7 years earlier...
"TANG-INA, ano? Bakit ka napatawag?" asar na sagot ni Cormac sa tawag nang malaman si Nicolas ang nasa Caller ID. "Siguraduhin mo lang na importanteng 'tong sasabihin mo kundi uupakan talaga kita kapag balik ko sa Quezon."
"Hoy, kumalma ka, Castellano! Sungit-sungit ng hudyo. Mangangamusta lang, eh. Magtatanong lang ako kung nagtagumpay ka ba diyan sa sadya mo sa Albay?" tanong nito kaya kumunot ang kanyang noo.
It was rare of Nicolas to check up on anyone all of a sudden. No, all of them rarely check up on anyone and don't give a fuck. Nagagawa nilang hindi mag-usap ng ilang linggo basta ba at makakadalo sila sa meet up sa Oasis kapag wala silang trabaho. It was always been their thing since 2018.
"As of now, negative. Nagtanong-tanong ako dito sa malapit sa bahay-ampunan pero..." Hindi itinuloy ni Cormac ang sagot nang matuklasan niya na kung ano ang pakay ni Nicolas. "Kingina mo! Nag pustahan kayo, ano? Sino kasama mo sa pustahan? Si Vargas ba? Si Vargas 'yan malamang kasi favorite mo 'yang kapusta kasi laging talo."
"Sasagutin mo pa rin ba ang tanong ko kung sasabihin kong oo?" He could imagine Nicolas flashing him his annoying apologetic smile.
"Fuck you, Gonzales! Hintayin niyo akong makauwi. Huwag kang excited!" asik niya sabay naalala ang iba pa niyang mga kaibigan, lalo na si Oliver. "Si Sullivan, ano ng balita sa kanya?"
Sandaling natahimik si Nicolas bago ito napabuntong-hininga. "Not good. Ganoon pa rin. Lagi dapat bantayan kasi baka magpakamatay. At saka, tuluyan na siyang nag-resign sa trabaho kasi alam mo na ang nangyari."
"Hindi ako magtatagal dito sa Albay, uuwi ako agad kinabukasan. I'm worried since last night. I have to see Sullivan immediately," nag-aalalang wika ni Cormac.
"Ikaw bahala. Nga pala, pinapasabi ni Lewis bago siya umalis, good luck daw sayo. Sana bago siya makabalik sa Pinas, mahanap mo na daw ang hinahanap mo!" pang-aasar ni Nicolas sabay natawa nang malakas.
"Fuck you kamo! Siya ang sana 'di na makabalik pa ng buhay," balik-biro niya naman sa kaibigan upang 'di magpatalo.
Pinatay niya na ang tawag at muling tumunganga sa harap ng bahay-ampunan.
The orphanage was exactly the subject of Casa Esperanza painting. Napadpad siya sa lugar na iyon dahil nagbakasali siya na matunton ang nagpinta ng obra-maestra. Subalit mukhang hindi iyon ang kanyang araw nang wala siyang nalakap na impormasyon tungkol sa pintor.
"Difficult but not impossible," muling wika ni Cormac sa sarili upang hindi panghinaan ng loob. Napag-isipan niyang kung hindi niya mahanap ang pintor sa pagkakataong iyo ay susubok siya ulit sa sunod na pagkakataon.
Cormac decided to stop when dusk came. On the way to his car, he was halted by a daring question together with a vanilla scent that wafted in the air which teased his nosestrils. For some reason, it made him feel things.
"I am serious. Now that we are married, how would you like to start our honeymoon? Me on top or me under you?"
Napalingon siya sa mag-asawang papasok sa gate ng bahay-ampunan sabay napataas ang kanyang mga kilay sa pagkamangha. That provocative questioned from a pleasant voice stayed running on his mind for a while.
Definitely on top of me, he answered while gazing at the beautiful woman.
With a smirk, Cormac glanced at the man before he awakened his car and drove. "What a lucky guy."
![](https://img.wattpad.com/cover/364415196-288-k440213.jpg)
BINABASA MO ANG
RISQUÉ 1: Forbidden Temptation
RomanceAfter sleeping with countless women and branding them as objects of pleasure, someone has finally caught Cormac's attention. Except there's one problem, she is married. --- A successful vintner like Cormac Castellano never wished to settle down. Alt...