Chapter 7: Fat-free Cupcakes

1 0 0
                                    

CHAPTER 7.

So... May kasalanan ako kay Carl. Hindi manlang ako nag-thank you sa kanya nung sinara nya yung zipper ko dahil masyado akong preoccupied sa pagkainis ko...

Unang-una, dahil wala naman talaga kong balak mag-audition sa theatre na yan e. Ayoko nga kasi ng exposures di ba?

Ikalawa, hindi na ko nakapag-audition sa racketship. Yun pa naman talaga yung gusto ko. I'm really into badminton. Sayang yung opportunity.

And lastly, naiinis ako... Sa sarili ko. Masyado kong minamasama yung ginawa ni Carl. I was blinded by my pride. Nagalit ako sa kanya pero tumutulong lang naman pala sya sakin. I owe him an apology. I don't like apologies. Sighh.

After kong pumunta dun sa court at mabigo sa crushed badminton dreams ko, naisip ko nanaman si Carl. I mean, naisip dahil sa kasalanan ko sa kanya.

Pa'no nga kaya? Pa'no 'ko lalapit sa kanya tas sasabihin kong "thank you" at "sorry"?! Ughh. Pupuntahan ko nalang ba...

"Maria! Huy! Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag e! Ano ba yang iniisip mo at parang napakalalim naman ata? May problema ba?" Sabi ni Mika.

I'm obviously over thinking. Haayy.

"Balita ko ang galing mo daw kanina sa theatre ah? Kala ko mahiyain ka! Haha!" Mika.

"Shhhhhhhhheeeeeeeet of paper! San mo naman napulot yung balita na yan?!" Me.

"E dun kay Tarah. Tinapos nya yung performance mo bago bumalik sa pag bake ng cupcakes dun sa la mewn e." Mika.

"Hay nako, si Tarah tala... Cupcakes? CUPCAKE! Tama! Nagbbake pa ba kayo?" Me.

"Huh? Anong meron?" Mika.

"Basta! Kwento ko sayo bukas!" Me.

"Okay. Pero hindi na kami nagbbake. Nagliligpit na dun. Eto nga. Kaya kita hinahanap. Pinagtabi kita ng dalawang piraso." Mika.

Awhh. Ang bait ni Mika!

"Really?! OMG. Akin na. THANK YOU! LOVE YOU! KITA TAYO MAYA, MAY PUPUNTAHAN LANG AKO. BYE!" Me. Sabay kuha nung cupcakes at takbo.

I figured out what to do with my Carl problem. Nyahahaha.

Looking for Carl. San ka naaa?

There!

He's playing basketball alone. Kahit basa yung court. Hayy.

"CAAAARRRRL!" Using my full-force na boses.

Tinignan nya lang ako tas parang wala lang na.

Mukhang galit nga. Damn.

"CAAAAARRRLL! HUUUY! TARA DITO!" Me, still shouting.

"Bakit ba? Tatarayan mo nanaman ako?!" Carl. Galit yung tono.

Daaammn.

Nilapitan ko na sya.

"Uyy. Kasi. Sorry na. Di ko naman kasi alam." Me. Nakakaguilty talaga.

"E wala ka naman kasing interes na alamin e. Masyado ka kasing busy sa pagtataray." Carl. Ngayon ko lang sya nakitang seryoso. Gosh.

"Uyy, e sorry na nga kasi. O eto." Me. Sabay abot nung isang cupcake. "Yan, sorry kasi lagi kitang tinatarayan. Di na mauulit. Swear."

Kinuha nya.

"Tas eto naman, thank you kasi mabait ka pa rin sakin." Inabot ko yung isa.

Kinuha nya rin.

"Ikaw ba nagbake nito?" Tanong nya. Mukhang medyo humuhupa na yung galit nya.

"Ah, hindi. Si Mika. Hindi ako marunong e. Yaan mo pag natuto ko, gagawa kita." Sumisipsip ako para patawarin nya naman nako. Haha.

"Weh?" Carl.

"Oo nga. Ikaw pala." Me.

"Okay. Sabi mo yan ah! Iyo ba dapat tong mga cupcakes na to?" Carl.

"Oo." Me.

"Pero di mo kinain kasi bibigay mo sakin?" Carl.

"Uhmm... Oo." Me.

"Hay. Mabuti naman. Kasi tumataba ka na e! Hahahaha!" Carl, tas tumawa nang malakas. He's back. Ang maharot na binatilyo. Hayy. But...

Mataba raw ako.

Noooo!

"HOOOOOOYYYYY! Imbentor ka! Di ako tumataba!" Hinahabol ko sya ng palo. Ang bilis nyang tumakbo, grabe.

Pero masaya kong bumalik na ulit sya sa dati. At friends na kami. Mabait naman talaga sya eh, ewan ko ba.

So habang hinahabol ko yung kabayong bakulaw na yun, di ko alam na may mga nag-aaudition pa rin pala sa phojourn. Nakita ko nalang yung isang guy, mukhang kami pa yun subject.

Pero keber lang. Wala kaming ginagawang masama ng bago kong kaibigan.

:))

Pero di ako tumataba. Promise. PROMIIIIIISE!

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon