CHAPTER 12
LET ME BE THE ONE...TBYH!!!
by supladongtorpe09
Nagulat na lang ako nang sa aki'y lumapit,
ang kababata kong kaibigan ko ring matalik,
s'ya'y mapanglaw, mata'y tila humihibik,
at mundo ko'y tila huminto sa kanyang nasambit!
Bigla akong nanlata, nalungkot at naluha.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi alam kung paano na!
Nakatakda akong ikasal sa babaeng minahal ako,
at ngayo'y ililibing, ang babaeng mahal ko!
Saan ako pupunta, ano ang gagawin ko?
Lumuluha na ako, litung-lito na ako!
Ako ngayo'y nakatulala, umiiyak na ang puso ko,
at hinihintay na ang lahat ang aking "I DO!".
Bakit ba kailangang mangyari ang lahat ng ito?
Bakit kailangan kong magdusa ng ganito?
Ang babae mahal ako'y umaasa sa sagot ko,
ngunit ang babaeng mahal ko'y mawawala na sa mundo!
Pag sinabi kong Oo, alam kong panghabang buhay na.
Nakatali na ako sa kanya at di na makaaalis pa!
Ngunit pag nangyari iyon ay hindi ako magiging masaya,
kung kaya't mabuti pang ang palabas na ito'y tapusin ko na!
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART
PoetryLOVE IS like heaven.. but it can hurt like HELL..