Chapter 8: The Photo Fuzz

7 0 0
                                    

CHAPTER 8.

Kinabukasan, malalaman na kung sino ang mga pumasa sa mga clubs. Nakapost daw sa bulletin board. Pero since hindi na nga ako natuloy ng audition sa badminton, yung sa photojourn nalang ang tinignan ko.

"For those who auditioned in Photojournalism: Please refer to the bulletin board in front of the library."

So pumunta naman ako.

Nakalagay sa bulletin board yung mga winning shots. Dalawang third year ang kukuhanin para i-train ng senior photographers.

Marami-rami rin yung tao sa bulletin board na yun. Pero... Parang pamilyar yung mga pictures... OMG. OMGGGG. SHOTS KO YUN! NAKAPASOK AKO! SAYA-SAYA KO!! :))))

Yung isang junior na nakapasok ay si LK. Nakita ko yung mga shot nya, ang galing rin.

Nakalagay din dun yung mga shots ng mga magiging seniors namin. At... Ako ba yun? Ako yun! Kami ni Carl! Nung nasa court kami kahapon! OMG. Nakakahiya naman... Hay. Wala na kong magagawa...

"Uy, gwapo ko naman dyan!" Nandito na pala si Carl sa tabi ko. Nakita na rin nya yung picture namin.

Gwapo daaawwww... Di naman eh.

"Sweet din natin dyan. Mukhang tayo in two months. :)" Carl. Huh?

"What?" Me.

"Tayo. Us. Tayong dalawa. Sweet. :)" Carl.

KRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGG!

Yun. Bell na. Thank goodness.

Pumunta na kami sa room.

Pagpasok ko, kakaiba ang tingin sa kin ni Mika at Tarah... Pati na rin yung iba kong kaklase... Did i do something wrong? Haayy...

Hindi ako makapagconcentrate sa klase. Gusto ko nang magrecess. Bakit kaya ganun ang tingin nila?

"Okay, good bye class!"

Recess na.

Tumakbo kaagad ako kila Tarah.

"Hoyy, bruhita. Mag-umpisa ka na at marami ka pang ikkwento sa min." Sabi ni mika.

"Huh?" Me.

"Yung cupcake. Theatre. Yung picture! Si CARL!" Mika.

"Aaahhh. Ganito kasi yun... Blahhblahhblahhblahh..." Kwinento ko na nga sa kanila yung nangyari. Mula sa pag-audition ko hanggang sa pagsosorry ko kay Carl.

"What?! Nayakap ka ni Carl?!!" Tarah.

"Sus. Ang haba ng kwento ko, yun lang na-pick up mo?" Me. Hayy. "E hindi naman yakap. Parang tinakpan lang nya... basta!"

"Ang sweet talaga ni Carl!" Mika. Sus.

"Sus. Ako ang sweet. Binigyan ko pa sya ng cupcakes. Hahaha." Me.

"Anyenye. Cupcakes ko yun. OMG. Kinain ni Carl yung cupcakes ko!!!" Mika.

"Hay nako. Ikaw talaga, Mika!" Tarah.

"Nga pala, bakit kakaiba yung tingin myo sa kin kanina pagkapasok ko?" Me.

"E dahil mga dun sa picture nyo ni Carl. Tapos magkasama pa kayong pumasok kanina? Aba. Quota ka na teh!" Tarah.

"Halaaa. Nagkataon lang..."

Nang biglang dumating ang seafoods. Hayyy.

"Hay nako. Nandito na pala ang malanding mag-aagaw." Sabi ni claire.

Wow. Grabe ha.

"Hoy, ikaw. Back off. Akin si Carl. Sa akin lang. Kung ayaw mo ng gulo, keep off the grass. Carl is the grass. Keep off Carl!" Sabi ni Clodet.

Ouch. Grabe talaga.

"Okay." Me. Wala na kong masabi. Grabe sila. Mga bully.

"Maria." May tumawag sakin. Napalingon kaming lahat.

Si LK pala.

"O?" Me.

"Tara." LK.

"Huh? Bakit? Saan?" Me. Bakit kaya...

"E sa photography. Meeting. Dali na!" Grabe. Mas mataray pa sya sa kin! Meron ata.

"Oh. Okay." Me. Sabay takbo sa kanya.

Sumulyap ulit ako sa seafoods. Grabe. Nakakatakot yung tingin nila. Parang... Parang... Basta!

"Partner tayo. English ka, tagalog ako sa captioning. Senior mo si ate julie. Sa training dapat nagbbrainstorming tayo ng mga ideas. Gets?" LK.

Wow. Seryosong-seryoso.

"Uh, okay. Yun lang ba?" Me.

"Ano ba ang meron kayo ni Carl?" LK.

:O

Ano daw?!

"Ano?! Huh?!" Nakapanggugulat ang kanyang katanungan!

"Kayo. Kayo na ba? Sinagot mo na ba sya?" LK.

"Sinagot?! E hindi naman sya nanliligaw e. At friends lang kami. No more, no less." Me.

"Ahhh... Hindi kayo? Talaga? Friends lang?" LK.

"Oo naman! Bakit ba?" Me.

"Ahh... Eh.. Wala. Tara na sa room. Magbbell na." LK.

Sabay kaming bumalik sa room.

Nakita kong ang sama nanaman ng tingin sakin ng seafoods. Nakatambay sila sa labas ng room nila. Siguro dahil kasama ko naman si LK.

"Hayyy nako! Walang tawad talaga ang kalandian! Lahat nalang nilandi ng girl na to! Kati talaga!" Mariz. Nagpaparinig.

"Tama! Kala mo kung sino, e transferee lang naman. Daig pa tayo kung kumati! Tsk!" Claire.

Grabe na talaga sila. Ugh.

"Excuse me..." Me. Di ko na talaga matiis e.

"Maria, wag na." LK. "Hoy, Mariz, Clodet, Claire, Nikka. Wag nga kayong ganyan! Hindi kayo nagiging kagustu-gusto lalo sa mga ginagawa ninyo! Magbago na nga kayo! Di nyo ikagaganda ang pang-aaway sa kanya. Pag nakita ko kayong inaaway si Maria ulit, hinding-hindi na talaga kayo makakalapit sa alpha things! Tara na, Maria."

Hinila nya yung kamay ko.

Woah. Woaaahhh. Totoo ba itiz? Pinagtanggol ako ni LK? Wow.

Lumakad kami palayo ni LK. At nung sumulyap ako pabalik, umiiyak si Clodet. Hala.

Pagbalik ko ng tingin, nakita ko si Carl sa malayo. Nakatingin sa min. Tapos naalala ko, hawak pa ni LK yung kamay ko. Halaaaa.

"Ugh, LK." Huminto ako sa paglakad. Kinuha ko yung kamay ko. Nakita kk sa mukha nyang hindi rin nya napansin na hinawakan nya yung kamay ko. "Salamat ahh. Grabe yung mga yun. Obsessed na obsessed sa inyo."

"Ah. Oo nga e. kung umasta sila, parang girlfriends namin sila. Inaaway lahat ng kaibigan naming babae." LK.

Lumapit samin si Carl.

"Anong nangyare sa inyo?" Carl.

Kwinento ni LK yung nangyari.

"Okay ka lang ba?" Carl.

"Uh, oo naman. Kaya ko naman sila e." Me.

Ngumisi si LK.

"O bakit? Kaya ko naman talaga sila ah!" Me.

"Oo na. Sige na. Ayan na si ma'am. Tara na." LK.

Abuhhh. Nang-iinis talaga yun ahh.

Pumasok na kagad kami sa room. Favorite subject ko... Math! :) De, joke. FILIPINO! Yeah. :))

Maria and her KiyemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon