CHAPTER 8

141 9 0
                                    

CHAPTER 8

LET ME BE THE ONE... TBYH!!!

by supladongtorpe09

Sumisigaw na siya, at sa kanyang mga mata,

Mapapansin mong sasaktan din siya.

Gusto kong magsalita, ngunit bibig ko'y di maibuka,

Gusto kong lumaban pero wala na akong lakas pa!

Mahal na mahal ko sya! Mahal na mahal!

Siya ang babaeng minamahal ko nang kaytagal!

Noon pa man, nang tayo'y mga bata pa,

Sya naang minahal ko, s'ya lang... wala nang iba!!

Alam kong galit ka sa'kin ngayon, naiintindihan kita!

Pero sana naman, maintindihan mo rin ako!

Tao lang ako, nagmamahal at nasasakta't nadadapa!

kaya hindi mo ako masisisi, hindi mo ako pwedeng tanungin kung bakit ako ganito!

Nang sinabi mo sa akin na mahal mo sya,

Yun din ang araw na sana'y sasabihin ko sin sa'yo!

Pero... Shit!!! ang tanga-tanga ko talaga!

sa katorpehan ko, ako'y naunahan mo!

Ngayon tsong, maiintindihan mo na!

Sana ang galit mo, ngayo'y maglaho na!

Lalaki ka rin, alam kong alam mo rin,

ang pakiramdam ng masaktan, at hindi piliin!

LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon