Chapter 10: Ang Aking Lugaw. Bow.

11 0 0
                                    

CHAPTER 10.

Ang pwesto ko nga pala, nasa gitna ako ni Carl at Lk. Kaharap namin sina Ely at Chito.

"Alam mo, ikaw ang unang babaeng dinala dito ni Carl." Sabi ni Ely. Teka, kala ko ba tahimik lang to?!

Ha? Ako?! Nakakagulat naman... Playboy yun e. Malamang yung iba hindi na nya dito dinadala. Malamang sa (ika nga sa BTCHO) pulang building nya na yung dinadala. Tama. Yun nga. Haha. Manyak na unggoy.

"O bat ka namumula?! Ayiiiieeeee! Kinikilig ka no?" Chito. Loko to ah!

"Anong namumula?! Luuuul. Di ah!"

Napapatingin lang samin si LK pero hindi nakikisali sa pang-aasar ni Chito at Ely sakin. Buti naman!

"A-ah, LK. Eto na yung Chip mo oh. Di ko naman pala magagamit. Salamat nalang." Inaabot ko kay LK yung chip.

"Ha? Itago mo na yan. Para mamaya. Alam kong gutumin ka. Kaya nga..." Lk.

"Kaya?"

Pinisil-pisil nya ang pisngi kong malaman. "Kaya ka nga..."

"Kaya ano?! Sige ituloy mo?! Sige!"

Abaaaaa! Loko tong lalaking to ah?! Kala ko di nya ko iinisin?!!!

"Kayaaa lalo kaaaang....." Sabay-sabay silang tatlo. Oh noeees. Ndi na to kaya ng powers ko!

Tawanan sila nang tawanan. Hay nako!

"Hay nako! Ewan ko nga sa inyo! Bahala kayo dyan!" Tumayo na ko para umalis.

"Huuuuy! Joke lang. Eto naman! Di na mabiro!" Sabay hila sakin ni LK. Napaupo ulit ako.

"E hindi nga kasi ako mataba. At hindi rin ako tumataba. Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo yun?!" Paliwanag ko sa kanila. Nagbubungisngisan lang sila.

"Hay nako! Bahala na talaga kayo dyan!" Tumayo na ko para umalis na talaga.

"O, san ka pupunta? Eto na'y lugaw mo." Parating na pala si Carl. Dala yung mga pagkain namin.

"E inaasar ako ng mga mokong na yan e!"

"Joke lang yun! Huy! Dali na, upo ka na." Ely.

Umupo na ko. Eto na yung lugaw ko e. libreng lugaw. Favorite ko talaga yung lugaw dito e. Feeling ko nga ako lang nakakaubos nung tinda nilang lugaw. Pero oa lang ako.

"Yuuuuuuuck!" Sigaw ni Carl at Chito.

Pagtingin ko, parang diring-diri yung mga mukha nila sa paglalagay ko ng suka sa lugaw ko.

"Ano naman ang yuck dito?"

"Yang suka! Di naman nilalagay sa lugaw yan e! Para kang mama ko! Pareho kayong yuck!" Lk.

"Haha. Anong hindi. Tamong nilalagay ko e. tsaka tignan mo, pati mama mo! Ano ba kayo! Sarap kaya ng ganto!"

"Yuck. Kadiri. Ubusin mo na nga yan kadiring yan! Baka ma-late pa tayo." Lk.

"Aarte nyo. Para kayong bakla. Ndi na ko sasabay ulit sa inyong kumain. Puro panlalait at pang-aapi lang napapala ko sa inyo. Haaayyy."

"JOKE LANG!" They said in unison.

"Sige na, kahit kadiri yung mga kinakain mo, lagi ka nang sumabay sa min!" Chito.

"Oo nga. Masaya ka palang kasabay." Ely.

Nyahahahahaha. Ang ggwapo nila.

"Huu. Masaya kasi may inaapi kayo!"

"Masaya kasi ang ganda mo." Carl.

Huh?! Di ako nakapagsalita. Nagulat ako e.

"Wow, brad. Ang keso. Mas kadiri ka pa sa kinakain ni maria!" Chito.

"Kahit makeso, namumula pa rin si Maria oh. Ayiiieeee!" Ely.

"AAAYYYYYYYIIIIEEEEE!!!" Ely and Chito.

"H-hoy! A-anong namumula?! Mainit lang kasi no."

"Tama na yan. Bumalik na tayo sa room." Pagtataray ni LK.

"Yes, 'tay." Sabay-sabay kaming lahat. Para kasing tatay. Haha.

"Tsss. Bilis!"

<end of recess>

"Uy, ha. Skype tayo mamaya. Kwento mo yung nangyari kaninang recess!" Mika. Excited na excited nyang sinabi.

"Hayy nako. Big deal na big deal na ba yun? Tskk."

"Oo naman no! Ikaw pa lang kaya ang unang babaeng nakasama ng alpha things sa pagkain!" Sagot ni Tarah.

"E kasi kayo, nagmeeting pa kayo e. Iniwan nyo kong mag-isa. Huhuhu."

"Arte! Kung ako nasa kalagayan mo, sige! Iwanan nyo kong mag-isa! Basta ba't makakasabay ko ang alpha things e!" Sabi ni mika.

"Oo na. Whatever."

Masaya nga ako today... Kasi today is friday! Wuhoo! Pahinga na. Grabe ang schoolworks. Hayy. Movie night! Yeaaahhh!

Pagdating ko sa bahay, kumain kaagad ako at tsaka nanupd ng movies na dinownload ko.

Leap Year...

Mirror Mirror...

Pitch Perfect...

Hayy... Nakatatlomg movies nako. Oks na to for tonight!

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon