Chapter 6
LET ME BE THE ONE... TBYH!!!
by supladongtorpe09
at saka ano ba ang sinasabi niya,
ano ang kahulugan nun?
Pinagmumukha ba niya akong tanga,
o maniniwala sa sinabi niyang tamang panahon?
Wag kang magmamahal ng iba, please wag na wag!
Basta magtiwala ka lang sa'kin, wag kang hindi tutupad!
Makinig ka lang sa'kin, hindi ko na ipaliliwanag,
Basta... sa tamang panahon, ikaw sana'y pumayag!!!
Hindi mo alam ang nararamdaman ko!
Hindi mo maiintindihan ang mga ikinikilos ko!
at kahit kailan, hindi na kita mapapatawad,
pagkat ikaw sa akin ay naging isang huwad!
Ang sakit sakit! Alam mo ba iyon?
ni hindi ko na alan kung sa'n paroroon!
At ano ba ang sinasabi mong tamang panahon?
Sabihin mo sa akin, nais kong malaman yun!
Basta, sa tamang panahon, magtiwala ka lang!
at saka, wag kang magmamahal ng iba, ipangako mo iyan!
wag mong pakinggan ang iyong utak, ang puso mo na lang!
at sa pamamagitan nito ay iyong maiintindihan!
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART
PoetryLOVE IS like heaven.. but it can hurt like HELL..