CHAPTER 12

26 0 0
                                    

CHAPTER 12twelve

“Hoy Panget! Ba’t hindi ka na namamansin? Last 3 weeks tayo huling nagkausap ha? Tinataguan mo ba ako?”

“Bakit naman kita tataguan?”

“Why don’t you answer your own question?”

“Tinataguan kita kasi..”

“At eto pa! Palagi na daw kayo lumalabas ni Sef?”

 “Hoy! Hinayhinay lang! Pasalitain mo naman ako!”

“Kaya ka siguro hindi nakapunta ng training ko dahil lumabas kayo ni Sef? Am I right?”

“OO NA! Iniiwasan kita.. Palagi kami lumalabas ni Sef.”

“May gusto ka ba kay Sef?”

“Wala. Malupet ko siyang kaibigan. Iisa lang ang trip namin kaya kami nagkakasundo. Malisyoso ka!”

“Good.”

“Nanay mo good!”

“E bakit mo ko iniiwasan? Dahil don sa nangyari saten? Wait! Umuulan tara muna sa loob!”

“Hinde! Dito lang tayo! Oo iniiwasan kita! Alam mo kung bakit?? Dahil gusto na din kita Poy!! Masaya ako nang hindi ka nakikita dahil gusto ko na kalimutan ‘tong nararamdaman ko sa’yo! At kalimutan mo na din yang nararamdaman mo para sakin! Ayokong malait ka katulad ng panlalait na ginagawa nila sakin. Wag ka magkagusto sa lumba lumbang panget na katulad ko Poy.. You deserve more than this.”

“For the last 3 weeks na hindi tayo nagkita.. Buong tatlong linggo.. Ikaw lang ang nasa isip ko. You drive me crazy. Ginayuma mo ba ako? Panget at mataba ka.. Pero yung panget at lumba lumba na ‘yon ang tinitibok ng puso ko. Kaya.. Mitos Franzine Miranda.. In front of many students here watching us.. Can you be my girl?”

INFOBEYEEEEEEEN!!

*Imbis na kiligin ang sobrang daming KebSU students sa Campus ay nandiri sila at sumigaw ng “BOOOO” Panira ng moment noh?.*

“Poy! Wag ka nga lumuhod diyan!”

“Sagutin mo muna ko?”

“Bakit nanligaw ka ba?”

“YES or NO?”

“Hahahaha!! Yes Poy! I love you.”

 INFOBEYEEEEEEEN!!

Guel Poy Canlas and Mitos Franzine Miranda are officially in a relationship.

When; October 29

Where; Quadrangle in the middle of the rain

MITOS POV;

Wooo!  Hello Graduation! Oo, tama nga ang nabasa niyo. Fourth year na ako!! Hindi ba kayo natutuwa? Apat na buwan na lang malapit na ang graduation. Wala akong nabagsak na subjects. Napasa ko pa ang thesis, defense etc.. ko! Syempre sa tulong ni Fae dahil matalino talaga siya, at sa isa pang matalino na si Poy. Kami pa rin ni Poy. October 29 ngayon bali three years na kami ngayon. Oo nga tama ule ang nabasa niyo, tatlong taon na kami. Hindi nga rin ako makapaniwala e. Paano niya natiis ang pagmumukha ko ng tatlong taon? Dahil din sa relationship namin ni Poy.. ang mga di kagandahan sa Campus ay nagkaroon ng so much kompyansa sa sarili. Mas uso na ang exotic na mukha. And the new sexy is chubby. Sabi nga ng karamihan, nadaig na ng panget si maganda. Haha. Nakaktuwa nga pakinggan pero dapat pantaty pantay na lang ang lahat. KATARUNGAN PARA KAY KA-ENCHONG! Kidding aside, mataba at panget pa din ako. Sabi kasi ni Poy wag daw ako magbago e. Kailangan ko daw maging lumba at panget para wala na talagang magkakagusto saken. Pero hindi naman tama ‘yon kaya magpapapayat na ako this vacation. Papatulong ako kay Sef na nagtatrabaho na ngayon sa Ospital 24/7. Simula nung naging kami ni Poy hindi na kami nakaakpag-usap. I don’t know why. Baka nga busy. Pero malapit na talaga ako grumaduate! Yeyy!

POY’S POV

Malapit na graduation namin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ayoko mapalayo kay Mitos.. Ayoko!

The Beautiful Story of Ugly MitosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon