Chapter 2: Meet my Kiyemes

43 0 0
                                    

CHAPTER TWO.

Since wala na kong maisip na idugtong pa dun sa chapter one, break na lang kagad. Yun din naman ang gusto ng karamihang studyante diba? Nagbabayad ng tuition para sa Recess. Nako, nako, nako. Anywayysss.

BREAK. Nakasanayan ko sa school ko dati na laging kasama sa break yung mga friends ko. Kaya kinakabahan din talaga ko dito. Nung tumunog yung bell, nagwashroom na kagad ako. Unang tawag ng kalikasan. Ang lamig kasi ehh. Pero wala pa rin talaga kong kasama. OMG.

Pagbalik ko sa upuan ko para kumuha ng pera kasi gusto ko rin naming kumain bukod sa magkwento sa inyo, may nakita kong 50-pesos chip para sa canteen ng school na yon. Tas may note.

“Ms. Asistio, Kailangan ng chip sa canteen dito. Tiyak mahaba ang pila. Baka ma-late ka nanaman. Bayaran mo nalang ako next time.”

OO. Sa upuan ko talaga. So sa akin nga talaga. Talaga? Oo. Talaga.

Tinignan ko yung paligid kung may ibang tao pa. Kaliwa. Kanan. Harap. Li…

“Ayy, kokak ni ineng! Ginulat mo naman ako!” So obviously, nagulat nga ako. Pagharap ko kasi sa Li… bag, LIBAG. Charot. Pagharap ko sa likod, may nakita kong dalawang babae. Magkasama. Babae. So masaya ko, syempre.

“Naku. Sorry kung nagulat ka namin!” Sabi ni Girl 1.

“Maria, right? Ako nga pala si Mika. Si girl 1 naman ay si Tarah.” Sabi ni Girl 2, na nagngangalang Mika.

“Ahh. Okay lang. nice to meet you!” Sabi ko na abot-tenga ang ngiti.

“Naisip ka lang namin isabay. May chip na kasi kami. Kaso ikaw, bago ka lang kaya baka gusto mong samahan ka naming bumili.” Sabi ni Tarah.

OMG. Ang bait nila!

“O, nakabili ka na pala eh.” Sabi ni Mika, nakaturo dun sa chip na nakita ko sa upuan ko.

“Ahh. Oo. Nakita ko lang dito sa upuan ko pagkagaling ko ng CR. Hindi ko nga alam kung kanino to e. Pero may note na kasama. Ito ohh.” That’s me!

“Wow. Ang sweet naman! Kanino naman kaya galing to?” Sabi ni Charoterang Mika.

“Whatever. Tara na. Baka maubusan pa tayo ng upuan.” Tarah said.

So, umalis na kami.

SWEET? Grabe. Hindi ko manlang naisip na galing sa lalaki yon. Ayy, grabee.

Pero anyways, may mga kaibigan na rin ako. Sa wakas. Yeyyyyy!

*CANTEEN

Napagkasunduan namin na si Tarah nalang ang bibili at kukuha na kami ng mauupuan ni Mika. Wala na kaming nakitang upuan. Kaya sabi nila, sa corridor na lang daw kami kumain. Okay lang naman.

“Uyy, salamat nga pala at sinamahan nyo kong kumain. Grabe. Kinakabahan na nga ako kanina ehh. Ayoko kasing kumakain nang mag-isa ehh!” Sabi ko.

“Okay lang yun. Tsaka mahirap na. Baka mapagtrip-an ka pa ng Seafoods. Hahaha.” Sabi ni Mika. Tas tawa silang dalawa, e di ko naman gets.

“seafoods?” me.

“Oo. Yung maaarte dito sa school. taga-kabilang section sila, buti nalang. Basta ang arte nila. Tas ang goal nila, akitin ang grupo ni LK.” Mika.

“Parang ang tindi ng pinaghuhugutan mo ng galit sa kanila ahh. So sino naman si LK?”

“Hindi naman masyado. Hehe. Si LK? Iiiiihhhhhhhh. Enebe?! Kay Tarah mo nalang itanong! Nikikilig akiiiisss!” Mika.

“Ayy. PBB Teens?! Haha. Sila Louis Kent?? Hmm…” Tarah.

“Sabihin nalang natin na kung ang UK, may One Direction at ang Korea, may F4, ang school na to, may ALPHA THINGS!” Nag-intrude si Mika. Kahit sbi nyang kay Tarah ko na daw itanong. Baliw ata to ehh.

“Tama! Yung leader nila na si LK, katabi mo nga sya kanina eh. Kaapelido mo pa! si Louis Kent Esguerra Asistio. Swerte mo, girl!” Tarah.

“Ahh. LK pala ang pangalan nya. Okay.” Me.

“OKAY?! YUN NA ANG REACTION MO?! WALA MANLANG ‘OMG! OO NGA ANG GWAPO NYA! GAGAYUMAHIN KO SYA!’ OR SOMETHING LIKE THAT?! OKAY KA LANG?!” Parang gulat na gulat sya. At disappointed. Pero ang pinakapinagtataka ko, bakit ako manggagayuma? So ang sabi ko,

“Bakit naman ako manggagayuma? Patawa to. Haha.”  Me,

"Ehh, jeller?! Heartthrob nga sya diba??" Mika.

"So? Di naman ako naaattract sa LK na yan ehh." Me. Magmamadre ata ako eh. Ewan!

Nagulat sila. As in, gulat. Gusto ko ngang tumawa ehh. HAHAHAHA! Pero may umepal...

"Excuse me. May ketchup kayo jan?" Sabi nung babaeng may hipon na headband. 

"Agent shrimp, what are you doing?! Sabi ko, awayin mo?! Alis ka nga dyan! Watch and learn."

Sabi nung girl na may tilapiang clip.

"Hoyy! Tama ba yung narinig ko?? Hindi ka naaattract sa LK my loves?!! Pa-check up ka. Baka bulag ka na!" Sya ulit yun. Mukang galit.

"May masama ba? If ever na hindi ko man sya type?" as if naman kasi diba. Ndi lahat pwedeng magshare sa iisang lalaki.

"Hayy nako, girls. Lets go na nga. Baka mahawa pa tayo sa kawalan ng taste nyang babae na yan!" Si tilapia ulit.

Sila siguro yung SEAFOODS. Haha. Nakakatawa. I mean, Nakakatuwa. 

"Grabe yung mga yun! Dahil lang sinabi nila LK na gusto nila ng seafoods, nagdamit nasila ng seafoods. Para silang tanga." Tarah.

Binabawi ko na yung sinabi ko. NAKAKATAWA nga. Hahaha! Why would anybody do that for anyone?? HAHAHA!

Binalik nila Tarah at Mika yung plato sa canteen. Sabi ko maiiwan nalang ako. Tinatamad ako kasi. 

Well, mag-isa kong nakaupo sa corridor. Upo. Salampak kung salampak! Walang arte, feel at home! So wala nga akong kasama, mag-isa kasi ako. Kulit! Okay, dumaan si LK. May mga kasama. Yun na siguro yung grupo nya. Ang Alpha things. 

Infairness, maggwapo nga. Pwede na rin. 

Dumaan sila, tas huminto sa harap ko. Kidnap?? 

"Hi, Maria." nakangiting sabi ni boy 1 habang papalapit ang grupo nila. 

"Do you know us?" Boy 2.

"Or do we have to introduce ourselves again?" Boy 3.

"Hindi ko kayo kilala." Poker face me, as ever. 

Boy 1: "I'm Chito."

Boy 2: "I'm Ely."

Boy 3: "I'm Carl." 

Nakangiti silang lahat sakin. Feeling ko, kung normal na babae ang nasa kalagayan ko ngayon, kikiligin na yung nang bongga. Kasi naman tatlong gwapings, nagpapakilala sayo. Like, OMG. 

Hindi gumalaw si LK dun sa kinatatayuan nya kanina. Nakatingin lang siya samin. Nakangisi. Di manlang nagpakilala nang maayos. Duh.

Pero parang wala lang sakin. Di naman ako masyadong kinilig. It made me feel so uneasy. Like, uncomfortable. 

"Sabay ka na samin papuntang classroom. Baka mag-bell na. Ma-late ka nanaman." Ely. Tas tawa silang lahat. Natawa rin ako, actually. Guilty ehh.

"No, thank you. May hinihintay pako ehh." Me. 

"Sige. Sasamahan ka nalang namin." Chito. 

"NOOO. Mauna na nga kasi kayo, diba?" Napataray ata nang konti.

"Ahh. Sige. Kita na lang tayo sa classroom." Carl.

Tango nalang ako. At smile.

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon