Chapter 4: Ang Tamis ng Unang Harot

33 0 0
                                    

CHAPTER 4.

First day lang nila nakwento sakin lahat yung sa last chapter. Ganun pala kasi dito. Pag first day, kwentuhan lang. Kaya naikwento nila sakin yun nang buong araw. No joke. Buong araw. 

Skip na.

SECOND DAY.

Nabanggit ko sa nakaraang chapter yung about sa palitan ng mga upuan-upuan na yan. So yeah. Ineexpect ko na magkatabi kami ni LK. 

Kinakabahan ako...

Okay. Papasok nako...

Ang aga ko pala... Pero okay na rin. Kesa late...

Kaso, 6:00 pa lang. 7:00 pa yung umpisa. Wala pang tao...

Umupo ako dun sa pwesto ng upuan ko dati. Tas labas ng libro. Basa-basa kunwari.  Tas di ko napansin, nakatulog pala ko. Okay lang. Normal naman yun sa mga panahon ngayon ehh. Itatanggi mo?! Palag ka?! Charot.

So nakatulog nga ako...

"AYY KUKANG NG BATA!!" nagulat ako. May kumakalikot kasi ng feather sa tenga ko. (Take note: KUMAKALIKOT) Leche. "ANO BA?!!" Nakakainis naman kasi. Fuuuuudge! Basta nakakainis.

"Wait. Chill! Mag-uumpisa na ang klase. Kanina pa kita ginigising dyan, tulog-mantika ka naman! Hahaha!" Tumawa pa. Tawa nang tawa. His face looks familiar. Si Carl pala. 

"HOYY, Excuse me! Sensitive kaya akong matulog! Konting ingay lang nagigising nako no! Kapal neto!" Imbento nalang. Maipagtanggol lang ang sarili. Pero alam naman nating lahat na hindi masyadong totoo yon. Pero nakakainis pa rin kasi nakangisi pa rin sya kahit nanggagalaiti na ko.

"HAHAHAHA! Joke yon? Ang ingay-ingay nga ng mga kaklase natin tas di ka nagigising e. Tas halos sigawan na kita dyan, wala pa rin. Hahalikan na nga sana kita ehh!" Carl. Ambisyoso. Feeler. Kala mo naman kung sino. 

Pero hindi naman talaga ako mahirap gisingin ehh... Okay, minsan lang... Okay, fine. Mahirap talaga. Kaya alam kong talo na ko sa argument namin. 

Inirapan ko na lang siya. Isang matalim na irap. Asar ehh.

"Uyy, na-disappoint ka ba dahil hindi kita hinalikan? Medyo conservative kasi ko ehh. Sorry." Carl.

FUUUUUDGE. NATATAWA KO!

Breathe. Pigilin ang tawa...

Ngiting-aso lang ang sagot ko sa kanya. Alam nyo ba yung ngiting-aso? Basta. Yung sarcastic na ngiti. Basta, basta.

"Ineexpect mo ba na si LK yung nandito sa tabi mo?" nagsasalita sya. 

Nakikinig ako pero di ako sumasagot.

"E kilala ko kasi yun eh. Late sya, tiyak. Ayoko namang mag-isa ka lang." BLAH BLAH BLAH...

"And tiyak gusto nyang mag-isa sa desk. So, ako nalang katabi mo." BLAH BLAH BLAH...

"Gusto mo naman ako, diba?" Ano daw?!

Tinaasan ko lang ng kilay. Tarush ehh(beki term for TARAY.)

"Gustong katabi!" Pektusan ko na kaya tong asong to?!

"Bakit ba ang taray mo?" Konyatan ko nalang kaya?!

Bakit naman ako sasagot? Manigas ka dyan. 

Nakatingin sya sakin. Nakangiti. Feeling close. Pa-cute as ever. Feeling mo naman eepekto sakin yan. Bleehh.

Dumating na yung teacher namin...

"Magandang umaga!" Ang ingay nung teacher. Ang lakas at tinis ng boses. Tas yung lakad, makendeng.

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon