CHAPTER 14
LET ME BE THE ONE ... TBYH!!!
by supladongtorpe09
Sa sobrang bilis ng takbo ng kotse ko'y para nang lumilipad!
Parang isda sa dagat na kay bilis sumibad,
Pero ang puso ko'y humihingi ng tawad.
sa babaeng iniwan ko't nakadaupang palad.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko,
Hangad kong kahit sa huling sandali'y makita ko ang mahal ko.
Kahit wala na s'ya'y siya pa rin ang mahal ko!,
at maging sa kamataya'y siya lang ang iibigin ko!!!
Inaasam ko ngayo'y akin nang makita,
ang babaeng mahal ko bago sa mundo'y lumisan s'ya!
akin nang sasabihing mahal na mahal ko siya,
at ipadarama ko iyon kahit sa huling sulyap sa kanya!
Mga mata ko'y patuloy lang sa pagluha,
ni hindi na maaninag ang daang tila ilog na tigang na!
puso'y biglang bumilis, pagtibok ay parang sasabog na,
at ang buong paligid ko'y parang naglalaho na!
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART
PoesíaLOVE IS like heaven.. but it can hurt like HELL..