CHAPTER 10
LET ME BE THE ONE... TBYH!!!
by supladongtorpe09
Limang taon na ang lumipas, mula nang mangyari iyon,
matagal na panahon na buhat nang hindi ko na sila matunton.
Tinotoo ko ang sinabi ko na ako ay lalayo,
iiwasan sila para ang puso'y hindi na muling dumugo!
Ngayon ako'y haharap na sa banal na altar,
sa aki'y haharap na ang babaeng sa'ki'y labis na nagmamahal
Pero bakit hindi ko pa rin magawang maging masaya?
Bakit ganito, ikakasal na nga ako, ngunit bakit siya pa rin ang hinahanap na aking mga mata?
Simula sa araw na ito'y magbabago na ang lahat.
Mga alaala ng kahapo'y kalimutan ko na dapat!
Ngunit bakit ang puso ko'y patuloy na naghahanap?
Magpakita lamang siya, babaliwalain ko ang kasal ko, kahit hindi dapat!
Ayan na siya, nakikita ko na!
Ang minamahal ako, pero hindi ko minamahal.
Sapagkat sa puso ko'y wala nang iba pa!
kundi ang bestfirend kong minahal ko nang kaytagal!
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART
PoesíaLOVE IS like heaven.. but it can hurt like HELL..