Chapter 11: Jealousy

4 0 0
                                    

CHAPTER 11.

[LK'S POV]

Recesa na rin sa wakas! Oh. Yun si Maria!

Sasabayan ko sya palabas.

"O, kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Ah ehh... Okay naman, syempre."

Hayyy. Mukhang hindi pa rin sya komportable sa kin. Tsk.

"May chip ka ba?"

"Wala eh. Pipila pa nga ako e."

"O eto." Binigay ko sa kanya yung p50 chip ko. "Saglit lang ang recess."

"Ha?! Naku! Wag na!" Pinipilit nyang ibalik sa kin yung chip. Hayy.

Tumakbo na lang ako paalis.

"Huyy, LK!!!"

Sigaw pa nya.

Lumingon na lang ako at nginitian ko sya. Tapos bumalik na yung tingin ko sa daan.

Pagkapasok ko ng canteen. Nakatayo yung mga seafoods na nang-away kay Maria. May dala pang gitara yung isa. Lumapit sila sa kin.

"T-t-teka, ano to?!" Hindi ko alam ang gagawin ko.

"LK, may inihanda kaming kanta para sa'yo dahil nagkagalit tayo nung isang araw." Clodet.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy ako sa pagbili.

"🎶Di ko nais na magkalayo tayo

Nagseselos ka at nilayuan mo ako

Buhay nga naman, tunay bang ganyan

Bumalik ka naman...🎶"

Anak ng tokwa, sinusundan nila ko kahit saan ako magpunta! At dahil eksena tong ginagawa nila, ang daming nakiki-usyoso! Lahat nakatingin sa min!

"🎶Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okey lang basta't magkabati tayo

Minamahal kita, hihintayin kita

Sorry na, pwede ba?🎶"

Umupo na ko sa table naming alpha things. Nakaupo na dun si Chito at Ely. Striking me with their widest smile. Nang-aaaar na ngiti. Hayy nako.

"Brad, girlfriend mo ba yung kumakanta?" Chito.

"Loko, hindi."

"🎶Buhay ko'y nasa 'yo

Matitiis mo ba ako, oh baby...🎶"

Paano ba naman na di mapagkakamalang girlfriend ko si Clodet, e yung kanta, feeling nya kami. Hindi nuh.

"🎶Huwag sanang magtampo

Sorry, pwede ba?🎶"

Isa lang ang gusto ko...

"Lk... Papa Lk... Sorry na. Bati na tayo, please?" Sabi ni Clodet, habang may inaabot syang letter sa kin.

At kasama pa sya ni Carl ngayon...

Bad trip...

"Okay. Umalis na kayo. Kakain pa kami. Bilis." I replied coldly.

"Thank you looooove! I love you talaga, LK!"

"Pero sa kanya kayo dapat magsorry." Tinuro ko si Maria.

"H-ha?"

Lumapit sa kanya ang seafoods.

"Sorry na. Hindi na mauulit." Sabi sa kanya ni Clodet.

"Ah... O-okay."

Hayy. Umalis na rin sila.

Teka... Tama ba tong nakikita ko?! Kasabay naming kakain si Maria?!!

Wow!

Kumain lang kami gaya ng normal. Pero mas masaya ngayon. Masarap kasing kasama si Maria. Maski sila chito nag-eenjoy. Nag-eenjoy na asarin sya. Hahaha! Nakakatuwa sya pag napipikon at namumula. Ang cute nya!

"Yuuuuuuuck!" Sigaw ni Carl at Chito.

Pagtingin ko, nilalagyan ni Maria ng suka yung lugaw nya. Nakakadiri pero naaalala ko sa kanya ang mama ko. Ganyan din sya kumain ng lugaw. May suka. Kadiri.

"Ano naman ang yuck dito?"

"Yang suka! Di naman nilalagay sa lugaw yan e!" Lk.

"Haha. Anong hindi. Tamong nilalagay ko e. Tsaka tignan mo, pati pala mama mo! Ano ba kayo! Sarap kaya ng ganto!"

"Yuck. Kadiri. Ubusin mo na nga yan kadiring yan! Baka ma-late pa tayo." Me.

"Aarte nyo. Para kayong bakla. Ndi na ko sasabay ulit sa inyong kumain. Puro panlalait at pang-aapi lang napapala ko sa inyo. Haaayyy."

"JOKE LANG!" We said in unison.

Wow. Mukhang buong alpha things, napaibig na rin nya!

"Sige na, kahit kadiri yung mga kinakain mo, lagi ka nang sumabay sa min!" Chito.

"Oo nga. Masaya ka palang kasabay." Ely.

"Huu. Masaya kasi may inaapi kayo!"

"Masaya kasi ang ganda mo." Carl.

What the?! Pinopormahan nga sya ni Carl!

"Wow, brad. Ang keso. Mas kadiri ka pa sa kinakain ni maria!" Chito.

"Kahit makeso, namumula pa rin si Maria oh. Ayiiieeee!" Ely.

Gusto rin kaya siya ni Maria? Haayyy.

"AAAYYYYYYYIIIIEEEEE!!!" Ely and Chito.

"H-hoy! A-anong namumula?! Mainit lang kasi no."

"Tama na yan. Bumalik na tayo sa room." Nakakainis. Bat ba kailangan pang sabihin ni Carl yun?! Tssk.

"Yes, 'tay." Sabay-sabay sila.

"Tss. Bilis!

Umuwi na ko. TGIF! Makakapag-xbox ako buong gabi! Pero sa bagay... Kahit weekend naman, buong habi rin ako naglalaro e.

Nadatnan kong kumakain si Mom at Dad sa dining area ng bahay. Nagbless ako at umupo na para sabayan sila.

"Son, we'll go to Don Rafael's hacienda tomorrow. They invited us over for lunch." Dad.

"Don Rafael?" I asked.

"Don Rafael Asistio. One of the richest in tarlac. Dumating pala yung anak nya na kababata ko. Si Richard, kaya ayun."

Asistio? Hindi kaya kila Maria yun?

"Asistio? Kaanu-ano natin sila?"

"Ah, wala. Nagkataon lang na pareho ang surnames natin sa kanila. Kaya nga kami naging magkaibigan nung si Richard e. Dahil pakiramdam namin, magkapatid kami kahit hindi."

"Oh. Okay, dad." Napabuntong-hininga ako. Buti naman. Kahit kila Maria yun, hindi naman kami relatives or what.

"

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon