CHAPTER 11eleven
“Ssshh.. Wag mo muna intindihin mga sinabi ko okayy? Alam kong kinikilig ka ngayon pero magpahinga ka na muna. Tara na iuuwi na kita.”
“Gago.” :””>
“Nako. Na-gago pa. Tara na nga iuuwi na kita!”
“Iuuwi mo ko sa inyo? Oy. Hindi ko isusuko ang Bataan!!”
“Whaaat?? Do you know what you’re saying? Nakakatindig balahibo!!”
“Hahaha! Biro lang. Tara na nga.”
POY’S POV*
Really??? I did that???!! Nooo way!! I am inlove to that ugly creature? Cupid!!! Sa dami ng magagandang babae?? Ba’t sa kanya pang PANGET! Masaya ako nung kasama ko siya. Komportable ako. Pero pag-uwi ko, nagkaganto na ko, nagtatalo na ang puso at isip ko.
What’s next? Liligawan ko siya? O friends lang muna?? Teka!? Anong MUNA pinagsasasabi mo Guel Poy Canlas!! Gaad! I can’t sleep. Nakailang dagdagbawas na ako ng unan.. Na-ulit ko na din ang playlist ko.. Pinatay ko na din ang ilaw.. Binuksan ko ule.. Nag-aral ako. Nag-DotA ako.. Nuod TV.. At Ala-una na ng madaling araw at kahit anong gawin ko, lahat nang nahahawakan kong bagay, si Mitos ang nakikita ko. Creepy!! And everytime I close my eyes, my hearts says mahal ko si Mitos.
Pero sabi ng isip ko.. Too early to love someone na kakakilala mo palang. Stay friends with her. Wag kang magmadali Poy. Darating din tayo diyan.
MITOS’ POV*
Sobrang daming nangyari ngayong araw na ito.
Una, nalaman ko na hindi talaga ako kayang tanggapin ng mga kaklase ko. Ang itsura ko.. Ang buong pagkatao ko. Si Fae lang talaga ang tanging kaibigan ko sa Section. Hindi nila ma-take na magkaron ng panget na companion. Masgusto pa nila ang maganda.. Maganda na nakikipagplastikan lang naman sa kanila.
Pangalawa, sa maikling panahon na nakilala ako ni Poy e natutunan niya ako pahalagahan.
He said he likes me. Is it true? If false change the underlined word to make it correct. Hahaha! Biro lang.
Sa tingin niyo? Naguguluhan ako. Wag ko na kaya muna intindihin. TAMA NGA! Kasi sabi sa ABAKADA COMMERCIALS ni EpalBei—Never assume. Never expect. Kaya kahit nasabi niya na sakin na gusto niya ko e dedmafever nalang yon!! OKEEEEEEE.
Pangatlo, naganap ang FIRST KISS KO. Pero hindi sa boyfriend ko. O sa asawa ko. Ayyyy.. Pero sa gwapo naman at mabango ang hininga kaya okey na yon. Oo may naramdaman ako pero hindi ko alam kung ano yon.. Same feeling nung hinalikan niya yung kamay ko habang sinusubuan ko siya nang fries. OOOOooooostrange.
Plug; Segway lang po readers. Ü
ABAKADA COMMERCIALS by EplaBei.
Bzzzzt.. One message received—Superman!
Hi Pepay! Yung lunch date natin bukas ha. Sa Malaya Mall. Good night!
Ay oo nga pala. May lunchdate pala kami.. Mabubusog na naman ako. Hayahay ang buhay!
Kinabukasan.. (The Lunchdate)
“Hi Sef!! no Gora na sa Mang Kinasal?ANG UNLI KANIN NG BAYAAAAN!! Hehe.”
“Nye! Yoko nga. 11am palang ohh.”
“Huh? E diba..”
“Weeeeeeeeeee!!! Cute cute mo talaga!”
“Tssss! Aray! Sakit na ng pisngi ko! Pisngi mo na lang ang kurutin mo!”
“Huh? Haha. Bakit naman? Nanggigigil kasi ako sa pisngi mo.”
“Ayy. Wag mo na pala pisilin ang pisngi mo. Di ka naman cute e.”
“Hindi ako cute?”
“Oo. Kasi gwapo ka.”
30 seconds of silence..
Napahinto na lang sila bigla at tinitigan ni Sef si Mitos.
“Ahhhh.. HAAAAA.. HAAAAAA. HAAAA?... Gwapo ka ngayon dahil lilibre mo ko ng Lunch!! Tama! Dahil lilibre mo ko ng lunch!”
“Hahaha! Really? Hindi nga muna tayo magla-lunch agad.”
“E ano gagawin natin?”
“Let’s watch movie. Tamang tama showing ngayon yung The Beautiful Love Story of Ugly Beiyeen.”
“Maganda ba yon?”
“Yung movie maganda sabi nila pero yung bida hindi daw e.”
“Wag nalang yan! Panget pala bida e, sa akin ka na lang tumingin nakatipid ka pa.”
“Ano ba Pepay! You always degrade yourself. Mali yan. Stop na okayy?”
“Sus. Totoo naman e. Oo nalang. Mag-TongtongpakitongkiTOM’s World na lang tayo o AQUANTOM’S World.”
“Great! Galing mo talaga Pepay. Tara na!”
-
“Hahahaha! Pepay! Nakaka-1000 tickets tayo! Sige sipain mo pa yung machine!”
“Hahaha!! 1000 palang? Dangbagal naman.. Teka lang, Sef kunin mo na yung ticket papunt na satin si Manong!!”
“Gaaad Pepay!! Nakasimangot na siya!!!”
“Nakuha mo na yung tickets?”
“Oo...Oo!!”
“Sige hawakan mo kamay ko..”
“Eto na.. Tapos?”
“Tapos.. TAKBOOOOOO!!!!!! Waaaaaa!”
Tumakbo si Mitos at Sef. HHWR. Holding hands while running. Tumatakbo nang masaya habang nililipad ang ticket nila. Wala silang pakialam sa madaming tao sa paligid nila.. Ang mahalaga, masaya sila.
“Grabe Sef! Akalain mo yon!!..”
“What?”
“Teka.. Hihinga muna ako..”
“Hahaha! Breath Pepay. Grabe! Ang sarap tumakbo!”
“Oo nga e! Teka.. Anong gagawin natin sa tickets e wanted na tayo don?”
“Si Poy na lang pagpapalitin ko non.”
“GAAD! OO NGA PALA! SI POY!”
“What Pepay? Ano meron kay Poy?”
“Sasamahan ko pala siya sa training niya ngayon! Nagpromise ako sa kanya na. May deal kasi kami. Halaaaa Sef, pano na yan?”
“How about me?”
“Sef naman..”
“I’ll go with you. Alam ko naman kung saan yon e.”
“No. Ayoko na pala pumunta. Tara kumain na tayo?”
MITOS’ POV
Woo! Super funfunfun! Saya kasama ni Sef! Kakaiba yung happiness na naramdaman ko nung tumatakbo kami! Haha! Parang suspense action movie. Tapos kumain kami sa Mang Kinasal at naka sampung balik ako ng kanin! Para sulit! Si Sef nakatatlo lang ata.
Kamusta na kaya si Poy? 40missed calls ang natanggap ko. Bakit ba kailangan ako pag andon sa training? Ako ang sisipain niya? Taga hawak ng towel at mineral water niya? Oo may deal kami pero.. Haaaaay. Oo na ako na ang mali. Ano kayang pwedeng gawin wag lang magalit yon.. MITOSS NAMAN!!! Isip! Isip! Isip! Jimmy Neutron I need your help!
JIMMY NEUTRON SUGGESTS;
a. Tawagan mo siya and apologize.
b. Bumawi sa next training niya
c. Puntahan mo siya.
d. Dedma na lang
MITOS’ RESPONSE;
a. Wala akong load
b. May next training pa ba?
c. Akin na pamasahe?
d. OKAYY YAN JIMMY!!
Makatulog na nga. Good night world!
BINABASA MO ANG
The Beautiful Story of Ugly Mitos
Humor“Beauty is in the eye of the beholder.” isa sa mga pinakasikat na sayings sa mundo. Siya na ang bahala kung paano niya ihahandle ang kanyang own beauty. (PAANO PAG WALANG BEAUTY?) Itago daw ba ang beauty? Maganda ka naman daw sabi ng Nanay mo pero w...