CHAPTER 3

324 14 6
                                    

CHAPTER 3

LET ME BE THE ONE... TBYH!!!

by supladongtorpe09

Sa wakas Tsong, kami na ni Kathrine!

Maraming salamat sa ipinayo mo sa akin.

Habang buahy kong itatanim sa isip,

ang kabutihan mo sa akin!

HIndi mo alam tsong, kung gaano ako kasaya!

Nasa ulap na nga ako, nasa ikapitong langit na!

sana'y hindi na magwakas, itong nadarama!

at sana ang oras ay hindi na tumakbo pa!

Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata,

ako'y nakangiti pero hindi ako masaya!

ang totoo'y nais ko nang lumayo sa kanila,

tumakbo sa kung saan, sa lugar na walang sila!

Nagulat na lang ako nang bigla sialng  maghalikan,

bigla na namang bumulusok ang aking nararamdaman.

Hindi ba nila alam na ako'y nasa kanilang harapan?

Hindi ba nila alam na ako'y nasasaktan?

Kung sa bagay, wala naman talaga sialng alam.

ako lang ang nakatatalos sa tunay kong nararamdaman.

ako lang  ang dumadamay sa puso kong sugatan,

at para na nila akong sinasaksak nang paminsan-minsan!

LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon