Chapter 9: Sorry na, Pwede ba?

5 0 0
                                    

CHAPTER 9.

"Maaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrsss!! Maaaaaarrrrrsssss!!!" Sigaw ni Mika habang papalapit sa kinauupuan ko.

"Maaaaaarrrsss! Gising! Huuuuyyy!" Niyuyugyog nya ko habang nakayuko ako sa desk ko... Natutulog ako...

"AAANNNNNOOOOOOOOOO?!!"

"Ay, wag kang galit, mars! May ibabalita ako sayo!"

"Ano?"

"Excited ka na ba?!"

"Ano nga?! Bilis. Matutulog pa ko."

"Okayy. Ready na?"

"Oo nga, Mika! Sasabunutan na kita! Ano ba yun?!"

"Na--"

"NAKAPASA KA SA THEATER, MARS!" Inunahan ni Tarah sasabihin si Mika.

"Hooyyyyy!" Hinampas ni Mika si Tarah. "Kala ko ako na magsasabi?!"

"E napakadami mong arte e!"

"He! Pandak!"

"Hindi ako pandak! Mas matangkad ka lang sa kin ng 0.25 inch e!"

"Alam ko. At wag na wag mong kakalimutan yon. I. Am. Taller. Than. You. Bleeeehhhh!"

"Hooo--"

"WAAAAIIIIIIITTTTTTT!!" Sigaw ko. "ANONG NAKAPASA?! E AYOKO DUN! AYAW KONG MAG-ARTISTA! MASYADONG MAGULO SA SHOWBIZ! DI KO KAKAYANIN MARS! NOOOO!"

"OA tehh!" They said in unison.

"Theater guild lang yun mars. Hindi ka pa kinukuha ni mother lily para gawing talent." Mika.

"Oo nga. Ang feeler mo mars. Hahahahaha!" Tarah.

-___- ang mukhang ito lang ang sagot ko sa kanila.

"Good morning, girls." Kakadating lang ni Carl. Sus. Nagpapacute kaagad.

"Good morning, Carl!" Mika and Tarah. Mga kilig na kilig. Huu. Napatingin lang ako.

"Hmmm... Sabi ko 'good morning girls' tas hindi ka sumagot... Hmm..." Humawak pa siya sa baba nya na parang nag-iisip.

"O, so?" Me.

"Good morning, tropa!" He said enthusiastically while offering his fist for a fist bump.

I laughed a little.

"Good morning, tropa!" Naki-fist bump naman ako.

We all laughed.

<recess>

Nakasabay kong lumabas si LK sa pinto.

"O, kumusta ka na?" Tanong ni lk sa kin.

"Ha? Ah ehh... Okay naman, syempre."

"May chip ka ba?"

"Wala eh. Pipila pa nga ako e."

"O eto." Sabay abot nya sakin ng p50 na chip. "Saglit lang ang recess."

"Ha?! Naku! Wag na!" Pilit kong binabalik sa kanya yung chip pero ayaw niyang kuhanin.

Tumakbo sya paalis.

"Huyy, LK!!!"

Lumingon sya at nginitian ako. Tapos bumalik na yung tingin nya sa daan.

Ang ganda ng ngiti nya..........

"Ano, tara na?" May umakbay sakin. Si Carl pala.

"Tara? Saan?"

"Recess ngayon diba? Edi kakain!"

"Huh? E sila Tarah?"

"E may meeting sila sa club nila. Sabayan daw kitang kumain."

"Ganun ba? Sige. Di nalang ako kakain."

"Ha? Bakit?! Ayaw mo ba kong kasabay?"

"E di ba nga tumataba nako?!"

"Hahaha joke lang yun. Tara na, sa ayaw mo at sa gusto." Hinila nya ko papuntang canteen.

Pero hindi naman totoo na ayaw kong kumain e. Joke lang talaga yun. Keber ko naman ba sa pagtaba e ang sarap lumamon? Hahaha.

"🎶Di ko nais na magkalayo tayo

Nagseselos ka at nilayuan mo ako

Buhay nga naman, tunay bang ganyan

Bumalik ka naman...🎶"

May naririnig kami na kumakanta sa canteen.

"Ano yun?!" Sabi ni Carl.

"Malay ko. Magkasama tayo diba?"

"Sungit. Tara, tignan natin."

May magagawa pa ba ko e hila-hila nya yung kamay ko?! Haaayyy.

Pagdating namin ng canteen, may hawak na gitara si clodet habang kumakanta ang seafoods sa pangunguna na rin ni Clodet. Sya kasi yung nangbully sa kin. Pero hindi ako loser.

In fairr, may ganda naman pala si Clodet. At may ganda rin ang boses nya. Pero ako, maganda talaga. Nyahaha.

"🎶Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okey lang basta't magkabati tayo

Minamahal kita, hihintayin kita

Sorry na, pwede ba?🎶"

Siguro nagsosorry sila kay LK kasi nagalit si LK nung pinaparinggan nila ko. Nasigawan sila ni LK nun at nakita ko pang umiyak si Clodet nun.

Kaso mukhang wala namang paki sakanila si Lk. King of deadmatology kaya yun!

Ang daming nakikiusyoso. Kasama na kami. Nakapalibot sa table nila LK habang kumakain. Pero kahit kanta ng kanta sila Clodet, kain parin nang kain si Lk. Takaw.

"🎶Buhay ko'y nasa 'yo

Matitiis mo ba ako, oh baby

Huwag sanang magtampo

Sorry, pwede ba?🎶"

"Lk... Papa Lk... Sorry na. Bati na tayo, please?" Sabi ni Clodet, habang may inaabot syang letter kay lk.

"Okay. Umalis na kayo. Kakain pa kami. Bilis." Lk replied coldly.

"Thank you looooove! I love you talaga, LK!" Tuwang-tuwa na dun si Clodet pati yung mga kasama nya kahit yun lang ang sinabi ni LK. Wow.

Umalis na yung mga nakikiusyoso. At umupo na kami ni Carl. Dun pala kami kakain, kasama ang alpha things.

"Pero sa kanya kayo dapat magsorry." Sabay turo sa kin ni lk.

"H-ha?" Oo nga naman. Sa kin dapat yung kantang yun ah!

Lumapit sa kin ang seafoods.

"Sorry na. Hindi na mauulit." Sabi sa kin ni Clodet.

"Ah... O-okay."

Umalis na ang seafoods.

Hay salamat... Makakakain na!

"Ako na lang ang bibili ng pagkain natin."

"Ha? E eto ang chip oh. Gusto ko ng lugaw." Me.

"Lugaw?! Ang init ah!" Sabi ni Chito habang kumakain ng halu-halo.

"Weird mo. Kaya ka nananaba e!"

"E bat ba kayo nangingielam?! Eto na chip! Bumili ka na!"

Tumawa ang alpha things. Maski si LK. Nakita ko, tumawa.

"Wag na. Libre ko na."

"Okay. Madali akong kausap."

Umalis na rin, sa wakas ang unggoy na carl.

<to be continued sa next chapter...>

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon