CHAPTER 21twentyone
Inhale.. Exhale.. Inhale..
“POY!”
Napatingin si Poy sakin at ang kanyang mga iba pang mga kasama. Oh maaaaaaaaay! Papunta na si Poy sa akin.. Nakatingin lang siya sakin. Palapit ng palapit si Poy! At ako nanginginig na ako sa kaba!! Bumabagal yung motion..
DUGDUG.
DUGDUG.
DUGDUG..
lang ako ni Poy at ng mga kasama niya..
ARAY. Nilampasan nila akong naka-nganga..
At sabi ng isa nyang kasama kay Poy..
“Do you know her Sir?”
OO NAMAN! AKO LANG NAMAN ANG GIRLFRIEND NG BOSS MO!!
“No. Let’s get back to office.”
Ngumiti na lang ako habang tumutulo ang mga luha ko. Nako Mitos.. Iyakin ka talaga! Punasan mo nga yang mga luha mo! Papansin ka sa General manager niyo ha! Tss.
Kaya lumabas na lang ako ng mall at umupo sa bench tapat ng Mall.. Nagpahangin.. Late night na din. E ayoko pa umuwi sa apartment e. Nakakaboring. Mga sandali din ang lumipas nakita ko si Poy pasakay ng kotse niya. Pauwi na siguro.. Hinabol ko ang kotse.. At nagsisisigaw..
“POY!!! POY!!”
Tumatakbo ako habang sinisigaw ang pangalan niya. Habang tumatakbo ako.. Naalala ko na lang bigla yung..
*InfobeyeeeenFLASH BACK!!*
*InfobeyeeeebEND OF FLASHBACK!!*
“POYY!”
Nagulat ako dahil tumigil ang kotse.. At bumababa si Poy..
“Poy..”
“Kalimutan mo na ko.. Dahil ginagawa ko na ‘yan sa’yo. Una na ‘ko.”
“Hah..”
Pumasok na siya ng kotse. At umalis.. Nanghina ang katawan ko sa narinig ko.. Napaluhod ako at tumulo ang aking mga luha. ang puso ko.. Namamanhid na sa sakit..He’s asking me to forget him.. Naglakad na lang ako pauwi habang iniisip yung mga sinasabi niya. Umiiyak ako ngayon.. Yung puso ko namamanhid sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.. Susuko na ba ako?
Dumating ang mga linggo.. buwan.. At nasasanay na ako sa trabaho ko. Mahirap. Assistant nila akong lahat. Kaya hindi ko na naasikaso sarili ko. Pumapayat ako lalo. Palagi kong nakikita si Poy. At hindi talaga siya namamansin. I get used to it. Sanay na. Ang mahalaga nakikita ko siya. I am loving him from afar. One-sided-love na ba to? Hindi ko alam.. Alam na din ni Sef ang mga nangyari dito. Nakakapagpadala naman ako sa mga magulang ng pera sa Pinas. Haay. Trabaho muna ang focus ko. Binubuhay ko pa ang pamilya ko. Lilibangin ko muna ang sarili ko sa trabaho. At eto! Dahil utusan ako ng lahat, pag-overtime ang isa, OT din ako. Kaya palagi akong OT. At guess what? OT ule ako ngayong araw!
“Ishan at Jovi!”
“OT kayo ngayon?”
“Hindi mare. May date kami ngayon e..”
Inggit ako.
“Nako. Kayo talaga..”
“E ikaw Mare? OT ka na naman? Napapdalas na huh..”
“Huh? Oo e. No choice.. Alam mo na. Ayoko ma-badshot.”
“Sige una na kami.. Ingat ka huh?!”
Haaay. Loner. Hindi ko friendship ang mga nandito. Tatlo na lang kami sa office.. Hanggang sa kinausap ako ng isa kong ka-officemate.
“Ms. Miranda.. 4 cups of Coffee please. Here’s the money.”
WOW? Waitress? At paano ko naman madadala ang apat na cups? At bakita apat? Tig-dalawa sila? Nako matatagalan pa talaga ako dito! >.<
“Okay.. I’ll go and get coffee.”
Pumunta ako sa canteen na mala-restaurant at bumili ng 4 cups of coffee. Sa ground floor pa yon! Nako takot kaya ako mag-elevator mag-isa. Tss! Pagpasok ko sa canteen.. Nakita ko si Ms. Kim at Poy nasa isang table, nag-uusap.. nagkakape. Nagtatawanan sila. Mukang masaya sila sa pinag-uusapan nila. Napahinto na lang ako habang tinititigan sila.. At bigla akong pumikit! Nag-inhale at pumunta na sa Cashier.. Haay. Hindi ko mabitbit ang apat na kape nadidistract ako sa kanilang dalawa! Hanggang sa may malaking lalaki na bumangga sa akin.. Natapon ang kape sa damit ko at obviously, napaso ako. Napasigaw ako sa sakit!
“ARAYY!”
Lahat ng tao nakatingin sa akin.. Including Ms. Kim and Poy.
“I am so sorry Miss! I didn’t mean to..”
“No. It’s okay.. Just replace my 4 cups of coffee..”
Hiyang hiya ako.. Punong puno ng kape ang damito ko.. Habang binibili yung kape, tinawag ako ni Ms. Kim at pinapunta ako sa table nya.. I am so embarassed!!!
“Ms. Miranda! Ikaw pala yan. Come here!”
Nung paglapit ko. Hindi ako tinignan ni Poy.. Nakatingin lang siya kay Ms. Kim.. *sad.*
“Bakit po Ms. Kim?”
“Do you know him?”
Tinuro niya si Poy.. AY NAKO SOBRA MA’AM! Kung alam mo lang!! Pero not now!! Punong puno kaya ng kape ang damit ko!! Tss! Iniinis talaga ako ni Ms. Kim na yan ohh!! Tumingin na lang ako kay Poy at sumagot..
“Yes Ms. Kim.”
“Gen manager.. Ito nga pala si Ms. Miranda isa sa mga members ng team ko.”
Nag-bow lang si Poy sa akin pero hindi niya ako tinignan. Alam ko naman na ito ang magiging reaksyon niya.. Ayoko na ma-stress kaya ito na lang ang sinabi ko..
“Hi Sir. Totoo po pala talaga ang mga sinasabi nila.. Na gwapo ka. Sige Ms. Kim at Gen manager. Una na ko.”
Habang papalayo ako may hinirit pa si Ms. Kim kay poy..
“Look at her dress.. May tapon pa ng kape. How clumsy! I expect nagkakadarapa din yan sa’yo yan Gen manager, katulad na din ng mga ibang babae dito.”
Woo. NO COMMENT. Beaches are beaches! Wala tayong magagawa diyan. Umuwi na lang ako. Wala akong dalang pamalit e.. Nung pauwi na ako.. Tinawag ako ni Manong guard..
“Ms. Miranda?”
“Ako nga po..”
“May nagpapabigay po sa inyo..”
Inabot niya sa akin yung dalawang paperbags. Woo. Pinagshopping ako ni Manong guard? Ano kaya laman nito? Kaya binuksan ko ito..
“Whoa.. Isang dress at yung... Yung CRUSH KONG SANDALS NA SI POILEE!!!”
Nagulat na lang si Manong guard ng sumigaw ako sa tuwa at niyakap ko siya sa sobra ko uleng tuwa!
“Manong G kanino po ito nanggaling..”
“Hindi ko rin alam e. Suotin mo na yan.. Ang dami ng mantsa ng damit mo.”
“Howcome na hindi niyo alam? Nakamaskara ba siya nung binigay niya sa inyo ito? Haha! Pasabi manong na super thankyou!! Hindi ko na to susuotin, pauwi na naman po ako e. Salamat manong G!”
BINABASA MO ANG
The Beautiful Story of Ugly Mitos
Humor“Beauty is in the eye of the beholder.” isa sa mga pinakasikat na sayings sa mundo. Siya na ang bahala kung paano niya ihahandle ang kanyang own beauty. (PAANO PAG WALANG BEAUTY?) Itago daw ba ang beauty? Maganda ka naman daw sabi ng Nanay mo pero w...