CHAPTER 15
LET ME BE THE ONE..TBYH!!!
supladongtorpe09
Diyos ko po! Mahabag po kayo!
Ay!! Yung kotse, bumunggo sa puno!
Mga tinig na iyon ay unti-unting naglalaho...
Pandinig ko ngayo'y tila palabo nang palabo!
Ang nais ko lang ay makita ko sya,
Masulyapan siya, kahit ang oras ay ubos na!
Per obakit ganito ang kinahinatnan ko?
Tila sabay naming lalakbayin ang langit na pangako!
Mga sumunod na pangyayari'y wala na akong alam.
Katawan ko ngayo'y tila lumulutang.
Para akong bulak na kay gaan-gaan,
at halos hindi ko na maramdaman ang aking katawan!
Wala na ang sakit, wala na ang lahat!
Hindi ko na nararamdaman ang lungkot at hirap!
Malaya na ako sa dusa't paghahangad,
na kami'y muling magkita't magkausap nang magkayakap!
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART
PoetryLOVE IS like heaven.. but it can hurt like HELL..