Chapter 14: Everything About You

6 0 0
                                    

CHAPTER 14.

WTFIM. What the f it's monday. -.-

Flag ceremony. Huhuhu.

Papasok pa lang ako sa school, tinatamad na ko, sobra.

"Aaaaahhhhhhh! Excited na kong mag-flag ceremonyyy!!!" Narinig ko, sabi ni girl 1.

"Oo nga!! Alpha things ang sponsooooor!!" Sabi ni girl 2.

"Tara! Pumila na tayooooo!" Girl 3.

Huh? Pipila na? 6:30 palang huh? 7:00 pa magbbell. Haha. Ibang klase talaga ang mga fans ng alpha things.

"Huy mars! Bilis! Pipila na tayo!" Mika.

"Ipasok mo na yung gamit mo sa room tas sumunod ka na sa min! Pipila na kami!" Tarah.

"Sus. Aga-aga pa eh. Matutulog pa ko sa room. Mauna na kayo. Sige. Bbbbbyyyye!"

Tinakbuhan ko sila dahil alam kong pipilitin nila ko. Pagkalingon ko sa court, ang dami nang babaeng nakaabang doon. Yung iba, nakapila na talaga. Wow! Ang hardcore!

Nakapunta na ko sa room at pagpasok ko, wala akong nakikitang babae bukod kay Linda. Busy sya sa pagbabasa ng libro. Actually, medyo nerd sya, and medyo baduy. Parang betty la fea, ganun.

Puro na mga lalaki ang nasa room, mga naghaharutan.

"Patabi muna ha. Matutulog lang ako. Wala na kasing ibang babae dito eh. :)" sabi ko kay linda.

"A-a-ahh... E-e-ehh... S-sure ka?"

Parang naiilang at natatakot sya. Medyo loner kasi sya. Wala akong nakikita na kasama nya lagi.

"Ha? Oo naman. Sige. Pakigising mo nalang ako pag nagbell na!"

Pagkatapos nun, natulog na ko.

[CARL'S POV]

Nag-umpisa na ang ceremony pero nakalimutan kong kunin yung pick ko. Kaya bumalik ako sa room.

Bago pa man ako nakapasok, nakita ko si Linda na parang naghahanap ng tulong, nagpapanic.

"Linda? Bakit nandyan ka pa? Nag-uumpisa na ang assembly ah?"

"C-Carl! S-si Maria! Hindi sya magising!"

"Ha?!" Tumakbo kagad ako sa room.

Nagpanic ako kaya naibagsak ko yung pinto.

Nakita ko si Maria... Kakagising lang... -__-

"Mmmmhh... Ang ingay naman..." Nilibot ng mata nya ang buong room. Nakita nya sigurong wala nang tao sa room bukod sa min ni linda. "L-LINDA! SABI KO GISINGIN MO KO! NAGBELL NA BA?!"

"Hay nako, Sweetheart. Tulog-mantika ka talaga. Tara na. Nag-uumpisa na yung assembly."

"Tss. Sweetheart."

Tumakbo kaagad siya palabas at hinila nya si linda. Aba, loko to ah. Ako pa ang iniwan.

Hinabol ko sila.

"Psst! Sweetheart! Papagalitan kayo kapag dyan kayo dumaan! Makikita kayo ng mga teachers! Bahala kayo!"

Huminto sila.

"A-ah... Maria, tama si Carl. Wala tayong ipapalusot. Papagalitan tayo." Linda.

"Wag nalang kaya tayong umattend? Magtago nalang tayo sa cr." Maria.

"Tsskk. Di ako papayag na hindi nyo kami mapanuod. Tara."

Hinila ko silang dalawa.

[MARIA'S POV]

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon