Chapter One

129 4 0
                                    

Di niyo ba naiisip kung kailan niyo makikita ang lalaking para sa inyo? Kailan niyo siya mameet at paano magsisimula ang love story niyo?

Alam niyo ba yung feeling na basa ka ng basa ng mga love story sa wattpad, yung may mga kilig moments na nangyayari at iniisip mo na mangyari sana iyon sayo...

Yung balang araw dadating din ang para sa iyo at ikaw naman itong hintay ng hintay dahil alam mong darating din siya pa gaya sa mga story na sisipot nalang bigla.. pero maaaring di mo alam kaklase mo na pala, o kaya nakasalubong mo na sa daan, o kaya nasa tabi tabi lang di mo pa napapansin..

Sa tingin niyo ano kaya ang magiging love story ni Aneya?

Aneyas's POV

(Hello 4x tell me what you want right now, Hello 4x im na give ito to you girl right now)

Nagising ako dahil sa alarm ng aking cellphone, Kpop fan kasi ako bias ko si V walang agawan haha JOKE! ( Hello sa mga Bts at kpop fan diyan! ^_^ )

First day of school namin ngayon, 4th year na ako. Excited na akong makita ang mga bestfriend ko.

Nagusap usap kami na maaga pumunta ng school, mga 6:30 kailangan nandoon na para daw maka pag bonding pa kami kahit papaano.

So bago pa ako malate naligo muna ako, kumain, syempre nag toothbrush at nag aayos ng mga gamit , dahil naisip ko na wala naman masyadong gagawin dahil first day kaya wala ako masyadong nilagay, ballpen at isang notebook lang. Nagayos na din ako ng aking sarili.

"Mommy, alis na po ako." - Aneya

" Sige ingat ka, maaga kang umuwi mamaya kasi may bisita tayong darating." Sabi ni mommy habang may ginagawa.

"Ahh.. sge po." Sabi ko [sino kayang darating mamaya?] Isip ko

Lumabas na ako ng bahay at nag abang ng taxi. Nang may nahanap na ako, sumakay na ako at napaisip habang malayo pa ang byahe.

[Magiging masaya kaya ang taon na ito? Makikilala ko na kaya ang prince charming ko? Dati ko pa yan iniisip eh pero wala namang nangyari... tsk bahala na nga si batman -_-]

"Kuya dito nalang po." Sabi ko
Nagbayad na ako at lumabas, naisip ko na maglakad lakad muna ako dahil marami pa namang oras bago mag 6:30.

Habang naglalakad may iniisip si Aneya..

[Siguro dito ko makikita prince charming ko, kasi may nabasa akong story nung isang araw nagka kilala sila nung naglalakad yung girl hindi sinasadya nung boy na matamaan siya habang naglalakad, tapos mahuhulog ang gamit ni girl, tapos tutulungan siya nung boy, habang pinupulot nila yung nahulog na gamit bigla nalang mahahawakan ni boy yung kama-]

ARAYy!... na pa hawak ako sa ulo ko dahil nagtama sa isang matigas na katawan.. LOL joke lang sa poste man ako tumama .. di kasi ako tumitingin sa dinadaanan, ayan tuloy di ko napansin na babangga na pala ako sa poste. Grabe ang sakit..

[Sana dumating yung prince charming ko para tulungan ako....]

Habang hinihimas ko ang aking ulo may napansin akong paa ng tao..

"Miss ok ka lang?"

Tinaas ko ang ulo ko upang makita ang muka nung lalaki, nagulat ako sa aking nakita..... hulaan niyo...
.
.
.
.
.
Nakita ko ang isang lalaking nakaitim, parang na ka drugs, at mukhang manyak... at ito pa ang pogi niya sa kabaliktaran, at nung ngumiti siya kulang nalang ang toothpaste niya ay kiwi.. alam niyo ba yun, yung panglinis sa itim na sapatos..

"Ahh kuya ok na po ako, kaya ko na po" sabi ko ng mabilis dahil sa kaba, ikaw ba naman ang makakita ng ganung lalaki sa walang ka tao taong lugar... kaya ayun mabilis akong lumakad palayo hanggang malagpasan ko na siya.

Nang mapansin kong malapit na ako sa school tiningnan ko ang oras sa aking cellphone 6:30, sakto lang ang aking dating, at sa di kalayuan nakita ko na ang aking mga kaibigan sa gate ng school, doon kasi ang meeting place namin.

"Hoy late ka ng 1mins and 2 seconds." Pabirong sabi ni gela.

"Sorry naman, kasi may nangyari lang kanina nung naglalakad ako." sabi ko.

"Bakit ka naglalakad?" Tanong ni Mae.

"Trip ko :P hahaha"
"Ano yung sinasabi mong nangyari kani--".

Bago pa siya matapos inunahan ko na si Gela

"Nothing important, tara punta tayong canteen bigla akong nagutom eh.." sabi ko para di na magtanong pa si Gela.

Habang papunta kami sa canteen ipapakilala ko muna sa inyo ang aking dalawang kaibigan.

------------
Si Ven Mae Dimas siya ang pinakamatalino sa aming tatlo. Siya ay maputi, tahimik, at maganda katulad ko :3

Si Gela Ann Ofalsa siya ang pinakamadaldal sa amin. Siya ay matangkad, maganda din, at meron na siyang boy friend pangalawa na niya ngayon. Hindi ko alam kung anong totoong nangyari sa nakaraan niyang bf pero masaya ako at na ka move on na siya ngayon.

Kung tatanungin niyo ako kung meron akong bf syempre........... WALA hahaha, parehas kami ni Mae na NBSB. Sa aming tatlo si Gela lang talaga ang nag ka bf. (Mabuhay ang mga single XD)

Ako ang pinakamaliit sa aming tatlo, si Gela ang pinaka matangkad lagi naman ako ang pinakamaliit eh

---------------

( Canteen )

Nakarating na kami sa canteen at umupo sa bakanteng mga upuan.

"Anong bibilhin niyo? ako na magbibili." Sabi ko

"Akin soft drink kay Mae tubig lang daw." Sabi ni Gela.

"Ahh, sge wait lang "

Papunta na akong pilahan, madaming nakapila na tao kaya nahirapan ako makabili.

Pag ka lipas ng 12345 years Isa nalang yung nasa harap ko, ako na ang sunod, hay salamat ^_^ .

Nung ako na ang sunod bigla nalang may sumigit.

Matangkad siya ang bango niya nga eh... ang nakakainis lang may nakapila bigla bigla nalang siyang sisingit upakan ko toh eh.. -_- kinalabit ko siya, di ako pinansin.

Kinalabit ko ulit at salamat lumingon na at na pa titig ako dahil ang gwapo niya, pa bilog ang mata niya ang cute tingnan, maputi, ang tangos ng ilong.. basta ang pogi for short.

Kung nakikita niyo lang ang nakikita ko baka titigan niyo din pero sayang kayo kasi readers lang kayo hahaha XD

"Miss baka matunaw ako sa ginagawa mo." Sabi niya ng naka ngisi. Nung narinig ko yun nagbalik ako sa realidad at nainis.

Ang yabang naman.. akala niya maiisahan niya ako ha tingin lang natin. Sinagot ko siya

"Kaya nga kita tinititigan baka sakaling magkakatotoo na matunaw ka sa kinatatayuan mo. "
mataray kong sabi, akala niya ha :p

Hindi niya ako pinansin at tinuloy nalang ang kanyang pagbibili hahaha asar! Pagkatapos niyang bumili nag parinig ako.

"Kasi naman alam ng may nakapila sisingit ka nalang bigla."

"Ahh sorry miss di kita nakita eh akala ko walang nakapila, alam mo uso mag cherifer." Sabi niya habang naka ngiti, so sinasabi niya na maliit ako?! tsk akala mo kung sinong gwapo.. (pero gwapo naman talaga may itsura)

Sasagot pa sana ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Aneya! Ang tagal mo namang bumili, tara na titingnan pa natin kung ano section natin." sabi sa akin ni Gela.Titingnan ko sana yung lalaki pero wala na siya. Pag nakita ko lang talaga yung Minion na yun patay yun sa akin.. ggrr.

_____________

Tnx sa pagbabasa, kung nagustuhan niyo don't forget to vote and follow :*

THE UNEXPECTED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon