Chapter Five

56 1 0
                                    

"Aneya Cath Quizon and Kean Eucliffe sa third row forth line." Sabi ni ma'am at pinagpatuloy ang pagbunot niya.

Si Kean pamilyar siya saakin. Siya yung dating kaklase ni Gela. Kaya ko siya kilala.

First time in my life na maging kaklase ko siya. Sa pagkakaalam ko crush ng bayan last year.

And from my observation sikat siya sa ibang section, di ko lang alam kung dito din.

Madami akong naririnig na humor tungkol sa kanya. Di ako tsismosa sadya lang na malakas pandinig ko.

Ang naalala kong kwento sa akin ni Gela medyo weird daw yun. Tapos nagaabsent tuwing Wednesday at minsan di na pumapasok ng hapon.

At paguwian umuuwi siya ng maaga walang nakakakita sa kanyang may barkada o mga kaibigan.

Grabe nung ikinuwento yun sa amin ni Gela nacurious kami ni Mae. Ang Mysterious nga niya and weird.

So ngayong katabi ko na siya mas makikilala ko na siya. Nakakacurious talaga ang personality niya.

Inobserbahan ko ang katabi ko ngayon. Tahimik siya halatang goodboy. Balita ko din matataas ang grades, may itsura din, at matangkad (tsk kasi maliit ako eh).

Napatigil ako sa pagtingin dahil bigla siyang humarap, umiwas naman ako at tumingin sa unahan grabe nakakahiya naman.

"Is there something in my face?" Tanong niya habang pinupunasan ang muka niya ng panyo para maalis kung ano nasa muka niya.

Grabe ma nonose bleed ata ako dito. Mabaon na pala dapat ako ng tissue in case of emergency.

Di pa naman ako masyado magaling magsalita ng english. Mapapahiya pa ata ako dito... Lord guide me...

"Ahh no there's nothing on your face I just think that your attrac-- ay este smart.. oo yun! I think your smart! " sabi ko at umiwas sa kanya dahil feeling ko namumula na ang muka ko sa hiya.

Narinig kong mahina siyang tumawa. Sino naman di tatawa eh english grammar ko mali mali. Tsk bahala na nga.

Tapos na kami magsitting arrangement. Ipapakopya na sa amin ngayon ang schedule for Morning and Afternoon subjects. Bukas na kami masimula ng klase half day lang kami ngayon eh.

So andito ako ngayon nagsusulat sa black board nung mga schedule na ipapakopya sa kanila, syempre ako ang sexytary eh XD.

Tapos na ang klase at uwian na. Napansin ko naman ang katabi ko na mabilis na inaayos ang kanyang gamit at tumakbo palabas.

Ang masasabi ko lang sa kanya "Weird". Grabe nakakacurious talaga siya.

Si Van nauna na saakin may pupuntahan daw kasi sila.

Si KZ naman may family bonding kaya umuwi ng maaga. For sure iistalk niya lang ang crush niya. So nandito ako ngayon magisa kaiyak.

Bago ako umuwi pipicturan ko muna yung schedule na sinulat ko sa board, di na uso saakin ang pagsulat sa notebook ... and binibilisan ko na kasi magkaka meron ata ako ngayon >///<...

So before it's too late mabilis ko nang kinuha ang cellphone ko sa bag.

Yung pipicturan ko na may biglang humarang sa board, at nakaposing pa ang baliw!

"Ano pang ginagawa mo dito Cyriel? Alam mo ba ang laki mong harang sa black board?! At may pa posing - posing ka pang nalalaman di naman bagay! Baka masira mo pa ang precious kong cellphone! " sabi kong naiinis.

THE UNEXPECTED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon