"Stages? Phases? Process? Thesis ba yan, Elis? Mabuti't tinigilan mo na. Matagal na akong di mapalagay sa taong iyon hinahayaan lang kita. Ewan ko ba. Masyado siyang perpekto. Tipong parang nakakatakot na."
"Tingin mo, Amanda? Ni minsan di niya ako minahal?"
"Ikaw makakasagot niyan. Baka naman may iba na talaga siya kaya di mo siya maramdaman? Baka side chick ka lang, ganon. Oh, di kaya mas nakahanap ng bata kaysa sayo? Ewan? O baka naman high maintenance ka na? Di ka na kaya tustusan? Ay... Oo nga pala. Mayaman nga pala si Persephone. Akin na nga yung bigay niyang gitara sayo, tapon ko na."
"Amanda... Ang sakit ha?"
"Sorry na. Tumahan ka na kasi. Pero... Sa totoo lang Elis... Kung realtalk lang ha? Yung mga komento ko patungkol sakanya ay mababaw lang. Nagbase lang ako kung pano mo siya ikwento sa akin. Hindi ko talaga siya kilala. Kung may makakakilala man sakanya nang buong-buo, ikaw iyon. Masasagot mo ang mga katanungan mo patungkol sakanya sa tulong mo. Misunderstanding? I don't know. Pwede ring... Pag-usapan niyo ulit? Ano sa tingin mo?"
"Para saan pa? Malinaw na sa akin ang lahat."
"Kung malinaw na sayo ang lahat, bakit may mga katanungan ka pa?"
****
"Kristina?"
Hindi man lang siya tumingin sa gawi ko nung sambitin ko ang ngalan niya. Diretso lang ang titig niya sa taong sobrang lapit na sa mukha ko. Walang iba kundi si Persephone---nakatingin narin siya sa kaibigan ko.
Dire-diretso na lumapit si Kristina sa direksyon namin at laking gulat ko nung sinakop ng kamay niya ang buong mukha ni Persephone sabay tulak nito palayo sa akin.
"Sinabi na nga ni Eli na lumayo ka. Anong problema mo't lapit ka nang lapit?"
"Kristina..." bulong na awat ko at napalunok nang mariin. Kinakabahan na ako sa mga oras na 'to. Tuluyan na nga akong tumayo. Para kasing mananapak na si Kristina anumang oras.
Napatingin tuloy ako kay Persephone nung tumawa siya nang marahan imbis na magalit sa ginawa sakanya. Namumula na ang buong mukha niya. Mabilis lang siguro siya mamula dahil likas na siyang maputi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko rito.
Umayos lang siya nang upo at tipid na ngumiti sa akin.
Buong akala ko talaga'y di siya iimik. Laking gulat ko nung bigla siyang tumayo at dire-diretsong nilapitan si Kristina. Muntikan pa ngang matisod ang kaibigan ko dahil napaatras siya nang maraming beses sa ginawa nung isa.
Tinitigan niya si Kristina mata sa mata.
"So... My instinct is correct. I don't get it why the cockroach keeps on approaching the pink flower? Pink flower is supposed to be partnered by a butterfly," ani niya at nagsmirk.
Ha?
Sinusubukan ba niyang mag-joke kay Kristina sa kalagitnaan kung saan parang mananabunot na ng buhok?
At ano bang klaseng joke yun? Natural bulaklak pwede i-partner sa butterfly.
"Ah! Pwede rin siyang i-partner sa bees? Tama ako, di ba?" inosente kong tanong.
Buhat sa entry ko ay natawa nang tuluyan si Persephone. Bahagya na siyang lumayo kay Kristina at hinarap ako.
"But the bee has a queen. You're so adorable, Elis," komento niya at tinapik nang marahan ang ulo ko.
"Hindi ako aso," rebat ko rito na kinangiti niya lang.
"Oh? Kristina? Napadalaw ka? Magkakaibigan pala kayong tatlo?"

BINABASA MO ANG
Walker Series 4: Persephone
Mystery / ThrillerThe kind of love you grew up with is the kind of love you are subconsciously attracted to. It can be happiness, sadness, or, unfortunately, pain.