CHAPTER 7
LET ME BE THE ONE... TBYH!!!
Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?!
Bakit pa ako magtitiwala sa iyo?
Sinaktan mo ako... dinurog mo ang aking puso!!!
Ngayon tanong ko, bakit hindi pa ako??!!
HIndi ko na mapigilan ang aking pagluha.
Ang aking emosyon, ako''y naanod na!
Siya ma'y lumuluha na, siya ma'y nasasaktan na!
Nararamdaman namin ngayo'y bakit iisa?
Hindi kaya, mahal niya rin ako?
Hindi kaya, nagpapanggap lang sila sa harap ko?
Pero bakit kailangan pang gawin nila iyon?
Kung pare-pareho lang kaming masasaktan kahit saang direksiyon!
Kaybilis ng oras pag kasama ko siya!
Ngayon si Efren ay nasa harapan ko na!
Galit ang mga mata, alam kong namumuhi siya!
Bahala na ang Diyos kung ano'ng gawin niya!
Walang anu-ano, ako'y sinuntok niya!
at sa palad niya'y naramdaman ko ang labis na poot niya.
Hindi ko siya masisisi, hindi niya ako masisisi.
Sapagkat alam ko., ngayon ay hindi na kami tulad ng dati!
Tsong, ano ba ang ginagawa mo?
Bakit mo pinapaiyak ang gf ko!
Magsalita ka, sa aki'y sabihin mo!
Bakit mo ginawa ito? Bakit ginawa mo?
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART
ПоезіяLOVE IS like heaven.. but it can hurt like HELL..