Naglalakad na kami ngayon papunta sa gate ng school, 12:30 pm na ma lunch nalang daw kami kung saan sabi ni Gela libre niya na daw.
So ito ako ngayon masayang naglalakad syempre marinig ko lang ang libre game ako diyan! ^_^
Nasa labas na kami ng Lobelya Academy at nagaabang ng taxi.
"Oy saan niyo gusto kumain?" Tanong ni gela saamin habang may katext sa cellphone, boyfriend niya ata.
"Sa Greenwich!" parehas naming sabi ni Mae.
May nakita na kaming taxi at sumakay.
"Kuya sa Mcdo po." Sabi ni Gela.
"Wait akala ko sa Greenwich tayo kakain." Nagtatakang sabi ni Mae kay Gela. Oo nga naman ang gulo din nitong babaeng toh eh.
"Huh? Tinanong ko lang naman kayo kung saan niyo gusto kumain wala akong sinabi gagawin ko duh!" Sabi ni Gela habang nagtetext parin.
Tsk nagtanong pa siya but never mind as long as may pagkain akong makikita *-*
Nakarating na kami sa Mcdo at nagorder. Lahat kami ay nagorder ng chickenfillet and Mc float pero nagpaorder pa ako kay Gela ng isang spaghetti which is my favorite.
Tahimik naman kami nagkakain pero joke lang yon ang totoo ang ingay namin, wala kasi sa dictionary ni Gela ang salitang "katahimikan" for short she's the noise maker sa aming tatlo.
Well di mawawala ang kuwentuhan tungkol sa kpop! Nabanggit ko na ba sainyo na Kpop fan din sila? Nagaagawan nga kami ni Mae kay Kim Taehyung eh (sorry sa mga out of place dyan) hehehe
"Oy! SM tayo pagkatapos, masimula na ang lesson bukas magpakasaya muna tayo bawal KJ!" Sabi naman ni Gela saamin.
Agree naman ako sa kanya syempre lulubusin ko na tong araw na toh dahil bukas na ang simula ng kahirapan namin.
And worst mamemeet ko nanaman si Math na walang ginawa kung hindi pa hanapin ang "X " hayst.
Kung may muka lang ang Math matagal na yan patay tsk -_-
"Sige game kami diyan!" Sabay kami ni Mae for sure magpapakasaya din yan.
Natapos na kaming kumain at pumunta na ng SM.
Habang naglilibot kami biglang nagring ang cellphone ko, si mama tumatawag.
"Anak nasaan ka? Naglunch ka na ba?"
"Ay oo nga pala! kasama ko po ngayon sila Gela, nilibre na po kami ni Gela ng lunch. Nasa Sm po kami ngayon."
"Ahhh sige basta 5:30 uwi na kayo bawal magpagabi sige ingat kayo!" Now she hang up.
Ang sweet talaga ni mommy ko naalala ako. Ang problema lang ayaw niya pa ako mag BF kasi istorbo daw sa pagaaral.
Minsan iniisip ko nga anong feeling kaya ng mag ka bf? Masaya kaya? Sa mga nakikita kong tao na may relasyon nakakainggit sila.
Pero pag nakikita ko ang sakitan sa relasyon, yung naglolokohan na, iyakan, awayan at iba pa yun ang nagiging dahil kung bakit iniiwasan ko mag ka relasyon.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY
RandomSiya nga pala si Aneya Cath Quizon, 16 years old. Simple ang kanyang buhay, hindi mayaman pero di din naman mahirap. Siya ay masayahin, palaban, mabait, at tama lang ang kanyang ganda. Isa siyang babae na takot magmahal at hindi naniniwala sa Foreve...