cover/4260245-288-k729800.jpg)
BINABASA MO ANG
The Beautiful Story of Ugly Mitos
Humor“Beauty is in the eye of the beholder.” isa sa mga pinakasikat na sayings sa mundo. Siya na ang bahala kung paano niya ihahandle ang kanyang own beauty. (PAANO PAG WALANG BEAUTY?) Itago daw ba ang beauty? Maganda ka naman daw sabi ng Nanay mo pero w...