CHAPTER 16sixteen
Sa Kotse..
<Playing.. I love you- Avril Lavigne>
“Sef bago na ‘tong kotse mo ha.. Asan na yung isa? Madami tayong Memories dun.”
“Nasa bahay namin sa Batangas. This Tinola 3310 is my Parent’s gift nung graduation ko.. Bali 2years old na siya.”
“Ahhhh..And the reason I love you is you! Me and you! Just youhuhu!!”
“Woo. Singer ka pala? You have the voice pala.”
“So I’ve got the talent?!!”
“Can you be my Protégé’?”
“Hahahahaha!! Kanta na Pilipinas! Loko ka Sef! Oh teka san tayo punta? Ba’t ka lumiko?”
“Haha! Punta muna tayo sa Condo ko. Kunin natin yung ticket..”
“Woo. Hindi mo iniwan sa Batangas?”
“Ba’t ko naman iiwan ang ticket nating sobrang memorable. Yun na ng lang ang meron ako bago tayo.. Alam mo na. We are here na.”
“Ahh. Ayon ba? Ito na yung Condo mo!? Whoa. Gondogondo Sef!”
Inunahan ko si Sef sa pagpasok sa Condo nya. Pano ba naman!? Ang GONDO-GONDO!! Parang Condo ng mga artista na napapanuod ko sa Bimbi Tv. Teka! Living room muna na ako!
“Thank you.”
“Wag na tayo gumala. Dito na lang tayo. Nakakarelax dito. Whoa.. Ang lambot lambot ng Sofa! Bango pa! Ako ba unang umupo dito?”
“What? O.. Okayy. Dito na lang tayo. Gusto mo pagluto kita? Hey? Nako di na ako pinansin.”
Asan na ba si Mitos? Kanina nasa Sofa tapos sa Cr tapos nasan na yon? Hmm. Ginawa niyang playground ang Condo ko. Hahahaha! Naughty. Stayfoot na lang ako sa Kitchen at makapag-isip ng pwedeng maluto.. Oh! Si Mitos nasa Kitchen na! Hehe.
“Huh? Haha. Pasensya na Sef. Gondogondo kasi ng lahat ng nakikita sa loob ng Condo na ‘to e.”
Hala? Anong meron sa sinabi ko? Ba’t papalapit na siya sakin ng papalapit? Tapos nakakaakit yung mga mata niya. Gaaad. Ang hot sa kitchen nya! Hala. Atras na Mitos! Hoy Mitos wala ka ng maatrasan! Lababo na to! Hala ka....
“Including me?”
I put my arms around her and look at her at the closest one. Hahahaa! Namiss ko mangtrip! Hindi makatingin sakin si Mitos!
“Uhm.. Ah..”
“Oh? Mitos ba’t hindi ka makapagsalita? Tumingin ka nga sakin..”
“E kasi baka konting kilos lang ng bibig ko, dumampi na yung lips ko sa lips mo.”
Shaaaaaaaaaaaaaks! Sinapian ng mapanlinlang na espirito si Sef! He slowly kissed me on cheeks, whoa. Ramdam ko yung matangos na ilong niya at biglang sumigaw ng..
“I MISS YOU PEPAY!!!! Yari ka! Hahaha!”
“Tado ka talaga!! Haha! Kahit kailan ka!! I miss you din my SUPERMAN!! Wag mo na ulitin yon ha! At magiging pasyente ka sa Ospital na pinagtatrabahuhan mo!”
“Haha! Okayy. Wala ng ilangan? Back to normal na tayo?”
“Sa isang kondisyon?”
“What condition?”
“Pagluto mo ako. Kakagutom e.”
“Haha! Yun naman pala e! Sure.”
“Pero ako mamimili ng ingredients. Ano bang meron dio sa Ref mo.. Hmmm. HALA KA! PURO GULAY!?”
“Yup. Why?”
“E hindi ako kumakain ng gulay! Sobrang pili lang.”
“Well ngayon hindi na. Sus. Kaya pala hindi ka napayat at ganyan ka kataba.”
“Aray naman.”
“Haha! So I’ll make a dish na made of vegetables but taste like meat para sa aking espesyal na Pepay. Pag natikman mo na ‘to, hindi ka na kakain ng kauri mo.”
“Tado! Haha. Wag ka na puro dakdak! Magluto ka na! Haha.”
After cooking..
