Chapter Eight

58 0 0
                                    


Authors note:

Annyeong (hello)! Kamusta naman ang pagbabasa ninyo? Ok pa ba yung story? Sorry sa mga napapangitan I feel you wahahah! Ibabalita ko lang po na malagay na akong POV ng iba, di ko na nga sana lalagyan eh pero naisipan ko na lagyan nalang para masaya wahahaha! ^_^

Share ko lang!

Pls vote and follow para ganahan po ako, I'm trying my best here :D thank you very much for your generosity! XD

~•~

KZ's P.O.V

Iniwan ko na sila Aneya don sa classroom dahil may practice ako ngayon ng swimming. Di ko pa ba nasasabi sa inyo na swimmer ako? Well ngayon alam niyo na! ^_^

Simula grade 6 ako nagkainterest sa swimming, si mama ang dahilan kung bakit nagustuhan ko ito. Dahil dun naging hobby ko na siya, nakasali na din ako sa iba't ibang labanan, well nakakuha ako ng tatlong medal sa pagiging first place wag niyo na tanungin kung nakailang talo ako dahil di ko na mabilang wahahah XD hoy atleast naka tatlong first place ako, pinaghirapan ko yun!

Nandito ako ngayon sa Wiltan resort kung saan dito gaganapin ang mga trainning ko, dito din ako natuto lumangoy. Natandaan ko tuloy yung grade 6 ako first time kong magswimming...

~FLASHBACK~

"Ma wag na kaya! Tingnan mo oh ang lalim di kakayanin ng height ko!" Pagmamaktol ko. Kasi naman pinipilit ako ni mama na matutong lumangoy para daw in case of emergency na mahulog ako sa tubig di ako malulunod! Hayst si mama talaga -_-

"Anak kaya mo yan, it's for your own good naman yan eh, makakatulong yan for the future!" Sabi naman ni mama with thumbs up.

"Sige dito ka muna ha kakausapin ko lang yung magtuturo sayo lumangoy." Dugtong ni mama.

So nandito naman ako nakaupo at naglalaro sa aking cellphone ng kung ano ano pang pawala ng boredom. Pero mga 5 mins bigla nalang nagshut down ang phone ko, sayang ang taas na pati ng score ko sa temple run! Kainis lang!

So wala akong nagawa kung hindi itago at manuod nalang sa mga naglalangoy. Grabe ang galing nila, paano kaya sila nakakalutang? Nakakacurios lang. Para tuloy gusto ko matuto pero nauuna ang takot ko eh. Iniisip ko pag nalulunod ako walang makapansin saakin.

"Anak ito ang tuturo sayo ngayon, si Ate Mylenne, makinig ka sa kanya ha. Wag maging pasaway ok?" Sabi naman ni mama habang kasama si ate Mylenne.

"Oo naman ma syempre ayaw ko malunod dun, nakakatakot!" Sabi ko naman.

"O sige maiwan ko muna kayo, mabalik ako ng mga 3:00 magrocery muna ako. Mag ingat ka ha bye" sabi ni mama at umalis na.

THE UNEXPECTED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon