Tapos na ang klase namin at uwian na. Wala akong kasama ngayon ang boring nga eh..
So naisipan kong mag sound trip muna sa cellphone ko ng kpop habang naglalakad papunta sa gate.
Naalala ko na maaga nga pala ako pinapauwi ni mama, may bisita daw eh.. so tumakbo na ako ng mabilis at naghanap ng taxi.
Medyo malapit naman bahay namin sa school kaya pwede ko lakarin pero sabi ni mama kailangan pagkatapos na pagkatos ng klase uwi agad.
Nung nakahanap na ako ng taxi biglang nagring ang phone ko
"Hello?"
"Asan ka na? Papunta na mga bisita natin"
"Papunta na din ako mama hahah."
"Sige kailangan nandito ka na ng 4:30."
Tiningnan ko ang oras, 4:20 na! Uwian kasi namin ay 4:15, so may 10 mins pa ako para makapunta sa bahay.
"Sige ma malapit na ako"
"Sige ingat!"
"Ay ma nalimutan ko nga pala itanong, sino po yung bisita nating dara--"
And the line cut off.. hayst nakakainis naman, kanina pa ako kating kati sa kinauupuan ko kung sino darating sa bahay.
Nakakacurious naman... di bale makikita ko din mamaya.
Omg baka si prince charming ko ang darating wahahah, nakakabasa ako ng mga ganun eh sa unexpected moment dumarating sila ^_^.
Sana talaga mangyari yun... alam nyo ba yung feeling na yun? O ako lang nakakafeel nun...
Ako lang ata eh -_-
Nagbalik ako sa realidad ng makita ko na bahay ko.
"Kuya dito nalang"
Nagbayad na ako at bumaba. Nakita ko si mommy na naghihintay sa pinto.
"Hay salamat nandito ka na. Tara na sa loob at tulungan mo akong maghanda ng pagkain, mga 6:00 sila madating." Sabi ni mama habang papunta sa kusina.
"Ha! Sabi mo padating na sila, pinabilis mo pa ako pumunta :P." Sabi ko
"Hahaha sinadya ko talaga yun para maaga ka pumunta at tulungan ako dito sa paghanda ng pagkain, and there's a saying that the earlier the better." Sabi ni mama habang natatawa.
"Hayst sige ma mabihis na muna ako." Sabi ko at pumunta na sa kwarto.
Makalipas ang 30 mins natapos na kami ni mama sa paghahanda ng pagkain at naisipan ko na magpahinga sa kwarto...
(Knock.. knock)
Nagising ako ng may narinig akong may kumakatok sa pinto.
"Anak gising ka na nandito na ang bisita natin." Sabi ni mommy.
Bigla naman akong bumangon nung narinig ko yun.
Lumabas ako ng pinto at nilagpasan si mama. Excited na kasi ako makita kung sino ang bisita namin eh..
Pagkababa ko nagulat ako kung sino ang bisita namin... o_o
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Van! Wahhh!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta kay Van at yinakap siya. Namiss ko tong pangit na toh...~••~
Si Avan John Heres siya ang naging bestfriend ko simula kinder palang ako.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY
De TodoSiya nga pala si Aneya Cath Quizon, 16 years old. Simple ang kanyang buhay, hindi mayaman pero di din naman mahirap. Siya ay masayahin, palaban, mabait, at tama lang ang kanyang ganda. Isa siyang babae na takot magmahal at hindi naniniwala sa Foreve...