“Tadaaaaah!! Ito na po Madam Pepay ang..”
“Ang..?”
“Veggymeat dish!”
“Sus! Akala ko naman sobrang pinag-isipan mo yung pangalan! Haha. Tara TIKIMAN TIME!! Wooo! Yumyumyum!! Ang sarap sarap Superman! Gulay ‘to?”
“Haha. Well. I’m kinda good ni cooking. Tapusin mo na yan at punta ka na ng living room.”
Sa Living room..
“So Mitos.. Seriously, kamusta ka na? Still no communication?”
“Kay Poy? Ahh. Oo. Ikaw ba?”
“Wala din. Pero I have the address of the company.”
“Anong gagawin ko sa address? Wala akong pera para makalipad don. Haay. Wala akong idea kung bakit pinutol niya yung communication sakin. Ayaw niya na ba sakin? Miss na miss ko na siya!”
“Sige iiyak mo lang yan. We’ll find ways okayy?”
“Sef.. Ano ng itsura niya? Kumakain ba siya don? O puro trabaho lang? Diba madaming magagandang babae don? Hindi. Ako lang ang mahal niya. Ako lang diba!? Ako lang. Tama ako lang.. Miss na miss ko na siya tarantado siya!”
“Sssh... Everything will be okayy. Tatlong taon na kayo right?”
“Uhm. Oo.”
“Whoa! Magkwento ka naman sa 3 years niyo.”
“Tss. Ikaw talaga alam mo kung paano mo ko mapapangiti! Sige kekwentuhan kita..”
“Game! Hehe.”
“Pahiga muna sa mga hita mo. Para hindi maantok. Ayan konek mo mga sinabi ko. Haha!”
“Ow.. Haha!”
“Sa tatlong taon namin wala siyang binibigay na materyal na bagay katulad ng mga kwintas, flowers at iba pa. Pagkain oo. Pero yung mga pang-cuople,wala e. Pero nung birthday ko.. Wala din. Hindi ko din alam kung bakit. Boring man isipin, ganon talaga.”
“Really? Hindi siya nagbibigay? Poy talaga. Okayy lang sa’yo yun?”
“Oo. Haha. Hindi ko naman kailangan yon. Pero mahilig siya mag photoshoot PALAGI. At ako lang ang model niya. Biniyayayaan ata siya ng madaming memorycardses. Haha! Hindi siya nagsasawa sakin..”
“Haha! Yun talaga ang hobby niya. Wait, is your relationship legal?”
“Sa side ko. Sa parents niya, hindi. Hindi ko na tinanong. Alam ko na kung bakit. Alam kong gusto ni Poy na ipakilala ako kaso yung mga magulang niya.. Alam mo na, mga kadalasang problema ng rich kids.”
“Okay. Got it.”
“Tapos, walang araw na hindi niya pinaramdam na mahal niya ako. Sobrang bihira man niya sabihin ang mga ‘I love you.’, ‘I miss you.’ ‘Mahal na mahal kita’, ‘Ikaw lang ang mahal ko’... Wala namang araw na hindi ko yon naramdaman mula sa kanya.. Ngayon lang. Tsaka... uhm.. Alam mo ba..”
“Ssshh.. Iiyak mo lang Mitos.”
“Alam mo ba.. Naging kami in the middle of the rain. At I believe na siya yung nagbigay ng Ramon Bautista favorite book ko nung magkaaway pa kami, dahil alam kong siya ang tadhana ko. Una palang, mahal na ako ni Poy.. Kaya alam ko hanggang ngayon mahal niya pa rin. Miss niya na ako. Mahal niya ako.”
<Playing in mind.. Go your own way (Safe Haven)>
MITOS’ POV
Naglakad-lakad ako. Kailangan kong mapag-isa. Siya lang ang laman ng isip ko. Paano ako makakpunta sa’yo? Paano ako mapapalapit sa’yo? Paano ko maiibabalik ang dati? Basta ito lang ang huling naisip ng isipan ko.. Paghahandaan ko ang muli nating pagkikita Pompi ko.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Story of Ugly Mitos
Humor“Beauty is in the eye of the beholder.” isa sa mga pinakasikat na sayings sa mundo. Siya na ang bahala kung paano niya ihahandle ang kanyang own beauty. (PAANO PAG WALANG BEAUTY?) Itago daw ba ang beauty? Maganda ka naman daw sabi ng Nanay mo pero w...